Chapter 17

19.2K 410 215
                                    

____________________

CHAPTER 17

"Wait up, Aki." napatingin siya sa kamay niyang nakahawak kay Aki. Holding hands.

"Huwag mong sabihing babawiin mo 'tong date natin. Kasi wala ng bawian." hinila niya ulit si Junoella patungo sa parking lot ng school.

Maraming napapatingin sa kanilang dalawa. Sa bawat pagdaan nila.

Binuksan niya ang pintuan ng front seat. "Sakay Ella."

Hindi niya napansin na nasa parking lot na pala sila. Parang ang bilis ng pangyayari. Sumakay na lang siya ng walang imik kay Aki. Tulala siyang naupo doon.

"Saan mo gustong pumunta?" wala siyang nahintay na sagot sakanya. "Hey, you okay?" hinawakan niya ang kanyang pisngi.

Natauhan naman siya sa ginawa ni Aki.

“Know what. Mali ito eh.” napapikit siya at sinandal ang kanyang katawan sa upuan.

“Mali kasi may asawa ka. Mali. Pero nasaan ang asawa mo ngayon? Ang pinsan ko. Nasaan? Bakit hinahayaan ka niyang mag-isa? Umiiyak sa field.” diretso siyang nakatingin kay Ella. Hinihintay niya ang pagdilat ng kanyang mga mata.

“I... I don’t..” may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. “I don’t know where he is now.” dumilat siya ng may namumuong mga luha sa kanyang mga mata. At unti-unti itong bumagsak sa kanyang pisngi.

“Damn it Ella.” hampas niya sa kanyang manibela. Nasasaktan siya. Hindi niya kayang nakikita si Ella na umiiyak, ng dahil sa kanyang pinsan.

Hindi na umimik pa sa Ella. Naguguluhan siya. Kung bakit ganyan umasta si Iñaki sakanya.

“I’ll take you somewhere. Somewhere than you forget your asshole husband. Just.. Just forget the pain and be happy with me. Kahit ngayon lang.” at nag-umpisa na siyang magdrive.

Walang alam si Ella kung saan man sila pupunta ngayon. Nakapikit lang siya habang nakasandal sa upuan.

Bakit? Anong ginawa ko Rance? Akala ko ba magiging okay na tayo. Akala ko ba gagawin mo ang makakaya mo para mag-work out ang marriage natin. Pero nasaan ka ngayon. Ang tagal mo ng di nagpaparamdam sa akin. Bakit? Mali ba na umasa ako?

Tumulo na naman ang kanyang mga luha. Wala na ba itong katapusan. Sobrang sakit na ng nararamdaman niya.

Napasinghap si Aki ng makita si Ella na umiiyak na naman siya. Shit! Kapag nakita kita Rance. Mapapatay kita.

“Ella, where here.” hinawakan niya ang kanyang magkabilaang pisngi. Tinuyo niya ang luha ni Ella gamit ang kanyang daliri.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon