Kabanata 23

1.9K 34 2
                                    

"Iba"

Isang linggo na ang lumipas simula nang mag-usap kami ni Zeke. Ngayon ang nakatakdang araw ng aking pag-alis.

Matapos ang gabing iyon ay hindi na ako lumabas ng bahay. Hindi na rin ako pumapasok sa aming paaralan. Nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay.

Sinabi ko kay daddy na pumapayag na ako sa offer na pag-aralin ako sa Europe. Gusto kong ituloy ang pangarap ko kahit sirang-sira na ako ngayon. Mabuti nalang at sa loob lang ng ilang araw ay naayos na ang mga papeles na kakailanganin ko.

Masyado ata akong naapektuhan sa kataksilang nasaksihan ko sa opisina ni Zeke noong araw na iyon.

Nais ko mang kalimutan ang lahat ngunit pilit na nanunumbalik ang mga ala-ala noong gabing iyon.

"Hayaan mo na. Umalis ka na muna, Zeke. Magpahinga muna tayo." Matapos kong sabihin iyon ay tumayo ako at tinalikuran siya. Maglalakad na sana ako pabalik ng mansion, ngunit hinawakan niya ang aking kamay upang pigilan ako.

Nakaluhod parin siya nang ako'y lumingon. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Galit ba siya o nalulungkot?

Hinarap ko siya. Patuloy ako sa paghikbi, ngunit siya ay parang walang nararamdaman.

"Mag-usap muna tayo. Ayaw kong umuwi na hindi naaayos ang gulong ito, Kiesha." Sambit niya sa ibang tono. Hindi iyon ang tono na ginagamit niya sa pananalita. Parang...may kakaiba.

Mas lalo akong napahagulgol. Nanghina ang mga tuhod ko ngunit hindi ko hinayaang bumagsak muli ako sa lupa at mapaluhod.

Tinakpan ko nalang ang bibig ko gamit ang isa kong kamay, habang hawak-hawak niya ang isa pa. Mukha tuloy akong naiiyak dahil nagpopropose siya, pero hindi. Umiiyak ako dahil tatapusin ko na lahat ngayong gabing ito. Tatapusin ko na ang dalawang taong pagsasama namin. Sapat na iyon.

Ayaw ko nang ituloy pa dahil nahuli ko na siyang nagtataksil sa akin...bakit ko pa siya tatanggapin? Kung pagmamahal lang ang natitirang rason para hindi ko siya bitiwan, magmumukha akong tanga. Ayaw kong masaktan dahil lang sa pagpapakatanga na iyan.

Umiling ako. "Tama na, Zeke. Ayoko na." Nanginginig na sambit ko.

May parte sa akin na nagdadalawang-isip pa, pero sa huli ay nanaig ang pride ko. Pinakawalan ko siya dahil sa pride ko...

Nabitiwan niya ang kamay ko. Bigla siyang napayuko. Hindi ko alam, pero parang wala siyang kaalam-alam sa mga pinagsasasabi ko.

"Sabihin mo na kasi!" Hirit ko.

Napalingon siya sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at ngayon ay ako na ang nakatingala sa kanya.

"Sabihin mo na para tapos na! Para palayain na kita!" Sigaw ko ulit.

Natamaan ng kaonting ilam ang kanyang mga mata. Ngayon ko lang napansin na nagtutubig na iyon. Oh no...napaiyak ko ba siya?

Unti-unting nanlumo ang boses ko.

"K-kiesha, I don't know what you're saying. Bakit bigla ka nalang naging ganyan sa akin?" Nauutal na tanong niya.

Napasapo nalang ako sa aking noo. Lumunok ako ng malalim bago nagsalita ulit.

"Zeke! I caught you having an affair with someone else! Nahuli kita sa opisina mo mismo! Kahit di mo na aminin, huling-huli ng dalawang mata ko! May kahalikan kang iba!" Muli akong napahagulgol.

Gulat na gulat ang itsura niya nang sabihin ko iyon. Napayuko siya at umiling.

"F*ck!" Nagulat ako sa biglaang pagmura niya.

"What? Nagiguilty ka?" I mocked.

Nilingon niya ako at umiling. "Baby, please, wala ako sa office kanina. That guy you saw wasn't me."

Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya.

"D-don't deny it..." I tried not to stammer.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Maniwala ka, Kielsey-"

Agad ko iyong inalis.

"Leave." I commanded.

Hindi siya gumalaw.

Kapag hindi siya umalis sa paningin ko ngayon ay baka bawiin ko lahat ng sinabi ko at patawarin siya ulit. Alang-alang sa pride na natitira sa akin ngayon, I yelled at him once again.

"Leave now!"

Wala siyang nagawa. Pansin kong nag-aalanganin pa siya, pero sa huli ay umalis na rin siya.

For the last time, I glanced at him. I glanced at my man, with his car slowly drifting away from me.

Napalunok ako. Hindi ko namalayan na may luha na palang lumandas sa aking pisngi. Nasa balcony ako ngayon at pinagmamasdan ko ang malawak na lupain namin sa labas.

Nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko.

"Kiel," sambit ng pamilyar na boses.

Nilingon ko iyon at nakita si Debbie na maluha-luha.

Sa kanya ko ibinabalita lahat ng plano ko sa buhay at kabilang na roon ang pag-alis ko patungong Europa.

Wala siyang pasabi na yumakap sa akin. Saglit kaming nanatili ng ganon. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Anong oras ang flight mo?" Tanong niya nang siya'y kumalas sa yakap.

Hinarap niya ako.

"6 PM." Sagot ko.

"Sigurado ka na ba diyan?"

Tumango lang ako at nginitian siya.

She pouted. "Bakit ang bilis ata? Alam na ba ito ni Ezekiel?"

Biglang nagbago ang ekspresyon ko. Napahinga ako ng malalim. Nagsisimula nanamang magtubig ang mga mata ko.

Natunugan niya na may mali kaya pinilit niya akong magkwento.



"Ano?! How dare him cheat on you!" Bulalas ni Debbie matapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

Hindi pa ako nakakatugon ay nagsalita ulit siya.

"Pero sigurado ka ba na siya iyon?"

Tumango ako.

"Paano? E ni hindi mo nga nakita ang mukha niya, di ba?"

Napaisip naman ako.

"Masyadong maingat si Zeke. Sigurado akong hindi rin siya nagpapapasok ng ibang tao sa loob ng opisina niya dahil hindi siya nagtitiwala kahit kanino." Paliwanag ko.

"Kahit sayo?" Singit naman niya.

Napairap nalang ako. "Syempre, may tiwala siya sa akin. Kaya nga lagi niya akong dinadala roon tuwing wala akong pasok eh."

Napangisi naman si Deb. "May ginagawa kayo roon, ano?"

Kumunot naman ang noo ko. "Syempre."

Gulat siya napabaling sa akin. "Seryoso? May nangyari na sa inyo?!"

Sinipat ko siya dahil sa malakas niyang boses.

"Ano ba? Syempre may ginagawa kami. Ano sa tingin mo, uupo lang kami at tutunganga? Syempre, nagtatrabaho siya tapos ako, bibigyan siya ng inumin o pagkain. Ang dumi talaga ng isip mo." Sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay. "So nagpapaalila ka sa lalaking iyon?"

"Hindi! Ibig kong sabihin ay sinasamahan ko lang naman siya roon. Kasi mag-isa siya eh."

Umirap si Debbie. "Ngayon, may iba na siyang kasama at hindi na ikaw yun."

Forget Me Not (Villanova Series #2)Where stories live. Discover now