Kabanata 18

1.7K 35 1
                                    

"Special"

Nanlaki ang mata ko nang hawakan ang kwintas na may pendant na blue diamond. This is damn so expensive. Kakulay pa nito ang damit ko, samantalang kakulay naman ng sapatos ko ang lace nito.

May note na nakakabit sa necklace. Binasa ko iyon.

Bring the necklace as you look for the person who holds the key to the lock...

Tiningnan ko ang kwintas. Kailangan pala ng susi upang maisuot ito.

Of course, this thing is worth millions!

Naisip ko, kanino kaya ang kwintas na ito?

Imposibleng kay mommy ito. Hindi iyon papayag na ikalat nalang ang mga mamahaling alahas niya, and this one looks really expensive.

Dinala ko ang kwintas. Saan ko naman hahanapin ang nakahawak ng susi?

I wonder where all the people here are. Tulog pa kaya sila?

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala namang clue na iniwan roon.

Bigla akong nakarinig ng tunog. It sounded like a bell.

Sinundan ko ang tunog na iyon.

It brought me to the beach. May nakaayos na mga mesa at upuan roon. There's so much flowers. Ang ipinagtaka ko lang ay kapareho ng mga bulaklak ang petals na sinundan ko kanina.

May kasal ba rito?

May red carpet sa gitna. May parang altar sa dulo ng carpet. Sa altar na iyon ay may isang upuan.

Bakit isa lang? Di ba dapat dalawa kapag may kasal? Unless it's for the priest.

I walked on the red carpet.

Pasensya na kung nadumihan ko 'to, pero wala naman sigurong masama kung titingnan ko lang ang lugar na ito.

Nang makalapit ako sa upuan ay nagulat ako. In the middle of that chair, there was a key. A small key made out of gold! Tingin ko'y iyon ang susi ng kwintas.

I was about to grab the key when someone put a blindfold on me.

"Hey!" I yelled.

Hindi ko pa nahahawakan ang susi.

Patuloy sa pagtali ng blindfold ang kung sino man iyon.

"What are you—"

"Shhh...sumunod ka nalang." Bulong ng pamilyar na boses.

"Kael?" I asked.

Iginiya niya ako sa kung saan.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko.

Ilang hakbang lang ang tinahak namin.

Tumigil kami at inalis niya ang blindfold.

"HAPPY BIRTHDAY!"

Before I could even react, the group parted. Pinadaan nila sa gitna si Ezekiel na may hawak na bulaklak. Katulad ito ng mga bulaklak na asul ang petals.

He approached me with his genuine smile.

"Happy Birthday, baby." Bulong niya nang makalapit.

Inilahad niya ang bouquet sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali. Ganito ang bulaklak na ibinigay niya sa akin noon sa hotel, bago siya umalis.

Naalala ko na!

"Forget Me Not?" I asked.

"Of course I won't forget you." He joked.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Where stories live. Discover now