Kabanata 22

1.9K 41 0
                                    

"Crying"

Nagmamadali akong lumabas ng school nang matapos ang last subject namin ngayong hapon. Gusto kong puntahan si Zeke ngayon upang ipaalam sa kanya ang tungkol sa offer ng school ko na pag-aralin ako sa Europe.

Alam kong mauunawaan naman niya iyon, ngunit gusto ko parin na malaman niya at aalamin ko kung ano ang opinyon niya tungkol roon.

Hindi pa nagrereply si Zeke sa message ko sa kanya kaninang umaga, kaya napagpasyahan kong ako nalang mismo ang lalapit sa kanya. Siguro ay may ginagawa siyang mahalaga kaya hindi niya na pinapansin ang phone niya. Baka hindi rin niya ako masundo ngayong hapon.

Sinundo ako ng driver ko at inutusan ko siyang dalhin ako sa Villanova Firm, kung saan nagtatrabaho si Zeke ngayon.

Nang makarating sa harap ng building ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad akong pumasok sa loob ng building at dumiretso sa elevator. Hindi ko na kailangan pang kausapin ang receptionist dahil kilala naman na niya ako. Ilang beses na rin akong nakapunta sa office niya kaya alam ko kung saan ako magtutungo.



Pagkarating ko sa floor kung saan ang opisina ni Ezekiel Villanova ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ang nga kamay ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o naeexcite.

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng kanyang opisina ay mas lalo ata akong kinabahan. Parang nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ang pinto o kakatok muna.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinihit ang doorknob. Unang bumungad sa akin ang sofa  sa kanyang tanggapan. Nahahati ang kanyang opisina ng isang malawak na pader na siyang nagsisilbing divider. Walang tao roon. Lumiko ako upang makita ang kanyang desk, kung saan siya nagtatrabaho.

Ngumiti ako sa ideya na masusurprise siya sa oras na makita niya ako rito, dahil hindi ako nagpaalam. Sayang at pinagluto ko sana siya ng pagkain.

Ganon na lamang ang pagguho ng aking damdamin nang makitang may babaeng nakapatong sa kanyang hita habang siya'y hinahalikan sa kanyang upuan. Umiikot ang upuan habang aggresibo siyang hinahalikan ng babaeng kasama niya.

Napatakip ako sa aking bunganga. Gulat namang napabangon ang babae sa gulat nang makita ako. Hindi ko na hinintay pang makita ang pagmumukha ni Zeke. Agad akong tumakbo paalis ng kanyang opisina. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang button patungo sa ground floor.

Napaluhod nalang ako sa sahig ng elevator habang tumutulo ang aking mga luha. Nanginginig ang aking mga braso at parang nanlalamig ang aking kamay. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Kaya ba hindi niya ako nasundo kaninang umaga?

Kaya ba hindi niya nareply'an ang text ko sa kanya kanina dahil busy siya sa babae niya?

Hindi ko na alam. Nawawala na ako sa aking sarili.

Bumukas ang pinto ng elevator at nasa ground floor na ako. Hindi ako makatayo dahil nanghihina ang aking tuhod. Patuloy parin ako sa pagluha.

Biglang may lumapit sa akin at inalalayan ako patayo.

"Miss, are you alright? What happened to you?" Tanong ng isang pamilyar na boses.

Inangat ko ang aking mukha upang makita ang tumulong sa akin. Babae siya at parang narinig ko na noon ang kanyang boses.

"Miss..." ulit pa nito na parang ginigising ang diwa ko.

"Alisha Yvon?" Tanong ko nang maalala siya.

Siya ang nakausap ko noon sa phone ni Zeke. Ilang taon na rin ang nakaraan ngunit naaalala ko parin ang boses niya. Minsan ko na rin kasi siyang pinanghinalaan na babae ni Zeke kaya tumatak talaga sa isip ko ang boses niya.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Where stories live. Discover now