Kabanata 31

1.9K 36 0
                                    

"Proof"

Marcus told me to start as soon as possible, and so I did. Nagpasa ako ng ilang papeles sa kanya kahapon, to make my application formal. Agad rin niya akong tinanggap.

Kaya kinabukasan ay nagtungo ulit ako sa Villanova Firm upang simulan ang aking trabaho. Alas-siyete palang ay naroon na ako.

I first approached the manager. She handed me the job description. My job is a little complicated, but I bet Marcus wouldn't be that hard on me, will he?

After that, the manager toured me around the firm to familiarize myself here.

"Here are the cubicles. The workers in here are part of the Architectural and Project designing team." Panimula ng manager.

Sumunod ako sa kanya sa nang magtungo siya sa elevator. We went to the next floor.

"Here are the offices for the department heads." She introduced. Tinuro niya ang mga pinto sa floor na iyon at isa-isang pinakilala sa akin kung sino ang mga nagtatrabaho sa likod ng mga pintong iyon.

Then we went to the next floor where I think the higher executives' offices are.

"At rito nananatili ang nga pinakamataas sa lahat. The senior executives, including Sir Marcus."

Napalingon ako sa isang pamilyar na pinto, sa floor na iyon. It's Zeke's office. I wonder if he's there. At sino kaya ang kasama niya?

Memories came gushing down on me. Bigla ko nalang naalala ang lahat. Dati ay nagtutungo ako rito upang samahan si Ezekiel, ngayon ay nagtatrabaho na ako rito mismo, and my boss? His brother.

I can't believe I'll be working with him this time.

Tingin ko naman ay hindi ako namukhaan ng manager.

Ang sumunod na ginawa ko ay nagtungo ako sa opisina ni Marcus. He's going to be my boss, so I have to assist him.

Pagpasok ko sa opisina niya ay naabutan kong walang tao roon. His office is clean. Napaka-organized ng mga papel sa kanyang mesa. Siguro'y nilinis iyon ng kanyang dating Secretary bago ito umalis.

I wonder where Marcus is. Late kaya siyang pumapasok?

Sinulyapan ko ang aking Cartier watch. It's already 9am. Anong oras kaya siya pumapasok?

Naisipan ko na icheck ang schedule ni Marcus ngayon. May listahan ng kanyang mga gagawin na nakapatong sa kanyang mesa kaya kinuha ko iyon.

May nakatakda siyang meeting mamayang 11am, sa conference room ng building. I wonder if the conference room's already prepared.

Lumabas ako ng kanyang opisina.

Tinuro sa akin ng manager kung saan ang Conference Room kanina, kaya walang kahirap-hirap akong nakapunta roon.

Sinuri ko ang lahat ng kagamitan sa loob ng room. I made sure that everything's functioning well.

Napansin kong may box na nakapatong sa mesa. Sinilip ko ang laman non. I saw the projector. Hindi pa pala iyon nakasaksak.

Inayos ko ang projector, para ready na iyon sa oras na isaksak ang laptop. Itinapat ko iyon sa white screen.

Before I left, I made sure that everything was neat.

Nasa tapat na ako ng pinto ng conference room nang biglang bumukas ito. Halos mapatalon ako sa gulat. Napahawak ako sa aking dibdib.

"Kielsey? What are you doing here?" Dinig ko ang pamilyar na boses.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon