Kabanata 21

1.8K 34 1
                                    

"Plastic"

I sneaked in our mansion. Gabi na ako umuwi. Matapos kasi kaming kausapin ng guidance counselor ay dumiretso ako sa isang bar. Nag-imbita kasi ang aking mga kaibigan na sina Debbie, Aedan, Kael at iba pa.

Naka-dim ang mga ilaw sa bulwagan nang pumasok ako.

Aakyat na sana ako sa hagdanan nang biglang may tumawag sa akin. Napalingon ako sa may hapag-kainan nang marinig ang boses ni daddy.

"Kielsey," tawag niya sa akin.

Medyo kinakabahan man ay lumapit parin ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"Saan ka nanggaling?" Tanong nito matapos ko siyang halikan.

Napalunok naman ako. Hindi ko alam kung ano ang irarason ko dahil tiyak na magagalit si dad sa oras na malaman niyang nagpunta nanaman ako sa bar kasama ang mga kaibigan ko sa dati kong school.

"I just went out with some friends." Sagot ko.

Napahinga ako ng maluwag dahil hindi na nagtanong pa si dad.

Aalis na sana ako ngunit nagsalita ulit siya.

"May natanggap akong sulat mula sa school mo." Wika niya na nagpatigil sa akin.

Pinilit kong ngumiti upang mapagaan ang aking loob, kahit na mukha na akong natatae ngayon.

"A-ano pong sabi sa sulat?" Tanong ko kahit na may idea na ako kung ano iyon.

Pakiramdam ko ay nagpadala ng sulat ang school ko dahil sa nangyari kanina sa amin ni Zoey. I wouldn't be guilty anyway dahil deserve naman niya iyon. Kinailangan ko lang depensahan ang sarili ko.

Ngunit nagkakamali ako.

"They offered to send you to a prestigious university in Europe. Doon mo na ipagpapatuloy ang iyong pag-aaral, ngunit iyon ay kung gusto mo."

Nagulat ako sa sinabi ni dad. Seryoso ba siya?

"R-really?" Iyon na lamang ang nasabi ko.

Hindi ako makapaniwala. Matagal ko nang pangarap ang makatuntong sa Europe, hindi upang pumasyal ngunit upang makapag-aral.

"Yes, Kielsey. All they need is our approval as your parents, ngunit nakadepende parin sa iyo ang sagot namin. Kung gusto mo ba talagang mag-aral roon." Paliwanag ni dad.

Saglit akong natulala. Inaalala ko si Zeke. Paano na siya kapag umalis ako?

"Dad, paano si Zeke?"

Napabuntong-hininga naman si dad. Siguro ay naisip na rin niya na baka i-cancel ko ang offer dahil ayaw kong iwan si Zeke.

"I'm sure he'll understand, anak. Para naman ito sa kapakanan ninyong dalawa, lalo na kapag bumuo na kayo ng pamilya—"

Napatigil si dad nang umubo ako. Mukhang nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa narinig.

Naisip ko naman na ang bagay na iyon dati, ngunit hindi ko lang inaasahan na manggagaling iyon mismo sa ama ko.

"Are you okay, Kiel?" Nag-aalalang tanong ni dad. Lumapit siya sa akin at tinapik ang likod ko.

Tumango naman ako at hinarap siya.

"Ayos lang po ako." Sambit ko nang makabawi. Pinunasan ko ng konti ang labi ko at tumikhim. "Siguro'y ipapaalam ko muna sa kanya ito bago ako magdesisyon, dad. I hope it can wait."

Marahan na tumango si daddy at ngumiti. Bago ako umalis at magtungo sa aking kwarto ay niyakap ko muna siya.


Hindi ko mapigilan ang mag-alala kinabukasan. Malelate na kasi ako ngunit wala pa si Zeke. Hindi naman niya sinabi sa akin kung may pupuntahan o gagawin ba siya at hindi siya makakapunta upang sunduin ako.

Sinulyapan ko ang aking relo. Alas-otso na. Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase namin.

Wala na akong nagawa pa. Tinawag ko nalang ang aking driver upang sa kanya na magpahatid. Agad naman nitong nilabas ang kotse na aming sasakyan.

Habang nasa loob ng kotse ay nilabas ko ang aking phone. Nitext ko si Zeke upang ipaalam sa kanya na nagpahatid na ako at huwag na siyang pumunta sa mansion upang sunduin ako ngayong araw. Agad namang nadeliver iyon sa inbox niya.

Naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya ngunit wala akong natanggap. Napahinga nalang ako ng malalim.


"Thank you," sambit ko sa driver bago ako bumaba ng kotse.

Sinara ko na ang pinto at naglakad na papasok ng campus.

Habang nasa covered walk ay napapansin ko ang mga titig ng mga taong nadadaanan ko. Imbes na yumuko ay taas-noo akong naglakad at sumalubong sa kanila.  Napagtanto kong hindi ako dapat ma-intimidate sa kanila.

Napatigil ako nang mamataan si Zoey na naglalakad palapit sa akin. Tumigil siya sa tapat ko at nagkatinginan kami. Pansin ko naman ang mga umuusisang titig ng mga taong nakapaligid.

Nagtaas ng kilay si Zoey. "So ikaw ang napiling ipadala ng school sa Europe?"

Ngumisi naman ako. "Oo, bakit?"

Napalitan naman ng ngiti ang mataray niyang ekspresyon.

"Well, goodluck. I will surely miss bullying you. Sa wakas ay mababawasan na ng sanhi ang pagkastress ko." Sarkastikong tawa niya.

Natawa nalang ako. Akala ba niya biro ang pambubully niya sa akin sa loob ng halos dalawang taon?

"Pinag-iisipan ko pa naman kung tatanggapin ko ba ang offer, pero kung mamimiss mo ako...baka manatili nalang ako rito hanggang sa tuluyan kang mabaliw." Ganti ko.

Bigla siyang sumimangot. "Hindi ka ba talaga magpapatalo?" Nagtaas siya ng kilay.

Ngumisi ulit ako. "Bakit naman ako magpapatalo sa isang katulad mo?"

Gulat siyang napabaling sa akin. Siguro ay na-offend ito sa sinabi ko.

Bago pa man siya makaalma ay may lumapit sa amin na isang guro upang kami'y awatin.

"Miss Romualdez, miss Santos, kay aga-aga, ano nanamang kaguluhan ito?" Tanong ng matandang guro habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Zoey.

Nagulat naman ako nang ngumiti si Zoey at nagsalita. "Ma'am, there's nothing wrong here, in fact, nakikipag-ayos na ako kay Kielsey. Hindi ba?" Baling ni Zoey sa akin.

Agad na lumipat sa akin ang tingin ng guro.

Sinenyasan naman ako ni Zoey na sumabay nalang upang hindi kami mapahamak.

Hmmpt! Plastic...

Wala na akong nagawa pa. Sumabay nalang din ako dahil ayaw ko namang mapunta ulit sa guidance office.

Umirap ako at bumuntong-hininga bago nagsalita. Mabuti nalang at hindi iyon nakita ng guro.

"She's right, Ma'am. Ayos na kami ni Zoey." I said, cringing as I mentioned her name.

Nagtaas pa ng kilay ang guro at matalim kaming sinuri. Bigla namang nagbago ang ekspresyon nito at nagpaalam na.

"Bueno, kung ganon ay maiwan ko na kayo." Sambit nito bago taas-noong naglakad paalis.

Muli kong binalingan si Zoey na hindi parin inaalis ang pekeng ngiti sa kanyang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?"

Umirap nalang ako at naglakad na rin palayo sa kanya. Baka mahuli pa ako sa klase ko kapag nagtagal pa ako sa pakikipag-usap sa kanya.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Where stories live. Discover now