Chapter 9

24.1K 367 56
                                    

Dedic ko sa iyo :)) Sana hindi ako nagkamali.. Salamat.

____________________

**Natuwa naman daw ako sa mga comments niyo sa last chapter.

May nangyari nga ba kay Junoella at dun sa mysterious na guy? Haha, Lets find out.

____________________

→→→ Btw, the picture on the right side is Tofee. →→→ 

CHAPTER 9

4 o’clock in the morning nang magising si Rance. Masakit ang katawan niya but he didn’t mind it.

Ang importante makita niya si Junoella. Malaman lang niyang safe ito kung nasaan man siya. Makakahinga na ito ng maluwag.

Humingi na siya ng tulong kay Dane at Nash para mapabilis ang paghahanap nila.

“Ano? Ipapa-missing na ba natin siya” sabi Nash ng magkita-kita sila sa meeting place nila.

Sinuntok ng pabiro ni Dane si Nash sa tiyan. “Gago ‘to ipapamissing na daw. Wala pa naman 24hrs siyang nawawala.binalingan niya ng tingin si Rance. Ano bang nangyari? Alam ba ‘to ni Tofee?” tanong naman nito.

Umiling siya, “Hindi niya alam at wala siyang dapat malaman.” sumakay na ito sa sasakyan niya saka nito pinahuhurot.

Napailing na lang sila sa kinikilos ni Rance.

Ikot lang sila ng ikot. But still, no sign of Junoella. Pagod na si Nash at Dane dahil magsisix na ng umaga. Pa-sunrise na rin.

Si Rance nagpunta siya sa kahit na saan. Kagabi tinawagan niya si Areen—sinabi nitong hindi niya kasama si Junoella. Naisip naman niyang malabo namang umuwi siya sa mansion nila.

NANG magising siya, her head was pounding.

“Where the hell am I?” tanong nito sa sarili niya nang maupo ito sa kama.

“Ah shit!” napasapo siya sa kanyang ulo.

Masakit ang ulo niya—ramdam na ramdam niya yun na para bang binibiyak. Hindi lang yun dahil masakit din ang katawan niya. Para bang pinagbagsakan siya ng mabibigat na bagay.

Inikot niya ang paningin nito sa silid. Wala siya sakanyang kwarto. Wala rin siya sa kwarto ni Rance. Nasaan siya?

“Eh, bakit wala ako sa kwarto ko.” then isa-isang nagflashback sa kanyang isipan ang mga nangyari kagabi.

Napasinghap siya nang maalala nito ang mga nangyari kagabi—sa bar, “Omaygad!! Ano yung ginagawa ko?” napatakip siya sakanyang bibig, “May inaya akong sumayaw kagabi tapos..tapos waaaah.” ginulo nito ang buhok niya. “May hinalikan ako.”

Tinignan nito ang kanyang sarili. “Aahhhh!” sigaw nito ng makita niyang iba na ang suot nitong damit. Isa lang iyon na malaking damit. Na halatang damit panlalaki dahil over sized ‘yon sakanya.

“Gosh!” napatayo siya sa kama. “What to do? What to do?” maiiyak niyang sabi. “Darn bakit ko yun ginawa?”

Hinanap niya ang kanyang suot na damit kagabi ngunit wala siyang makita.

Tumulo na naman ang luha niya, ‘Kasalan mo ‘to Rance. Wala sana ako ngayon dito kung..’ she sighed.

Ayaw niya ng maalala ang mga nangyari kagabi. Lalo lang siyang nasasaktan.

Iniisip niyang sana pwede na lang i-pause yung moment nila ni Rance kahapon buhat nang magising ito sa kwarto niya pero hindi naman niya yun magawa kasi kahit anong gawin niya patuloy pa rin lilipas ang oras.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon