Chapter 2

41.7K 740 116
                                    

Salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa po ng story na 'to. So much appreciated po.

____________________

Dedic kay ate DeMisse. Isa kasi siya sa mga hiningan ko ng tulong sa tittle ng story na 'to. THANK YOU  :) Labyuuuu ATE. Mwaaaa :**

____________________

CHAPTER 2


Pagdating ni Junoella sa kanilang bahay. Agad itong pumasok sa kanyang kwarto. Hindi pa siya nakakapag-bihis nang mahiga ito sa kanyang kama. Tumingin siya sa ceiling.

Ayan na naman ang mga thoughts niya kaya hindi na naman nito napigilan ang kanyang luha.

Kinuha nito ang kanyang cellphone saka niya tinawagan si Areen.


“Bui.. Kailangan ko ng makakausap. hikbi nito.

Alam na ng mga kaibigan niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Mag-gigirls night out na naman sila. Yun ang gawain niya sa tuwing may gusto siyang kalimutan kahit sandali lang.

Mabilis lang siyang nakapagbihis at pumunta na sa bar kung saan sila magkikita ng mga kaibigan niya. Taxi lang ang ginamit nito dahil ini-expect na niyang mapaparami siya ng maiinom.

Wala pa ang dalawa niyang kaibigan nang dumating ito sa bar.

Um-order na siya ng alak. Gusto na niya kasing makalimutan ang nakita nito kanina. Nasasaktan siya sa mga ginagawa at pinapakita ni Rance. She's been a loyal and faithful to her husband since they're married. Ni hindi nga niya pinapansin yung mga lalaking nagpapakita ng pagkagusto sakanya. Kasi nirerespeto niya ang asawa nito. Siya ba faithful at loyal? HINDI, dahil ni minsan hindi niya ‘yon naramdaman simula ng kinasal sila. Dahil isang malanding asawa si Rance.

Dumating na ang inorder niyang alak. Isa ‘yon tequila. Sinimulan na niyang ininom iyon kahit wala pa ang mga kaibigan niya.


“Sue! problema mo? Nakasimangot ka naman diyan.” pambungad na tanong ni Areen saka ito umupo sa tabi niya.


“Gaga ‘to nagtanong pa kung ano ang problema niya. Obvious naman kung ano ang pinoproblema ng ating mahal na kaibigan. As usual ang magaling na naman niyang asawa. Spill.” sabi naman ni Houdini.

Hindi na lang nito pinansin ang sinabi ng kanyang kaibigan. Nagsalin na lang siya ng alak sa kanyang baso saka nito nilagok.


“Ano ba yan Sue. Dahan-dahan nga lang sa pag-inom.” awat ni Areen. Tuloy-tuloy na naman kasi siya sa paglagok ng alak. Mauubos na nito ang isang bote ng tequila. “Ano sasapakin na ba namin siya? Don’t worry magtatawag kami ng resbak. Para siguradong panalo tayo.” tanong  nito habang ngingiti-ngiting aso.

Natawa na lang siya sa sinabi Areen. As if naman magagawa nila yun. Sus, sapakin daw. Alam naman niyang may pagnanasa din sila sa kanyang asawa. May pasapak-sapak pang nalalaman. Pero sobra nilang mahal si Junoella para agawin nila ito sakanya.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon