Kabanata 36

1.7K 28 0
                                    

"Latte"

Pilit kong tinayo ang aking sarili. Masakit parin ang aking ulo, ngunit nagpatuloy ako. I felt sore down there as I stood up.

Dinampot ko ang aking damit na nakakalat sa sahig at nagbihis ako sa CR.

Dali-dali akong umalis sa lugar na iyon. Habang naglalakad ako ay tumutulo ang aking luha.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko kagabi, but one thing is for sure. I lost it to Rylan.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Tatawag ba ako sa mansion at sabihing sunduin ako? I don't know.

Nakarating na ako sa lobby. Naisip ko na baka pwede akong magpabook ng sasakyan sa receptionist. Baka kasi wala pang available na driver sa amin ngayon.

Lumapit ako sa reception desk.

"Excuse me, can you help me book a cab?" Tanong ko sa receptionist.

Ngumiti naman siya. "Sure, Ma'am. Where will you drop-off?"

Sinabi ko ang address ko. Pinaupo muna ako ng receptionist sa lobby habang hinihintay ang sasakyan.

Saglit lang akong naghintay roon. Mabilis na nakarating ang sasakyan ko sa tapat ng hotel.

"Miss, the car is already here." Anang receptionist.

Tumayo ako at nagpasalamat. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kotse. It's a black Vios. Tingin ko'y nagbook ang receptionist ng GrabCar para sakin. The fare's probably going to be more expensive. But it's okay because the convenience is exceptional.

Habang nasa biyahe ako pauwi ay hindi ko maiwasang isipin ang mga posibleng nangyari sa amin ni Rylan.

How the heck am I so stupid? Bakit ko hinayaan na mangyari iyon?

Kahit na pilit kong alalahanin ang mga nangyari ay hindi ko magawa. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

Nang makarating sa tapat ng mansion ay nagbayad ako ng pamasahe, pagkatapos ay dali-dali akong pumasok. I quickly went to my room.

Sinulyapan ko ang oras sa screen ng aking phone.

It's already 8:30! Late na ako!

Agad akong naligo. Limang minuto lang ako sa shower. Pagkatapos ay nagbihis na ako.

I wore a white-colored skirt. Tinernuhan ko iyon ng itim na blouse at puting blazer. I slipped my feet in a pair of white pumps. Dinukot ko ang susi ng aking kotse, sa drawer ng bedside table ko. Nilagay ko lang ang phone sa loob ng bag ko. Pagkatapos ko iyong isara ay tumakbo na ako pababa.

Hindi na ako nag-almusal pa. Agad kong kinuha ang kotse ko sa garahe at pinaandar iyon. Nagmamadali akong pumasok.

Mabuti nalang at magaan lang ang traffic. Agad rin akong nakarating sa Firm. Pinarada ko ang aking kotse sa basement garage.

Muli kong sinulyapan ang aking relo. Limang minuto na ang nakakaraan matapos mag-alas nuebe ng umaga.

Kinuha ko ang aking bag sa passenger's seat at lumabas na ako ng kotse.

Matapos ko iyong patunugin ay may tumunog rin na sasakyan sa gilid.

Hindi ko na iyon nilingon dahil sa pagmamadali. Agad akong pumasok sa elevator.

Pinindot ko ang number ng floor na aking pupuntahan. Napahigpit ako ng hawak sa bag ko.

Magsasara na sana ang pinto ng elevator nang biglang may pumasok.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Where stories live. Discover now