Chapter 6

27.6K 410 49
                                    

Dedic ko sa iyo dear. Maagang pa-x'mas gift :)) I hope you liked it. GodBless!! <3

____________________

CHAPTER 6



“YES” sagot ni Junoella.

Napatayo kaagad si Rance saka niya binuhat pangkasal si Junoella at umikot-ikot silang dalawa.


“Thank you. Thank you” masaya niyang sabi habang umiikot-ikot pa rin sila. Hindi niya kasi akalain na ganun niya kabilis mapapa-oo si Junoella. Akala niya kasi mahihirapan siyang mapapayag ang asawa.

Lingid naman sa kaalaman ni Rance sa loob-loob ni Junoella masaya siya dahil sa wakas natauhan na rin ang asawa niya. Mabibigyan na rin ng chance ang kanilang marriage.

Tinignan niya sa mata si Rance, “Hehe. Ano a..pwede mo na ba akong ibaba?” nahihiya niyang sabi.

Feeling awkward na naman kasi siya. Hindi pa siya sanay sa mga ganyang actions ni Rance. Yang pasweet-sweet na ganyan. Ay sus!! Siguro kapag tumagal-tagal nang ayos ang kanilang pagsasama doon pa lang siya masasanay.

Sinunod naman ni Rance ang paki-usap niya.

Pagkababa niya, “Sorry” saad ni Rance.


“Nah! Ayos lang yun” ngumiti siya habang inaayos niya yung damit niyang naangat ng kaunti.

Ngumiti din si Rance at sinalubong ang titig nito. Umisod ito palapit sa kanya. Kakaiba ang pagtitig nito. Para bang may sinasabi ang titig niyang iyon kay Junoella. Nalusaw ang ngiti niya nang bumaba ang paningin nito sa mga labi niya. He looked at her as if he wanted to kiss her. Napalunok namang bigla si Junoella nang mas lalong lumapit si Rance sa kanya.

Hinawakan ni Rance ang likod ng ulo ni Junoella. In an instant, his mouth was on hers, nipping her lips so tenderly. Hindi niya nagawang kumilos. Ang tanging nadarama niya ay ang kakaibang sensasyong lumulukob sa pagkatao niya dahil sa pag-angkin ni Rance sa kanyang labi.

She closed her eyes and savored what he was doing to her lips. Soon, his kiss deepened. It was a very possesive kiss. She felt as if her heart was about to explode from an overwhelming sensation. Namalayan na lamang niya ang sariling gumaganti sa halik nito.

Ngayon lang siya hinalikan ni Rance at ganito pa ang kinalabasan ng kanilang unang halik. Matagal na niyang iniisip kung paano nga ba humalik ang kanyang asawa. Bakit maraming mga babae ang naaadik sa halik nito? Now, she knows. It feel’s like she’s in a cloud nine.

Nang magkahiwalay ang kanilang mga labi. They’re both panting. Rance hug her wife tight. Para bang ayaw na niyang pakawalan ang kanyang asawa sa mga bisig nito.

Unang kumawala ng yakap si Rance. Again, tinitigan niya ulit sa mata si Junoella.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon