Kabanata 26

1.8K 28 2
                                    

"Misteryoso"

Pumasok kami sa loob ng isang sikat at mamahaling restaurant rito sa Spain. Hawak ni Rylan ang baywang ko nang pumasok kami sa loob. Hindi ko magawang umalma dahil mabait naman si Rylan. Maybe this is just a way for him to show how much of a gentleman he is.

"Thanks." Sambit ko nang hilahin niya ang upuan para sa akin.

Tumango lang siya at ngumiti. Umupo rin siya sa upuang katapat ko.

May lumapit na waiter sa amin at nag-abot ito ng tig-isa naming menu. Pumili kami ng pagkain at sinabi iyon sa waiter. Pagkatapos ay umalis na ito sa harap namin.

Nagkwentuhan kami ni Rylan habang hinihintay ang pagkaing in-order namin. Kinakausap rin niya ako paminsan-minsan sa wikang espanyol para daw masanay ako.

Habang nagtatawanan kami ay may napansin ako sa may likuran ni Rylan.

Kumunot ang noo ko, ngunit muling naagaw ni Rylan ang atensyon ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Kielsey, what can you say about this?" Tanong niya.

Binalingan ko siya. "About what?"

May ipinakita siyang picture ng dalawang kotse sa kanyang phone.

"Which one is better?" Tanong niya.

"Bakit? Bibili ka?"

Tumango siya. "Well, matagal ko nang balak ang bumili ng bagong kotse."

Napatitig naman ako sa dalawang litrato. Pamilyar ang disenyo ng isang kotseng ipinakita niya. It's a black Chevy Camaro, just like Zeke's car.

Damn it! Bakit ko ba siya naaalala?

"Y-yung gray nalang." Turo ko sa isang kotse. It's a different model. I think it's a Maserati, just like one of my dad's collections.

"Really? I think the black one looks better." Kunot-noong sambit niya habang sinusuri ang picture sa phone niya.

Natawa nalang ako. "Bakit di mo nalang kasi bilhin iyang dalawa kung hindi ka makapili?"

He chuckled too. "I want them both, pero hindi kasya ang budget ko."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Seriously? A Chavez like you will always have enough money to buy whims."

He only laughed. "You're right, pero hindi lang para sa akin at sa mga kagustuhan ko ang perang hawak ko sa banko. Nakalaan rin iyon para sa magiging pamilya ko balang araw."

Nabigla ako sa huling sinabi niya. Kahit papaano ay nag-iisip rin siya at hindi lang puro papogi ang alam.

I can't help but admire him for being wise when it comes to financial means. Hindi tulad ko na nagwawaldas ng milyon sa mga walang kwentang bagay.

Muli kong naalala ang weird na lalaking nasa likuran ni Rylan. Siya iyong nakaagaw ng pansin ko kanina. Nakaupo ito sa table sa likuran namin. Natatakpan ng binabasa nitong newspaper ang kanyang mukha kaya hindi ko ito maaninag.

He looked mysterious. Nakasuot ito ng itim na sunglasses at itim na tuxedo. Ngunit kahit natatakpan ang kanyang katawan ay may kung anong bumubulong sa akin na pamilyar ang tindig ng lalaking iyon.

"Kielsey," muling nabaling ang atensyon ko kay Rylan nang tawagin nito ang pangalan ko.

I raised an eyebrow.

Siguro ay napansin niya na kanina pa ako tingin ng tingin sa likuran niya, kaya limingon rin siya sa tinitingnan ko.

"Are you staring at that weird-looking guy?" Kunot noong tanong niya nang humarap muli siya sa akin.

Umiling ako. "Uh, no! I was just...admiring this place. Nililibot ko lang ang paningin ko, because it's my first time here. Hehe." Palusot ko.

He pouted. Tumango-tango siya.

Maya-maya pa ay dumating na ang in-order namin. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang tingnan ang lalaki. Kanina pa siya nakaupo roon ngunit wala paring pagkain na hinahain sa mesa niya.

Napapansin ko rin ang pasimpleng pagsulyap nito sa banda namin. Naisip ko tuloy kung may nagi-spy ba sa amin, o di kaya'y...sa akin.

Hindi na ako nakapagpigil pa. Agad akong tumayo.

"Kielsey, where are you going?" Tanong ni Rylan.

Hinila niya ang palapulsuhan ko, dahilan ng pagkatigil ko. Napatingin ako sa kanya.

"I just need to—" napatigil ako nang mapansin na wala na pala ang lalaki sa inuupuan nito kanina. Tila ba'y naglaho ito na parang bula.

Sinundan naman ni Rylan ang tinitignan ko.

"Is it that guy again? Kilala mo ba yun?" Tanong ulit ni Rylan.

Natulala nalang ako.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng restaurant. Sa dami ng mga lalaking nakasuot rin ng itim ay hindi ko na mahanap ang lalaking nagmamasid kanina.

Napatingin ulit ako kay Rylan.

"I just need to go to the p-powder room." Palusot ko.

Binitawan naman na niya ang palapulsuhan ko at hinayaan akong magpatuloy.

Dali-dali akong umalis sa harapan niya. Habang naglalakad ay naglilibot ang paningin ko sa loob ng restaurant, nagbabakasakaling mahahanap ko ang lalaking iyon.

I roamed around the restaurant. Sinigurado kong hindi ako mapapansin ni Rylan habang hinahanap ang misteryosong lalaking iyon.

Iba ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Parang nagmamasid siya sa amin kanina. Gusto ko lang siyang makausap saglit dahil pamilyar ang kanyang tindig, at nais kong kumpirmahin kung tama ang hinala ko.

Kung siya ba ang taong iyon...

Isang sulyap ko sa kaliwa ay namataan ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo na nagmamadaling lumabas ng restaurant. May hawak itong newspaper sa kanang kamay nito kaya alam kong siya iyong lalaki kanina.

Hindi ako nagkamali. Pamilyar talaga ang lalaking iyon, ngunit hindi ko maaninag ng mabuti ang kanyang mukha dahil nakatalikod siya mula sa akin.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Nagmadali akong habulin ang lalaking iyon. Malapit na siya sa exit kaya binilisan ko pa ang paglalakad.

Ngunit tatlong hakbang palang ang aking nagagawa ay biglang may sumalubong sa aking waiter, dahilan upang magkabanggaan kami at mawala sa aking paningin ang misteryosong lalaking iyon.

"Lo siento, Señorita. Lo siento." Paulit-ulit na sambit ng waiter.

May hawak itong tray na may lamang pitsel ng tubig. Mabuti at mabilis niyang nailayo iyon sa akin kaya hindi ako nabasa. Iyon nga lang, may konting tubig na natapon sa sahig.

Tumango lang ako sa waiter at nilagpasan siya. Nagpatuloy ako sa paghabol sa lalaki, ngunit huli na ang lahat. Wala na ang lalaki sa loob ng restaurant.

Napapadyak nalang ako dahil sa inis. Damn it!

Sino kaya ang lalaking iyon?

At bakit napakamisteryoso niya?

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon