Kabanata 42

1.9K 36 0
                                    

"Father"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni attorney.

"W-what?!"

Nilingon ako ni attorney. "Posibleng hindi pumayag ang iyong ama dahil iniisip niya kung ano ang mararamdaman mo. After all, mas nangibabaw parin ang pagmamahal niya sa iyo bilang anak."

Nangilid ang luha ko. Tuwing pinag-uusapan si daddy ay hindi ko parin mapigilan ang maluha.

Magsasalita pa sana ako nang bigla kong marinig ang tunog ng isang kotse. Pumarada ito sa likod ng kotse ni Attorney Avila.

Gaya ng inaasahan namin ay dumating na sina tito Romeo. Kasama niya si Rylan. May isa pang lalaki na sumunod sa kanila. May hawak rin na envelope ito.

"What a pleasant surprise, Atty. Avila!" Bati ni tito Romeo kay attorney.

Tumayo si attorney upang makipagkamay. Ganon rin kami ni mommy.

"What brought you here today, Romeo?" Malamig na tanong ni mommy sa kanya.

Oo, ipinaalam niya sa amin na bibisita siya ngayon, ngunit hindi niya sinabi kung ano ang kanyang paksa.

Naaalala ko parin kung ano ang sinabi ni attorney tungkol sa proposal niya kay dad.

Humalakhak si tito Romeo. Para bang hindi niya dama ang kalungkutan sa loob ng mansion namin dahil sa pagkawala ng haligi ng aming tahanan.

"Atty. Santos, please show them the contract." Utos ni tito sa lalaking may hawak ng envelope.

Agad naman itong sumunod. May inilabas siyang piraso ng papel mula sa envelope at inilahad niya ito sa mesa na nasa harapan namin.

"What is this all about?" Tanong ni mommy.

Ngumiti si tito. "This was the deal I've been offering Kaleb before. Isinasaad sa kontratang iyan na babayaran ko ang lahat ng utang niya, as soon as pumirma siya riyan. Kaso...wala na siya. Kaya si Kielsey nalang mismo ang papapirmahin ko riyan." Bumaling siya sa akin.

Parang nakutuban ko na kung ano ang nasa kontrata.

"Kailangang pumayag kayo sa kasal na alok ko. Kung hindi, maghihirap kayo, and worse...maaari kayong makulong." Patuloy niya.

"No!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Babayaran namin ang utang namin. Hindi namin kailangan ang tulong niyo."

"Really, Kielsey? Bakit ganyan ka na sumagot ngayon? Ganyan ba ang kabayarang matatanggap ko sa pagtulong sa iyo habang nasa kolehiyo ka pa noon? Ako ang nagpaaral sa iyo roon dahil nabaon na sa utang ang ama mo. Bakit? Hindi mo ba alam iyon?" Tito Romeo spatted.

Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay mommy. Nakayuko na siya ngayon.

"Mom? Totoo ba?"

Tumango lamang siya.

Napalingon ako kay tito Romeo nang muli siyang magsalita. "Kaya ka pinagtrabaho ng ama mo noon sa RCHR bilang isang tagapaglinis ay para hindi mo matunghayan ang mga palihim na pagkikita nila ng abogado niyo rito para pag-usapan ang mga utang ninyo! Matagal na kayong baon sa utang, hindi mo pa ba alam iyon?!"

"TAMA NA!" Hindi na nakapagtimpi si mommy. Nilapitan ko siya. Nanghihina na siya. Namumutla na ang kanyang labi.

Tinawag ko ang isang kasambahay. "Dalhin niyo na siya sa kwarto niya. Ako na ang bahala rito." Utos ko.

Agad naman silang sumunod, ngunit hindi nagpatianod si mommy.

"Ayos lang ako." Matigas na sambit niya.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Where stories live. Discover now