Kabanata 10

2.1K 46 0
                                    

"Came"

This weekend, I went home to our mansion. Day-off ko kaya sumabay ako kina mom at dad sa pag-uwi. Ilang araw rin akong wala rito sa mansion.

Lumabas ako ng kwarto na nakasuot ng horse riding pants at leather boots.

"Kiel," tawag sa akin ni dad.

Nilingon ko siya. He's currently having a cup of coffee at the dining table.

"Bakit po?" I asked.

Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya.

Sumunod naman ako.

Pagkalapit ko sa kinauupuan niya ay nagsalita siya. "Your 18th birthday is in three weeks, right?"

Napatango ako. Malapit na ang kaarawan ko, ngunit hindi ako na-eexcite.

"What do you want for your birthday, anak?" tanong ni dad.

Ngumiti ako.

I may be spoiled and bratty sometimes, pero iba ang mood ko ngayon. Pakiramdam ko ay ayos lang sa akin kahit huwag nang magcelebrate.

"Gusto ko lang kayo makasama ni mom. Kahit sa birthday ko lang po." Sagot ko.

Manghang-mangha ang itsura ni dad. "R-really? Are you sure?"

Tumango ako.

"Wow! Are you really Kielsey? Anak ko ba ito?" biro ni dad.

Natawa naman ako. "Oo naman, dad."

Tumawa rin siya. "Anong ginawa ni Ezekiel sa anak ko? Hindi ito ganito dati ah. My daughter would certainly ask for an extravagant party."

"Dad, hindi naman." I defended.

He chuckled. "Joke lang, anak. Eto naman."

Matapos ang usapan namin ni dad ay nagpaalam ako na magtutungo sa labas ng mansion.

I went to the stables, kung nasaan ang mga kabayo. Hinila ko ang isang kabayo palabas sa lungga niya.

Marunong akong sumakay ng kabayo. Tinuruan ako ni dad noong 14 palang ako.

Dinala ko ang kabayo sa malawak na lupain namin. It's an open field. Walang puno, tanging mga damo lang.

I stepped on the stirrup of the saddle to lift myself up. Nang makasakay na ako sa likod ng kabayo ay marahan itong gumalaw kaya muntik akong nahulog.

Phew! Kinabahan ako roon ah.

Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakasakay ng kabayo.

Nang mabalanse ko ang aking sarili ay marahan kong pinatakbo ang kabayo.

Habang tumatakbo ang kabayo ay iniisip ko kung paano ito papahintuin.

Nang makalayo na ay sinubukan kong pahintuin ito, ngunit hindi nakinig ang kabayo at nagpatuloy pa ito.

"Hey! Stop it!" I yelled at the horse.

Medyo bumagal ang pagtakbo nito kaya napangisi ako.

Gusto ko munang bumaba. Pinahinto ko ang kabayo at huminto naman ito. Lalakarin ko nalang hanggang sa kakahuyan, sa dulo nitong field. Kinakabahan ako na baka hindi ito tumigil pag nakarating na kami sa dulo. Baka dumiretso pa ito sa may kakahuyan.

Humawak ako sa tali at akmang bababa na sana nang biglang kumilos ang kabayo at mabilis itong tumakbo. Ang resulta? Nahulog ako sa lupa.

"Ahh!" sigaw ko nang tumama ang aking likod sa lupa.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Where stories live. Discover now