Chapter 15

23.2K 429 172
                                    

Dedic ko kay Girlfriend :)) Hi Girlfriend! I miss you. haha :D

____________________

CHAPTER 14

 

 

“Bakit siya pa? Lecheplan.”

 

“Seriously, can you give me any idea kung bakit ka nagkakaganyan. Jusko nababaliw ka na yata eh.” Areen rolled her eyes.

 

“Waaah!” sigaw niya sabay takip ng unan sa mukha.

Kanina pa ganyan ang scenario ng dalawa. Para siyang sirang plaka na paulit-ulit sa mga sinasabi niya. Wala namang maintindihan si Areen kung ano ang nangyayari sa kaibigan nito. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya nakukwento sa kaibigan ang mga nangyari sa party. Nagkandalabo-labo na buhay niya.

Nasa bahay siya ni Areen ngayon dahil binubulabog niya ang kaibigan.

 

“Ano ba kasi ang nangyari?” tanong ni Areen sa kanya.

She sighed. Heto na, sasabihin na talaga niya ang mga nangyari noon. Kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

Umupo siya ng maayos at sumandal sa headboard. Ipinikit niya ang kanyang mata at bumwelo.

 

“Natatandaan mo yung nag-attend kami ng party ni Rance.” tinignan niya si Areen pero nakakunot ang noo nito. Ibig sabihin lang niyan ‘di nito maalala ang mga pangyayari noon.

 

“Urgh,” she sighed. “Noong umalis si Houdini.” Naiinis niyang sagot. Grabe naman kasi yung memory gap niya

Bigla namang napaisip si Areen, “Yun ba, oh napano?”

 

“Eh di ba nga um-attend kami ng party.”

 

“Ano ngang nangyari dun sa party? Leche ‘to dami pa pasikot-sikot eh. Diretsuhin mo na lang kasi.” naiinis na tugon ni Areen kay Junoella.

 

“Yun nga, tapos ganda-ganda na ng moment namin ni Rance nun tapos biglang may humablot sa asawa ko, hinalikan niya. Short of the story nagalit ako at nagwalk out— pumunta sa bar—nagpakalasing— may naka-usap na stranghero— sumayaw kami— hinalikan ko siya and poof nasa condo na niya ako.” walang patumpik-tumpik na sabi niya.

 

“WHAT THE! Sue, you cheated your husband.” sigaw nito habang naglalakihan ang mga mata nito. “And who’s this lucky guy?”

 

“Luck guy ka diyan.” hinampas niya ng unan si Areen, “Yun nga ang problema eh, pinsan siya ni Rance. Huhuhu. Waaaah paano na niyan?”

The WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora