Kabanata 4

3.1K 57 0
                                    

"Housekeeper"

Wala akong nagawa kundi sundin nalang ang sinabi ni dad. Matapos ang araw na iyon ay hindi nila ako pinansin pareho ni mom. Itinuon nila ang kanilang atensyon sa business namin. Kinuha rin nila ang phone at lahat ng gadgets ko, kaya wala akong connection sa outside world ngayon. Maging ang mga cards at pera ko, naconfiscate.

Mga kasambahay nalang ang nag-aasikaso sa akin. Sa paggamot ng sugat ko, paghahanda ng pagkain ko at kung ano-ano pa.


"Miss Kielsey, nakahanda na po ang breakfast niyo sa hapag." Wika ng isang kasambahay na biglang sumulpot sa aking kwarto.

Wala akong ibang ginawa sa loob ng tatlong araw matapos akong maaksidente kundi magkulong sa loob ng aking kwarto at manood ng TV, kung hindi naman ay nagbabasa ng mga magazines at libro.

"Umm, nandoon ba sina mom at dad?" tanong ko bago siya umalis.

"Nauna na po si madam Anita sa hotel, miss. Si sir Kaleb nalang po ang narito pa. Hinihintay po ata kayo." Tugon nito.

Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Really? Hinihintay niya ako? Gusto niya na akong makausap?" natutuwa kong tanong.

Nagkibit-balikat naman ito.

"Nasaan si dad?" I asked.

Agad itong sumagot. "Nasa living room po."



I hurried to the living room. Naabutan ko si dad na nakatayo roon at pinagmamasdan ang napakalaking portrait nila ni mom.

I cleared my throat before speaking. "D-dad?"

Agad naman siyang lumingon.

"Kiel, I have something to tell you."

Kinabahan ako sa tono ng pagkasabi niya roon.

"B-bakit po? Ano po iyon?"

"Sumama ka sa akin." He answered.



Inubos ko lang ang pagkain ko at dumiretso agad ako kay dad. Sumakay kami sa kotse niya. Katulad ng nakasanayan ay magkatabi kami sa backseat.

"Medyo matagal rin naming pinag-isipan ng mommy mo ang tungkol rito." Pagbasag ni dad sa katahimikan.

"Ano po ba'ng meron?" tanong ko ngunit hindi niya ako pinansin.

Hinintay ko nalang na makarating kami sa pupuntahan namin na wala naman akong ideya kung saan.



Tumigil ang kotse sa tapat ng hotel namin. Ilang oras din kaming naglakbay.

I knew it.

Ano naman ang gagawin namin rito?

At ano naman kaya ang plano ni mom at dad para sa akin?

Nakangiting bumati ang security guard pagkabukas nito ng pinto sa lobby.

Malaking chandelier ang bubungad pagkapasok sa hotel. Our hotel is very elegant. It is a five-star hotel.

Ang theme nito ay white at gold, na parang iyong mga designs sa castles na napapanood sa TV.

Nagulat ako nang lumiko si dad sa hallway patungo sa quarter ng Housekeeping team. Akala ko ay didiretso kami sa second floor kung nasaan ang office.

Habang naglalakad kami ay sinalubong kami ni mommy na may kakaibang ngiti. She rarely smiles like this, kaya naman nakutuban ko na kung ano ang binabalak nila para sa akin.

No way...

"How are you, my daughter?" lumapit sa akin si mom at nakipagbeso.

Weird.

"Mom, why am I here?" tanong ko habang pinagmamasdan ang kapaligiran.

Nasa hallway kaming tatlo ngayon. May mga dumadaan na staff at housekeepers na todo ang pagtitig sa amin...or sa akin.

"Good question! Follow me." Mom said.

Mabilis siyang naglakad patungo sa pinto sa may pinakadulo ng pasilyo. Sinundan ko siya. Hindi na sumunod sa amin si dad. Bumalik siya sa may lobby at iniwan niya ako kay mom.



Pagkapasok namin sa loob ng kwartong iyon ay nagsitayuan ang lahat ng mga tao. Pare-pareho silang naka-uniporme ng pangHousekeeper.

"Good morning, Mrs. Romualdez!" they all greeted.

Biglang dumapo ang mga mata nila sa akin na nakatayo sa likod ni mom.

"Nandito pala si Miss Kielsey!" saad ng isa.

"Nako! Napakagandang bata...kamukha ni ma'am Anita." Komento naman ng isa.

Tumawa si mom. She clapped two times to get their attention bago siya nagtungo sa gitna. Mukhang may importante siyang sasabihin. Naiwan ako sa may gilid at nakinig nalang sa sasabihin ni mommy.

"Everyone, I bet you all know my daughter Kielsey Anisha Romualdez," tumingin siya sa akin. "Siya ang magmamana ng Romualdez Chain of Hotels and Resorts."

Nagpalakpakan ang lahat.

"Ngayon, napag-usapan namin ni Kaleb na magtatrabaho si Kielsey sa hotel na ito at magsisimula siya sa pinakamababang posisyon."

What?!

Humarap sa akin si mom. "Kiel, magsisimula ka ngayon bilang isang housekeeper."

Bago pa ako umalma ay may kinausap siyang isa sa mga housekeepers. "Myrna, ikaw na ang bahala. Turuan mo si Kiel sa dapat niyang gawin."

Pagkatapos kausapin ni mom ang housekeeper, lumapit siya sa akin.

"Si Myrna na ang bahala sayo," tumingin si mom sa housekeeper na nakausap niya kanina, pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "This will be your punishment. Pag-ipunan mo ang pera mo para matuto ka."

Pagkatapos nun ay iniwan na ako ni mom roon. Nilapitan ako nung kinausap niya kanina na si Myrna. Medyo may edad na si Myrna. Tingin ko ay siya ang Mayordoma rito.

"Hija, sumunod ka na sa akin." Ani Myrna.

Wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanya. Dinala niya ako sa isang mas maliit na kwarto na puno ng lockers at cabinets.

"Ito ang gamitin mo. Magbihis ka na rito." Tugon ni Myrna sabay abot sa akin ng uniporme na katulad ng suot ng mga iba.

Seryoso ba sila?

Iniwan ako ni Myrna sa locker room at hinayaan akong magbihis. Sinuot ko iyong uniporme at pinagmasdan ang aking sarili sa salamin. Napansin ko na medyo naghihilom na ang sugat sa aking noo na dulot ng pagkaaksidente ko. Hindi naman na ito masyadong pansin kung tatakpan ko ng konting buhok.

Dandelion na dress na hanggang tuhod ang haba at may white na apron; iyon ang uniporme rito. I tied my hair in a neat bun. Nagtira ako ng konting hibla ng buhok upang takpan ang sugat sa aking noo.

Mukha akong multo sa sobrang slim ng katawan ko at sa sobrang kaputian ng aking balat. Sabi nila ay para daw akong si Snow White na brown ang buhok at blue ang mata. Oo, kulay blue ang mata ko. Ang sabi ng mga magulang ko ay nakuha ko raw iyon sa maternal grandmother ko na isang British-American. Surprisingly, hindi iyon nakuha ni mommy. Sa aming tatlo nina mom at dad ay ako lang ang kakaiba ang kulay ng mata.



Pagkalabas ko ng locker room ay agad akong sinalubong ni Myrna. Bumalik kami sa quarter. Pinagtitinginan ako ng ibang mga housekeepers. Napailing nalang si Myrna.

"Kahit anong suotin mo, Miss, ang ganda mo parin." Saad ng isang housekeeper.

Natawa nalang ako.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Where stories live. Discover now