042. Silent Heartbeat

4.1K 339 59
                                    

Napahinga nang malalim si Daniel habang pinagmamasdan si Gwen na nakaupo sa harap niya. Kahit alam ng babae na mapapagalitan siya ng class adviser, kitang-kita sa mukha niya ang pagiging kalmado, na para bang wala siyang ginawang mali.

"I don't like that smug look on your face," ani Daniel habang kaharap ang dalaga. "You do know that you could get punished because of what you did to Leia's stepsister, right?"

"I know that very well, but I still did it because she deserved the beating."

"Kahit na. Hindi mo dapat ginawa 'yun. Kailangan tuloy kitang suspendihin sa Paramount Class ng dalawang araw. Kung hindi ko lang kilala ang tatay mo, ipapasuspend din kita sa regular classes mo."

"You're not doing him a favour by not suspending me..." tugon ni Gwen habang umiilingiling, "People with power aren't always kind. Sometimes you have to take advantage of it, and that's what I did. At isa pa, kahit pa takot ang administration ng school sa tatay ko o hindi, hindi na 'yun mahalaga. Nakita ng lahat kung paano kaladkarin ni Sandy si Leia. Whether it was rude that I hurt Sandy or not, I'm not going to be the bad guy. Pinoprotektahan ko lang ang kaibigan ko."

"Ah, talaga?" sarkastikong tugon ni Daniel sa dalaga, "More like blowing out some steam because of your pent-up anger."

Tinaasan ni Gwen ng kilay ang class adviser. "Hindi ako si Jacob. I'm not very good with people. And either way... I'm not the bad guy. Kaya kung ako sa'yo, ibigay mo na lang sa 'kin 'yang suspension letter para matapos na 'to."

Daniel heaved a sigh of frustration, before closing his eyes as he massaged his temples. Pagkatapos noon ay pinirmahan niya na ang sulat at ibinigay ito sa dalaga.

"At kung pwede lang, Gwen... Huwag ka nang makikialam sa mga nangyayari," babala ni Daniel sa dalaga, "I already told your father that you're being nosy as fuck with everything I do. Pati si Jacob napasok na rin ang sarili niya sa problemang 'to. Alam ko ang ginawa mo... It's only fitting that it's you who stole the yearbook from Helga just to show that to him."

"Hindi lang naman ikaw ang kasali sa problemang 'to... At kahit pa anong gawin mo para maprotektahan ako o si Jacob, wala ka nang magagawa... Madadamay pa rin kami."

Bago pa man makasagot si Daniel sa dalaga, tumayo na si Gwen mula sa kinauupuan at dumiretso sa labas ng opisina.

When she went out, she was welcomed by both Leia and Emma waiting for her outside.

Nang makita ni Leia ang sulat sa kamay ni Gwen, naging bakas sa mukha nito ang pag-aalala, "Nasuspend ka... Sorry."

"Dalawang araw lang naman eh. Hindi mo kailangang mag-alala," paninigurado sa kanya ni Gwen.

Emma grinned, before facing her bestfriend who still looks bothered. "Now Leia... We want you to tell the truth. Ano ba talaga ang nangyari?"

"Ano bang sinasabi mo –"

"Narinig namin ang lahat ng mga sinabi sa'yo ni Sandy... Is there something bad that happened at home?"

"Wala 'yun..." tugon ni Leia sa mahinang tinig, habang pinapanatili ang pagiging kalmado, "Alam niyo naman si Sandy... Palagi namang galit sa 'kin 'yun. Kung anu-ano na lang ang sinasabi."

"I can see that you're lying," Emma told her abruptly to stop her from making excuses. "Your body language completely tells me a different thing."

Napabuntong-hininga si Gwen habang nakatitig sa kaibigan, "Huwag mo nang hintayin na basahin ko ang isip mo, Leia."

Leia heaved a sigh of frustration, then leaned her back against the wall and fiddled with her fingers. "Y-yung stepfather ko... Sinubukan niya akong gahasain. Pero nakatakas naman ako, kaya wala siyang nagawa sa 'kin..."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon