052. Uprising

4K 281 8
                                    

Habang nasa loob ng opisina niya, abala si Benjamin sa paghahanap ng mga dokumento sa loob ng drawer niya nang mapansin niya ang isang asul na folder na napailalim sa ibang mga papeles. Inilabas niya iyon, at pagkatapos ay ipinatong sa mesa niya.

Sa unang pahina nakalagay ang mga katagang 'Project Peculiar', at sa baba nito nakasulat ang pangalan ni Dr. Anthony Ledesma. As he went through the pages, he started to recall how the file became the reason for his success and his stay at the top of the pyramid, earning good favors from the higher ups of the Paramount Laboratories.

Mahigit isang dekada na rin ang dumaan nang madiskubre niya na may ginagawang proyektoang isa sa mga colleague niya sa Paramount Laboratories. Noong panahon na iyon, isa rin siya sa mga siyentipiko na nagtatrabaho sa organisasyon kasama ng iba pang mga magagaling na propesyunal sa iba't-ibang larangan. It immediately piqued his interest, and he knew that if the project reaches the higher ups, they would definitely be thrilled to do support it.

"Maybe we can propose it to them..." suhestiyon ni Benjamin kay Anthony nang bisitahin niya ang huli sa laboratory nito, "Siguradong susuportahan ka nila kung itutuloy mo 'yan. They'll like it for sure."

"Huwag muna ngayon, Benjamin..." tugon ni Anthony habang inaayos ang glass slides na gagamitin niya sa mesa, katabi ng microscope na kanina niya pa inaadjust, "At isa pa, hindi pa naman ako tapos eh."

"It's as good as complete, you know. Anyways, what's your goal with it?"

Lumayo muna si Anthony mula sa microscope at pinagmasdan ang kasama. "Naisip ko lang kasi na baka pwede nating matulungan ang ibang mga batang metahumans sa mga kakayahan nila. Kasi 'di ba, madalas sa mga metahumans na katulad natin, nagsisimula ang pag-manifest ng mga kakayahan kapag dumating na tayo sa age ng puberty. Siguradong mahihirapan sila. I mean, dati nang stressful ang pagdadalaga at pagbibinata, tapos dadagdagan pa ng paglitaw ng kung anong weird na abilities. And we both know that the world doesn't know about metahumans, and if they do... They think they're a threat to the society. But that isn't true. Just like them, metahumans want to exist in the society the same way as normal humans without being prejudiced or feared.

"Sa pamamagitan ng project na 'to," ani Anthony, "Naisip ko na baka pwede nating i-integrate ang efforts ng Paramount Labs sa mga schools, o kaya sa mismong gobyerno... Through combined efforts, we can find young people who possess abilities ... Through that, we can teach these youngsters to understand their kind, to control their abilities, and to accept what they are and their peculiarity...

"And then slowly, we can finally reveal the metahumankind to the world, by showing them metahumans can be functional members of the society - highly functional in fact, because of their abilities. Gusto ko ngang mawala ang prejudice sa mga katulad natin, gusto kong huwag nila tayong katakutan. We may be different, but we're still human just like everyone else. I want our kind to enjoy their youth and have fun... Become adults who become part of the workforce... Become parents to their own children.

Napahinga nang malalim si Anthony bago napabuntong-hininga, "Pero kailangan ko pang gumawa ng ibang revisions at adjustments sa Project Peculiar. "If I could improve Project Peculiar, I want to be able to take metahumans who are in hiding, living in the outskirts, or are still running away for their safety... Kung magiging consistent ang pag-develop natin nito, then maybe... Maybe we could make a world where metahumans and normal human beings could become a community that lives in harmony."

Tumango si Benjamin habang pinagmamasdan ang folder sa mesa ng scientist na kasama niya. "Okay naman 'yun, pero sa tingin ko... Yung vision mo na tanggapin tayo ng mga normal na tao, parang mahirap 'yun. Hindi ko 'to sinasabi para maging KJ ha... Idealist ka kasi kaya hindi ko naman mapipigilan 'yan. Ako, realist lang ha... Mahihirapan tayong mag-blend sa society kapag nalaman na ng mga tao kung ano tayo. Hindi lahat sila kaya tayong tanggapin. They think of us as monsters that will cause them harm."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now