049. Superior

3.8K 318 54
                                    

"Pero... Pero patay ka na," ani Jacob, bago tumingin sa palibot niya at napansin na nakangiti at bahagyang tumatawa ang iba. He then realized something, and immediately moved his gaze towards the woman.

"Ibig sabihin... Katulad ka rin namin?"

Tumango si Helga at ngumiti, "Yes... I am just like you. That's the reason why they killed me. You see, ako ang may kasalanan kung bakit biglang nawala si Lara. I have the ability to make people disappear... or more like take them on an alternate dimension. You'd rather choose not to know everything about it. It's kind of confusing."

"Pero... Pero nakita ni Axis na namatay ka. Hindi niya na nga marinig ang tibok ng puso mo eh."

"Oh, I died. I truly did," tugon sa kanya ni Helga, "But you see, I am metahuman with multiple lives. This is the third time that I died and lived again. "

"Kung ganoon, 'yung abo na pinaglamayan ng lahat –"

"Oh, nagsunog lang kami ng mga papel para magawa 'yun," ani Alexander, "Tapos 'yung pamilya na nakita niyong nagdadrama dun, hindi namin kilala 'yun. They were all being controlled by Elise."

Jacob moved his gaze towards Elise who is sitting on the couch and calmly watching them. "Kasali ka sa unang batch ng Paramount Class, hindi ba?"

Tumango si Elise, "I am... I was second in the ranks, and I was from the VLID. My ability is verbal persuasion. I can make people do everything I want them to do by using talking to them."

Nagsalubong ang mga kilay ni Jacob, "Talaga?"

Elise chuckled. "Of course... Now I want you to throw that pillow by your right straight towards Apollo's face."

Halos hindi napansin ni Jacob na gumagalaw na pala ang kamay niya, at bago pa man niya ito makontrol, naitapon niya na ang nakuhang unan diretso sa mukha ni Apollo. Nagulat si Jacob at halatang nag-alala sa nagawa niya, habang ang iba naman ay tumatawa dahil sa nangyari.

Apollo glared at Elise, before picking up the pillow that hit him and throwing it towards the woman. "Huwag mo nga akong pinapahiya nang ganyan..."

Ngumisi si Elise habang pinagmamasdan si Jacob. "I told you I could make you do everything..."

"Ako naman si Gustaf..." ani ng lalaki na kasama ng dalawang babae, "Kung sa tingin mo pamilyar ako, ako kasi 'yung nagmanipula ng mga alaala mo noon... 'Yung time na nadiskubre mo 'yung tungkol sa yearbook. Sinubukan ko ring pakialaman 'yung alaala 'yung isa na mukhang masungit –"

"Si Vladimir?"

Tumango si Gustaf, "Oo, 'yun nga. Pero hindi ko nagawa kasi tinulungan siya ni Gwen. Hindi na ako nagpumilit kasi alam kong alam na ni Gwen ang gagawin niya. Pasensya na kung ginawa ko 'yun, ha? Utos lang kasi ni Daniel."

"So you can manipulate memories?"

"Yes, but I can only suppress them and hide them in the deepest parts of your brain. Hindi ko kayang tanggalin o dagdagan ang mga alaala mo. I can also phase, that's why I can go through walls."

Agad na napatingin si Jacob kay Alexander, bago bumalik kay Gustaf ang tingin niya. "Pareho niyong nagagawa 'yun?"

Tumango si Gustaf. "Oo... Pareho naming na-develop ang ganoong mutation."

Jacob then nodded in both realization and amusement, before looking back at Daniel. "Sir, may itatanong lang po sana ako..."

"We're here to answer your questions, Jacob... What is it?"

"Hindi po ba, posibleng si Sir Benjamin ang may kasalanan kung bakit namatay ang tatay ko.... Iyon din ang dahilan kung bakit pinoprotektahan ako ng lola at nanay ko. Pero pagkatapos mamatay ni lola, nilipat agad ako ng nanay ko sa Faircastle High School. Kung gusto nila akong protektahan, bakit kailangan pa nila akong ilapit kay Sir Benjamin... Hindi rin alam ni Mama kung bakit ganoon, kasi sumunod lang siya sa bilin ng lola ko bago siya namatay."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon