Chapter 3

32.1K 495 66
                                    

Dedic ko sa iyo :) Ayan na po ang iyong hinihingi. Sana nagustuhan mo. Salamat sa support at  sana nandito ka pa din till the end of this story.. Labyuuu <3

__________

CHAPTER 3



“Girls thank you.” sabi niya sakanyang mga kaibigan.

Tinaasan siya ng kilay ni Areen, “For what?” tanong nito.

Wala silang clue kung bakit ba ito nagpapasalamat. Sanay naman kasi silang naghahatid kay Junoella. Kaya bago ngayon sa dalawa na nagpapasalamat ito samantalang hindi naman niya yun ginagawa.


“Oo nga naman Sue. Bago yata sa pandinig namin ang salitang thank you galing sa’yo.” sang-ayon naman ni Houdini para asarin si Junoella.

Bigla namang napakunot ang kanyang noo, “Aish! Ako na nga ‘tong nagpapasalamat eh. Kung tinanggap niyo na lang kaya.” sabi niya atsaka sumubo ito ng rice.

Nagtatanghalian ang mga ito ngayon sa cafeteria. Hindi kasi ito nakapagpasalamat kaninang dumating siya dahil wala pa ito sa mood makipag-usap gawa nang may hang over pa ito.


“Edi you’re welcome.” sagot ni Areen


“Pero grabe naman yung pinasuot niyong damit sa akin. Hindi ko na yun ginagamit, eh”


“Ha? Pinasuot? What you mean by that?” naguguluhang tanong ni Areen.

Inirapan niya ito, “Hello!! Ano yun memory gap? O dala lang ng nainum niyo kaya naman nakalimutan niyo na agad-agad. Diba nga kayo ang nagpunas sa mukha at katawan ko. Kayo pa nga ang nagpalit ng damit ko. Naalala niyo na?”

Umiling ang dalawa.


“Ay naku ‘teh! Wala kaming ginawang ganun. Ang pagkaka-alam namin ay kinuha ka ni Rance mula sa amin saka ka niya binuhat pangkasal papunta sa kwarto mo.” casual na sabi ni Areen habang tumitipa ito sa keyboard ng kanyang laptop.

Gumawa kasi ito ng presentation para sakanilang project.


“Kaya imposibleng kami ang nagpalit sa’yo. Kay Rance ka magpasalamat, baka siya ang nagpalit sayo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Si RANCE?” sigaw niya na halos ikaputol na ng ugat niya sa leeg.


“Oh my. Oh my golly!” nagpapanic na reaction ng dalawa. Na parang ngayon lang nagregistered sakanilang utak kung ano ang mga sinabi ni Junoella.


“MAY NANGYARI NA SAINYO NI RANCE?”

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon