Kabanata 5

2.8K 52 0
                                    

"Excuses"

Dinala ako ni Myrna sa isang vacant room. Doon niya itinuro sa akin ang lahat ng kailangan kong malaman tungkol sa housekeeping.

Simple lang naman ang mga dapat gawin. May mga strategies silang ginagamit sa paglilinis ng isang kwarto sa hotel. Tatlong oras niyang tinuro sa akin ang mga basics. Mula sa pag-ayos ng mga unan at kumot, at kung kailan papalitan ang mga punda; sa pagvavacuum ng sahig; sa pag-ayos ng tuwalya, at kung kailan ito dapat palitan; at marami pang iba.

Halos maiyak ako nang dalhin ako ni Myrna sa CR. Itinuro lang naman niya kung paano ko dapat linisin ang lavatory, bathtub at ang pinakaayaw ko, ang toilet bowl.

"Wala na bang mas madali na trabaho?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagi-scrub ng gilid ng bowl. Nakangiwi ako habang ginagawa iyon.

Hinawakan ni Myrna ang kamay kong nakahawak sa hawakan ng panlinis. "Senyorita, hindi mo malilinis iyan ng maayos kung hindi ka mag-aapply ng force."

Hinigpitan ni Myrna ang hawak sa kamay ko at ginamit iyon na para bang siya ang naglilinis.

"A-aray, ang sakit!" Sigaw ko ngunit hindi siya tumigil.

"Dapat masanay ka na." Wika ni Myrna.

Geez! Magrereklamo talaga ako pag-uwi ko! Ayoko na rito!



Nang matapos ay umalis na kami ni Myrna roon. Ako ang nagtulak ng cart hanggang sa elevator. Kinuha lang iyon ni Myrna pagdating namin sa lobby dahil may mga guests roon, at medyo mabagal rin kasi akong maglakad.

Habang naglalakad ay may napansin ako sa dulo ng lobby. May kausap si dad na isang lalaki. Sandali ko silang tinitigan. Nagulat ako nang tumingin sa akin ang lalaki. Sinamaan ko siya ng titig at pinagtaasan ng kilay. Agad rin itong umiwas.

"Bilisan mo!" bulong sa akin ni Myrna nang medyo mahuli ako sa paglalakad.

Nagmadali akong sumunod sa kanya. Bago kami lumiko sa pasilyo ay muli kong sinulyapan iyong kausap ni Dad. Nakatitig rin sa akin ang lalaki kaya agad akong nag-iwas.

Hindi maalis sa isipan ko ang itsura ng lalaking iyon. Maging ang presence niya ay nakakabulabog.

Sino kaya siya?


Matapos ang pagtuturo sa akin ni Myrna ay nagbihis na ako ng damit. Sinuot ko uli ang damit ko kaninang nagtungo ako rito.

Kasalukuyan akong nasa Seaside Bistro ng hotel, kumakain ng panghapunan.

Maggagabi na at hinihintay ko nalang na matapos sina mommy sa ginagawa nila upang makauwi na kami.

Biglang may dumaan na nakapukaw ng atensyon ko. Kakain rin siya rito?

Umupo siya sa upuan malapit sa akin at kaming dalawa lang ang costumers na narito sa Bistro ngayon.

"The usual, please." He casually told the waiter.

Usual? Ibig sabihin ay madalas siya rito?

Tahimik akong kumakain nang bigla siyang magsalita.

"What are you doing here?" Bigla niyang tanong.

Nilingon ko siya at bigla akong kinabahan nang nakatitig nga siya sa akin.

"W-were you talking to me?" tinuro ko ang aking sarili.

Tumawa siya. "Of course, who else?"

I bit my lower lip. Pakiramdam ko ay namumula ako ngayon.

"I'm eating. Isn't it obvious?" sinubukan kong magtaray.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon