Chapter 7

24.8K 430 89
                                    

Dedic ko sa iyo dear. Pasensya na kung ngayon lang :)) GodBless! <3

____________________

**Sabi ko sainyo mag-a-update ako kahapon/kagabi pero hindi ko nagawa. Sorry, nagkaroon kasi ako ng biglaang lakad kagabi. Haha :D gimik-gimik din :))

Seriously, salamat sainyong lahat. MAHAL KO KAYO ^_^

____________________

→→→ BTW, the right on the right side is Rance and Junoella. They both stunning :)) →→→

CHAPTER 7

IT took her an hour to fix herself. Nag-apply lang siya ng kaunting make up para maglighten up naman ang mukha niya. Maayos din ang pagkakapusod ng buhok niya na may kaunting nalalaglag na buhok para may effect sa ayos nito.

Halos gibain naman ni Rance ang pinto nang katukin siya nito. Paano kasi inip na inip na siya kakahintay kay Junoella. Kaya naman nagpasya na siyang umakyat para katukin ang kanyang asawa. Late na sila sa party and yet hindi pa sila nakakaalis ng bahay.

‘Aish ang tagal naman niyang buksan. Mga babae nga naman.’

Hindi siya sigurado kung maayos, maganda ba ang suot niya o ang hitsura niya. Dati rati naman hindi siya naiinsecure kung ano ang magiging hitsura niya sa harapan ni Rance pero dati yun at iba na ang usapan ngayon.

Huminga siya nang malalim habang hawak ang isang maliit na bag bago niya tinungo ang pinto. Pikit-mata niyang binuksan ito.

“Bakit ang tagal--”

Natigilan siya sa pagsasalita nang makita niya ang ayos ni Junoella. She was wearing a red body-hugging gown, red stiletto shoes, and red lipstick. She look so hot and fierce.

Halos hindi nito magawang kumurap nang mapatingin ito sa mukha niya.

Hindi niya inaasahan na ganun ang makikita niyang reaksiyon ni Rance kaya naman pati siya nashock din.

“Let’s go” yaya ni Junoella.

Feeling niya kasi kapag hindi nito binago ang atmosphere. Hindi pa sila nakararating sa party ay tunaw na siya.

Hinawakan ni Rance ang isang kamay nito hanggang sa makalabas sila ng bahay. Pinagbuksan siya nito ng pintuan. Sumakay na siya sa kotse. Umikot naman si Rance para umupo sa driver seat.

“Stop staring.” saway niya rito.

Kahit nagda-drive kasi siya hindi niya maiwasang hindi tignan si Junoella. Napakaganda niya kasi at ngayon lang niya nakitang nag-ayos ng ganyan ang kanyang asawa.

“I couldn’t help it. You look great.” kaswal na sabi nito na hindi niya tinapunan ng tingin.

“Thanks for the compliment.” sagot niya habang nakatingin siya sa bintana at sa dinadaanan nila.

“Why didn’t you fix yourself like that?”

“Kasi wala naman akong dahilan para mag-ayos nang ganito. Saka mas okay sa akin kung nakikita ako ng mga tao na simple lang.” seryosong tugon nito sa tanong ni Rance.

Totoo lahat ng sinabi niya. Pabor sa kanya ang hindi pag-aayos ng sarili. Ewan niya ba kung bakit. Mayaman naman siya.

Sadyang kumportable lang siya sa simpleng ayos.

She knew she was beautiful. Kanino pa ba siya magmamana. Lahat ng kinalabasan ng genes nang pamilya niya ay magaganda at gwapo. Saka kapag nag-ayos siya ng gaya ngayon. Maaaring landiin lang siya ng mga lalaki. Pero kahit nasa simpleng ayos lang kasi ito madami pa din siyang nabibihag na mga kalalakihan. At hindi niya na yun kasalanan. Kasalanan na yun ng mga lalaking nagkakagusto sakanya.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon