Chapter 11

23.3K 380 70
                                    

Belated happy birthday Miss Rayne. Gagawa sana ako ng one shot noong birthday mo pero hindi ako nakaabot. Huhu >.< Late ko na kasi nabasa nun. Pakner mo pa naman sana nun si Troy. One of these days itutuloy ko yung sinusulat ko. God Bless :))

____________________

**Salamat sa mga patuloy na nagbabasa nito :) Sa mga old readers ko na palagi kong nakikita sa dito. Ayieeh napapangiti niyo ako lagi. Haha :D kinikilig  ako sainyo. At sa mga new readers ko dito. Kyaaaaah!! MAHAL ko kayo from the bottom of my heart. Sana makilala ko kayong lahat. ::kisses&hugs::

____________________

→→→ RANCE at the right side →→→ 

CHAPTER 11


BUMUKAS ang pinto sa kwarto ni Junoella.


“What are you doing here?” she asked.

Kahit obvious na sakanya kung ano ang pakay nito dahil may bitbit siyang dalawang unan.

Itinuon niya ulit ang atensyon nito sa ginagawa niya bago bumukas ang pinto kanina.


“Dito ako matutulog.” casual na sabi nito sa asawa.

Bigla siyang napatayo dahil sa narinig nito. “What the! Rance may kwarto ka.” bulyaw nito sakanya.

Nanatili pa rin siya sa kinatatayuan niya—tapat ng pinto. “Yeah, yeah! Nabutas ang kama ko.” he pouted. Naglakad siya papunta sa kama. “Wala akong matutugulan.”


“So what.” tinaasan niya ito ng kilay, “That’s not my problem anymore.” inis niyang sagot.

Umupo na ito sa upuan niya at nagsimula na ulit itong tumipa sa kanyang laptop.

Masama na nga pakiramdam niya. Marami pa siyang kailangang tapusin na projects, isama mo pa ang homework—hectic na sila ngayon dahil nagsimula na ang second semester nila. Kahit paano nawala na rin sa isipan niya ang mga nangyari sakanya 3 weeks ago.


“Hindi ba naaawa ang asawa ko sa’kin?” umupo ito sa gilid ng kama, “Saan naman kaya ako matutulog? Sa sala? Alam naman niyang hindi ako nakakatulog kapag maliit ang space ng hihigaan ko. Sa sahig ng kwarto ko? Matigas yun.” pagko-konsensya ni Rance sa kanya.

Huminto siya sa pagta-type. Urgh! Ayan na kinakain na siya ng konsensya niya. Kahit kailan talaga pagdating sa asawa nito hindi niya mahindian. Ang lakas lang ni Rance pagdating kay Junoella. Magsasalita na sana siya kaya lang nagsalita ulit si Rance.

Tinignan niya ang asawa nito habang nakatitig sakanya.


“Isa pa asawa mo naman ako.” he grinned. “Kaya walang masama kung magsama tayo sa iisang kwarto.” pilyong sabi nito sakanyang asawa.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon