043. Different Wars, One Enemy

4.1K 297 32
                                    

Pagkatapos ng emergency meeting na pinatawag ni Benjamin sa mga faculty members ng Faircastle High School, ibinilin niya kay Daniel na manatili ito pagkatapos para makapag-usap silang dalawa.

Nang sila na lamang ng school director ang naiwan sa loob ng conference room, tumayo si Benjamin mula sa kinauupuan at pumwesto malapit sa malaking bintana na gawa sa salamin, at pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalakad sa school grounds. Ilang minuto na rin itong tahimik pagkatapos ng meeting, at halatang malalim ang iniisip nito.

Habang pinagmamasdan ang school director, malakas ang tibok ng puso ni Daniel, at pakiramdam niya ay kumukulo ang dugo niya. There is a nasty amalgam of anger and tension inside him, knowing that the school director is the one responsible for Helga's death. Noong sinabi ng babae sa kanya na tumigil na si Benjamin sa pagbabantay sa kanya, alam niyang may ibang planong gawin ang school director.

Iyon nga lang, hindi niya naman inakala na agad itong mapupunta sa desisyon na patayin ang school administrator. He is still in shock, terribly frustrated, and incredibly furious, but he is trapped in his situation where he cannot even show his emotions since he might be risking himself and he will get caught.

Pero kahit pa namatay na si Helga, hindi naman ibig sabihin noon na tapos na ang lahat. Mas lalo pa ngang nadagdagan ang dahilan niya para tuluyang sirain si Benjamin.

"They said she died because of heart attack, right?" ani Benjamin na tuluyan nang binasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Opo, Sir..." tugon ni Daniel, "Iyon daw po ang cause of death sabi ng pamilya niya..."

Sandaling napatigil ang school director, bago muling nagsalita. "Maybe... It's for the better, don't you think?"

Marahang umangat ang ulo ni Daniel, at itinuon ang tingin sa likod ng lalaki. Binigyan niya ito nang matalim na tingin dahil sa mga narinig mula rito.

"Ano pong ibig inyong sabihin, Sir?"

"I can only imagine what Isagani and his people are doing right now... Sa tingin mo ba, nagpapanic na sila?" Benjamin then chuckled devilishly, "The fact that Helga stole the files and tried to stop it from reaching me... Lara's disappearance and the destruction of her laboratory... They did all of those things just so they could mess with my plans. Pero syempre hindi ko naman sila hahayaang sirain ang mga plano ko. Yung pagkamatay ni Helga, pwede nilang isipin na mensahe 'yun mula sa 'kin. I want to tell them that they'll experience the same fate as her the moment they try to meddle with my plans again."

Huminga nang malalim si Daniel para kalmahin ang sarili, pero sa ilalim ng mesa, nakakuyom ang mga kamay niya. Sa sobrang tindi ng panggigigil niya ay naglilitawan na ang mga ugat sa braso niya. He tried his best to stay calm, and to maintain a collected façade despite his fury over the things Benjamin is saying.

Just then, Benjamin faced him with a smile on his face. Naglakad ito palapit sa kanya at naupo sa upuan na nakapwesto sa harap niya.

"May itatanong ako sa'yo, Daniel..."

"Ano po 'yun, Sir?"

Huminga nang malalim si Benjamin, bago lumitaw ang isang maliit na ngiti sa mukha niya. "Have you ever thought of betraying me?"

Bahagyang nagulat si Daniel sa sinabi nito, pero pinanatili sa mukha niya ang isang kalmado at kontroladong ekspresyon. "Isang dekada na akong nagtatrabaho sa inyo, Sir. From the moment the Paramount Program was implemented, I was already with you. Kung tatraydurin ko po kayo, ginawa ko na dapat 'yun noon pa."

A smile slowly emerged on Benjamin's face as he nodded in content. "You're right... You've been with me for years. Lagi mong sinusunod ang mga pinapagawa ko sa'yo, even if some of them were things that somehow, challenged your principles and beliefs. You were always loyal, and you ended up covering up for me, or betraying some people. Hindi mo pa ba ako kinamumuhian dahil doon?"

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now