Chapter 10

25.5K 364 55
                                    

**Sorry kung ngayon lang ako nakapag-UD. I apologize din kung mali mali ang spelling, ang grammar and such.

____________________

→→→ Btw, Junoella Sue at the right side →→→ 

CHAPTER 10

“DIVORCE?”

Halos lumabas na ang puso ni Junoella sa rib cage nito sa sobrang gulat. Si Rance nasa living room. Kuno’t noong nakatingin sakanya. Mukhang galit ito dahil sa mga tingin niyang nakakatakot.

‘Divorce? Ibig sabihin narinig niya yung pinag-uusapan namin ni Tofee. Hindi siya umalis, hindi siya pumunta sa office.’

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Rance. Kinuha niya yung pinag-inuman nila ni Tofee saka nito nilagay sa sink.

Paakyat na sana siya sa hagdan kaya lang hinawakan siya ni Rance sa braso saka nito hinila para maupo siya sa couch.

“Bakit?” tanong ni Junoella.

“Divorce? Anong divorce?” naguguluhang tanong ni Rance sakanya.

“If im not mistaken, you heard it right? Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo maintindihan ang salitang divorce atsaka ito naman ang gusto mo diba? Ang magdivorce tayo. Para kapag dumating ang girlfriend mo, malaya ka na. Malaya na kayong magmahalan. Hindi na ako magiging isang sagabal sa relasyon niyo.” Hindi niya alam kung saan niya nakuha yung guts para sabihin yun sakanya.

A back of her mind, gusto niyang bawiin ang sinabi nito kanina pero wala na. Nabitawan niya na ang salitang nagpapadurog sa musmos niyang puso.

“Sinabi ba nila yun sayo?” She saw, he clenched his jaw. Nakakuyom din ang palad niya. Pinipigilan niyang magalit o ng hindi magandang reaksiyon mula sa kanya. Kailangan niyang maging mahinahon.

“Don’t blame them, wala silang sinasabi sa akin. Narinig ko lang ang pinag-usapan niyo ni Dane noong panahon na bagong kasal pa lang tayo.”

“Pero ano yung deal niyo ng mommy mo?”

She sighed, “Magdidivorce tayo kapag hindi pa rin okay ang relationship natin untill the end of this year.”

Yes, nagkaroon nga ng deal ang mama niya at siya. Pero wala siya sa tamang wisyo nang mga panahon na yun. Dahil hindi naman niya lubos akalaing mamahalalin nito ang taong—walang pakialam, walang puso, walang pagpapahalaga, sinasaktan siya, at higit sa lahat hindi man lang siya kayang mahalin.

“Your kidding me right?”

Umiling siya, “Of course not. Ayokong ipagpilitan sa’yo ang isang bagay na hindi mo gusto o labag sa kalooban mo. Para kasing ang lagay mo lang nun ay nagsuot ka ng isang sapatos na sobrang sikip. Hindi ka makahinga, at sa kasikipan nito hindi ka na makawala. Ganyan ang lagay mo sa akin.” may tumulong luha sa gilid ng pisngi niya.

Ayaw man niyang sabihin yun pero katotohanan na ang nagsasabi sakanya. Hindi na yun maitatanggi pa.

Sinulyapan ni Rance ang kanyang asawa. Nakita nito na umiiyak siya.

‘Stupid asshole Rance. Pinapaiyak mo na naman ang asawa mo.’

Madaling lumipat si Rance sa tabi niya. He held her face with both of his hand then he kiss her both eyes. Napapikit naman siya.

“Sinabi ko naman sa’yong, let’s try to work it out our relationship. I know, hindi ko napanindigan. Masyado akong nadala sa mga pangyayari kahapon. Ang tanga ko dahil hindi ko man lang naisip na maaari kang masaktan sa mga ginagawa ko. That’s why im sorry and when I say sorry, I mean it, really.”

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon