Epilogue

2.4K 41 12
                                    

Epilogue

Napabuga ako ng hininga habang naghihintay ng resulta sa tapat ng laptop ko. Kung hindi pa ito ang oras para sakin, tatanggapin ko iyon. Nasa kuwarto lang ako ngayon habang naghahanda nang pagkain si mama sa kusina at naliligo sa banyo si Julie.

Ang sabi, ngayon ang labasan ng pumasa ng board exam para sa nagyaring CPALE noong September. Hanggang ngayon ay hindi parin ako napapalagay hangga't wala akong nakikitang resulta sa screen. Nakailang refresh na ako dahil narin siguro sa kaba ko.

Five year studying accountancy is not really easy. May mga araw na sobra-sobrang magbebreakdown ka. Kung noong high school o senior high naging kasabihan ang breakdown now, function later pwes sa college habang nagbebreakdown ka kailangan nagfafunction karin. I even questioned myself kung para ba sa akin ang accountany, naging maganda lang ang simula sa simpleng debit at credit pero habang tumatagal ang lakbayin mo mas lalong humihirap. Isabay pa na mayroong law, kailangan talaga na lahat ay natatandaan mo.

Sabi nila kailangan daw magaling ka sa math kapag papasukan mo ang kursong accountancy. Sabi naman ng ilan, wala man raw masyadong math ang accountancy. At sabi pa ng iilan, madali lang daw ang accountancy. Kung iyan ang pagbabasehan mo kung bakit mo kukuhanin ang kursong accountancy, pwes na scam ka, you will not survive. Accountancy is more on analyzation and the courage to finish the five years. If you are wishing for peace of mind then don't take accountancy as your course same as if this is really not your dream.

Naramdaman ko ang pagtunong ng cellphone ko sa tabi ko hudyat na nakatanggap ako ng text message. Nung una, binalewala ko iyon pero tumunog ulit kaya wala akong choice kung hindi kunin ito.

JK:

Don't overthink, kaya mo iyan!

JK:

Tae ka muna. Charot.

JK:

Repeat after me, papasa tayo.

JK:

You are really nervous aren't you? You're not even replying!

JK:

CPA will be added on your last name!

JK:

Eat first, mamaya pa raw.

JK:

Papunta na ako riyan. Sabay natin tiringnan ang result okay?

JK:

Hey! Don't stress yourself too much. You've done your best!

JK:

Certified Public Accountant here we go.

I chuckle, mas mukha pa siyang kinakabahan dahil sa akin. Napabuntong hininga ako tiyaka lumabas sa kwarto. Tama si JK, I should not stress myself too much. Kung hindi ako pumasa ngayon edi next time.

Nothing is more powerful with God's perfect time.

Napatingin sa akin si mama habang naglilikas ng ulam sa pinggan namin. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.

"Wala pang result?" Umiling ako tiyaka ngumiti. Ngumiti siya sa akin "Huwag kang masyadong mag over think. Walang nagpepressure sayo. Don't pressure yourself too much" ngiti sa akin ni mama.

Lumapit ako sakaniya tiyaka niyakap siya. Siguro nga masyado akong kinakabahan. Napagiti ako ng makita ang cellphone niya sa lamesa na nasa website ng PRC. Someone is nervous too.

"Pupunta pala si JK ma" sabi ko tiyaka humiwalay ng yakap sakaniya. Tumango siya tiyaka inayos ang lamesa.

"Nasabi niya sa akin, dito na siya maghahapunan" dagdag pa ni mama. Napangiti ako dahil don.

Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Where stories live. Discover now