Chapter 5

29.1K 498 107
                                    

**BS daw oh!! hahaha :D ewan ko kung bakit ang daming nagsasabi ng bs. Mouhahaha :D Don't expect to much for this UD guys >__< Baka kasi hindi ko mameet ang expectations eh!

I-lighten ko muna ang drama. Basta ako nag-eenjoy ako habang tinatype ko 'to :))

So, here we go..

Enjoy Reading :)

____________________

→→→ Btw, the gif on the right side is my Rance Villaruz.. LOL :D →→→→

CHAPTER 5

Inihiga niya si Junoella sa kanyang kama. Tulog na ito ng makapasok sila sa kwarto. Ganun siya kabilis makatulog. Kanina lang umiiyak siya sa sobrang takot tapos ngayon ang himbing na ng tulog niya.

Umupo ito sa tabi ni Junoella. The room was full of shadows but enough moonlight found its way in through the window so he could see her face in the darkness. Kaya napagmamasdan niya pa ring mabuti ang natutulog na asawa. Hinaplos niya ang kanyang pisngi. Bakas sa pisngi nito ang natuyong luha. Humihikbi pa ito kahit tulog na.


“Hanggang ngayon pala takot ka pa din sa dilim.” he sighed, “Alam mo bang tinakot mo ako. Ayoko kasi sa lahat ay yung makakita ako ng umiiyak na babae. Hindi lang siguro ako kumportable. Para ka kasing mamahaling vase, Napakagandang tignan pero nakakatakot namang hawakan.” humiga ito sakanyang tabi at hinahaplos-haplos ang kanyang buhok.


“Now I felt something weird.” he kiss her forehead, “Goodnight Junoella.” niyakap niya pa ito bago siya matulog.

Gusto ng imulat ni Junoella ang kanyang mata dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha pero ayaw pa nito. Pakiramdaman niya kasi hindi pa ito ang oras ng pag-gising niya.


“Hmmm.” kinapa-kapa nito ang kama para hanapin ang favorite niyang stuff toys. Subalit ang hindi niya inaasahan, iba pala ang kanyang makakapa.

Naramdaman niyang medyo matigas ‘yon nang panandaliang nagdampi ang palad nito sa ‘bagay’ na ‘yon. At siyang naging dahilan kung bakit ang natutulog niyang kaluluwa ay biglang naging buhay na buhay. Nang marealize niya kung ano yun.

Bigla-bigla siyang napamulat at napaupo sa kama. Napakunot ang kanyang noo. Nagtataka siya, nananaginip ba siya o ano? Dahil nasa silid ito ng hindi familiar sakanya.

Tumingin siya sa gawi kung saan may nakapa siyang kakaiba.

Napasinghap ito ng tumambad sakanya ang half naked na lalaki, nakatakip ang unan sa mukha habang nakatihaya itong natutulog. “Oh my god. As in O-M-G. Did I?? No!” iling niya ng sumagi sakanyang isipan ang thoughts na ‘yon.

Wala siyang maalala kung ano ang nangyari kagabi. Dahil yun sa sobrang natamo niyang trauma nung bata pa siya.


“AaHHHHH!” sigaw nito na halos ikabasag ng mga salamin sa loob ng kwarto.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon