Kabanata 45

2.7K 44 5
                                    

"Wedding"

Masakit man isipin, kailangan ko paring tanggapin.

Wala na si Dad, si Mom, pati si Rylan. Ako nalang ang natitira.

Nakakalungkot isipin na sa isang iglap lamang ay nawala ang mga taong mahal ko sa buhay. Parang kailan lang, masaya pa kaming nag-uusap. Sana pala ginugol ko nalang ang mga oras ko noon na kasama sila. Sana pala ay lagi kong pinapaalala sa kanila kung gaano ko sila kamahal at kung gaano sila ka-importante sa akin.

Mabuti nalang at meron si Zeke. Siya ang sandalan ko tuwing nalulungkot ako. Siya ang karamay ko sa mga oras na hindi ako matigil sa pag-iyak tuwing naaalala ang mga panahong pinagsamahan namin ng mga magulang ko.

Nakulong si tito Romeo dahil sa salang Homicide. Habang buhay rin niyang pagsisisihan ang pagpatay niya sa sarili niyang anak, kahit na sabihin pang aksidente lamang iyon.

Nakausap na namin ang psychologist ni tito Romeo. Kinumpirma nito na may problema nga sa pag-iisip si tito. Ang hinala ng psychologist ay bunga iyon ng pagkamatay ng asawa ni tito.

Inilibing si mommy sa tabi ng puntod ni dad. Dinadalaw ko sila kada linggo at binibigyan ng bulaklak. Sinasamahan naman ako ni Zeke tuwing bumibisita kami sa puntod nilang dalawa.

Nagdaan ang ilang araw, linggo at buwan. Mas lalong nahahalata na buntis ako dahil sa unti-unting paglaki ng aking tiyan. I'm now six months pregnant with Zeke's child.

Nitong nakaraang buwan lang ay ipinakilala na niya ako sa kanyang mga magulang. Emilianna Villanova was pleased to meet me. Hindi naman pala siya mataray, katulad ng first impression ko sa kanya. Alam na rin nila na buntis ako, kaya naman agad nilang inayos ang pagpapakasal namin.

Hiniling ko na sa susunod na taon nalang ganapin ang aming kasal dahil ayaw kong maisabay ang kasal namin sa taon ng pagkawala ng mga magulang ko. Pumayag naman sila. Napagdesisyunan ni Emilianna na sa unang buwan ng taon gaganapin ang kasal namin ni Zeke. Pumayag nalang din ako dahil sa buwan rin na iyon nakatakda ang pagsilang ng sanggol na dinadala ko.

I just had my ultrasound last week, and I found out that I'm going to give birth to a boy.


"Good Morning, Miss Romualdez!" Magiliw na bati ni Atty. Avila sa akin.

Pinapunta niya ako sa kanyang opisina dahil may gusto daw siyang sabihin.

"Good Morning, Atty." Bati ko pabalik.

Kasama ko si Zeke ngunit nahuli siya dahil ipinarada pa niya ang kanyang sasakyan. Nauna na akong pumasok sa opisina.

"I have good news for you." Panimula ni attorney.

Umupo ako sa upuan sa tapat ng desk niya.

"What is it?" Tanong ko.

May inilahad siyang sobre sa akin. Binuksan ko iyon. Laking gulat ko sa aking nabasa.

"Nakasaad sa sulat na iyan na may iniwang halaga ng isang bilyong piso ang maternal grandmother mo. Dapat iyong mapunta sa iyong ina, kaso wala na siya kaya ikaw na ang tatanggap niyan ngayon." Saad ni attorney habang binabasa ko ang content ng sulat.

Maternal grandmother? Ang lola ko sa ina?

"Isang bilyon? Paano? Eh matagal nang patay ang lola ko!" Saad ko.

Pinagsalikop naman ni Attorney ang kanyang mga daliri bago nagpatuloy. "I know it sounds confusing, pero nagkataon na nakasalamuha ko rito sa Pilipinas ang abogadong may hawak ng last will ng lola mo. Lumipad kasi patungong Amerika ang abogado ng lola mo kaya hindi niya nasabi sa pamilya niyo ang tungkol rito. But at least, you know now."

Forget Me Not (Villanova Series #2)Where stories live. Discover now