022. The Enraged, The Mischievous, and The Paranoid

4.7K 375 61
                                    

Napahinga na lamang nang malalim si Daniel matapos marinig ang mga ikinuwento nina Axis at Nico. Nasa opisina na rin noon ang iba pang mga miyembro ng Paramount matapos silang puntahan ng dalawa para humingi ng tulong.

"Sa ngayon po, hindi po namin alam kung saan nagpunta 'yung tatlong duplicates ni Sketch... Si Sketch din po, hindi namin alam kung saan nagpunta. Basta ang sabi niya, siya na daw ang maghahanap sa tatlo," ani Axis na bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Siguro naman hindi sasaktan si Sketch ng mga duplicate niya," saad ni Nico habang pilit na iniisip kung saan maaaring nagsuot ang tatlo at maging si Sketch mismo.

"Sa tingin ko, hindi naman nila gagawin 'yun, kaya hindi natin magiging problema ang safety ni Sketch," tugon sa kanila ni Gwen, "Ang malaking problema natin, kapag nakita ng ibang tao ang duplicates niya. Kahit pa pareho ang mga mukha nila, magkakaiba ang personalities nila. Problema rin kapag nakita silang magkakasama, kahit dalawa lang sa kanila. Alam ng lahat na walang kapatid si Sketch, at nasa tapat lang ang dorm kung saan nagsistay ang ibang mga estudyante."

"Don't worry... Nagtawag na ako ng mga staff ng Paramount Program para magbantay sa mga entrances at exits ng campus. Naka-station na sila roon ngayon, so we can be sure that the three duplicates are still here in Faircastle," paninigurado naman ni Daniel sa kanila.

"Pero Sir..." singit ni Leia, "Paano po nangyari 'yun? Bakit nagkaroon ng mga duplicates si Sketch?"

Saglit na natigilan si Daniel, bago napahinga nang malalim. "Hindi lang sinasabi sa inyo ni Sketch, but he is diagnosed with multiple personality disorder. Naikwento sa akin ng parents niya ang tungkol doon, and how he went through hypnotherapy just so his alters will be controlled and will not take over his body. But I think... The manifestation of his abilities somehow helped his other personalities to find the light again, all at the same time... allowing them to have their own bodies."

Jacob was taken aback after hearing that. "Ni hindi man lang nagkukwento sa amin si Sketch..."

"Sa tingin ko, ayaw niyang mag-alala tayo sa kanya kaya hindi niya na rin sinabi..." Emma said in a concerned tone.

Tumango si Axis. "Ang mahalaga ngayon, mahanap natin si Sketch at ang mga duplicates niya. Dapat magawa natin 'yun agad, dahil nanghihina na si Sketch –"

"Nanghihina si Sketch?" tanong ng class adviser nila.

"Opo, Sir," Nico responded as he nodded, "Basta parang pagod na pagod siya... Hirap nga siyang maglakad eh."

Daniel's face is stricken with concern. "It's probably the effect of his ability. Dahil nanggaling din sa kanya ang mga duplicates niya, it is just obvious that they will get their strength and energy from Sketch's body. Dahil tatlo silang humiwalay sa katawan niya, nawala rin ang three fourths ng enerhiya ni Sketch."

"Pero..." biglang saad ni Leia, "Saan naman natin sila hahanapin dito sa campus? Masyadong malaki ang lugar na 'to, at baka malusutan lang nila tayo."

Maya-maya pa ay nakarinig sila ng katok mula sa pinto ng opisina ni Daniel. Napalingon silang lahat sa direksyon na iyon, at sinundan ng mga mata si Sketch na papasok sa loob.

Agad na tumayo si Nico sa kinauupuan at pinandilatan ang pumasok na lalaki, "Sketch, akala ko ba –"

"H-hindi ako... Hindi ako si Sketch," kinakabahang saad ng lalaki, "Ako si Steven."

Manghang lumapit sa kanya si Emma. "Isa ka sa mga alters niya?"

Biglang umatras si Steven dahil sa paglapit ng babae, kaya agad sinaway ni Axis ang kasamahan.

"Huwag mo siyang lalapitan... Mukhang natatakot siya sa 'tin," he said while assessing the duplicate's face. "Bakit ka pumunta dito?"

Kahit kinakabahan, pilit na lumapit si Steven ng ilan pang hakbang papunta sa kanila. "H-hindi ko alam kung saan nagpunta si Kei... Pero si Kit – A-alam ko kung nasaan si Kit..."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now