Chapter 4

31.4K 556 96
                                    

Dedic sa iyo ate Helena :)) Madalas mo kasi ako pansinin sa FB kaya naman natutuwa ako sa iyo :) hihi ^__^

____________________

**Grabe, hindi ako makapaniwala sa support niyo for this story. Salamat sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at magbabasa nito. Hindi niyo lang alam kung gaano niyo ako napapasaya. Lalo na sa mga comments niyo, kinikilig po ako except lang po sa comments na bitin or UD. Hihihi ^__^ but anyway, atleast nagcomment kayo at nag-effort kaya thank you pa din po.

Pasensya kung natagalan ang UD ko. Nibasa ko po ulit eh, kasi wala talaga akong plot for this story. Hahaha :D Weird lang kasi alam kong umpisahan pero hindi ko alam sundan. Don’t worry readers my climax na din naman ito eh, yun nga lang hindi ko pa alam ang ending.

Oh siya. Napahaba po ang aking mensahe. Sana lang may nag-abalang basahin ang aking mensahe. Ang gulo yata? Yae na nga lang. Woot!!

Ito na po ang aking UD. *bow*

Enjoy reading :))

____________________

→→→ The gif on the right side is my Rance Villaruz.. LOL :D →→→→


CHAPTER 4

Junoella was typing like crazy in front of her laptop. Paano kasi magtatype siya tapos buburahin din niya ang kanyang tinatype after that magtatype na naman siya. Ganun lang ang ginagawa niya matapos niyang pagmasdan ang sarili nito sa harapan ng salamin. Mabuti nga at nagsawa na din siya sa wakas. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang sinabi ni Rance na flat chested siya.


“Hoy!” rinig niyang sigaw ni Rance mula sa labas.

Kanina pa siya kumakatok at kanina pa rin siya hoy ng hoy. Kaso hindi niya pinapansin ang bawat katok at sigaw ng kanyang asawa dahil naiinis pa rin siya dito.


‘Psh! Bahala ka diyan. Baliw ka. Makapagblog na nga lang.’

Tinakpan niya muna ng bulak ang kanyang tenga para hindi nito marinig ang pambubulabog ng kanyang asawa atsaka pinindot na nito ang ‘new text post’ button.

Huminga muna siya ng malalim bago ito magtype. This time sigurado na talaga siya. Hindi na nito buburahin kung ano man ang maitatype niya at ipa-publish na nito panigurado.


‘Hay! Bahala na nga si batman.’


Dear Blog, 


               Ok naman ang takbo ng araw ko kanina eh! Pero nang dumating ako sa bahay, nandito din pala ang mga parents ng mahal kong asawa. As usual nagpanggap na naman kami sa harapan nila. Okay na okay ang relationship namin as husband and wife sa mga mata nila. Hay! Kung alam lang sana nila. But I admit it, gusto ko yung pakiramdam na yun kanina. Ewan ba, ngayon ko lang nagustuhan ang mga ginawa niyang actions. Parang may kilig factor.

             Eto pa ang matindi sa lahat. Tama bang sabihan niya akong flat chested. May ghad lang diba!! Hindi naman ako flat chested eh. Syempre kaya lang naman niya yun nasabi kasi nga nasanay na siyang makakita ng mga dibdib na lumuluwa. Kaya naman bago lang sa kanyang mata ang size ko.

              Ang dami niyang dapat sabihin, YUN PA!! eh kung pinalaki niya na lang, edi mas maganda. Para hindi niya na maliitin ang hinaharap ko. Uwaah!! Undo-undo. Nagkukulay berde na naman ang ang aking utak dahil sa mga sinabi ng asawa ko. OMG!! This is not me.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon