Chapter 3

1.6K 40 0
                                    

Chapter 3

Back

"Kumusta na anak mo kuya Chris?" Tanong ko sakaniya bago siya mag off.

"Ayos narin, tinatanong niya nga kung kailan ka bibisita," he chuckled. Kuya Chris is handsome tho, maganda rin ang asawa niya kaya napakaganda ng anak nila. Nung nag two years old ito, inimbitahan ako ni kuya Chris kaya nakalaro ko ang anak niya.

"Nako, hindi ako sigurado eh, alam mo na, busy sa college" paliwanag ko, tumango siya sa sinabi ko.

"Oo naindtindihan naman ni Crissa iyon," sinabihan ako ni kuya Chris sa mga pagkain na malapit ng ma expired pero pwede pang kainin bago siya umalis.

Kaya nung umalis siya, kinuha ko na yung mga pagkain na iyon para makakain narin ako habang nagbabasa ng libro. Accountancy is not that easy, lalo na sa isang sikat na unibersidad pa ako nag-aaral.

May iilan pang customer ang nagagawi, madalas mga senior high school na umiinom, pinakitaan naman din ako ng ID para makabili sila ng alak. Hindi ko alam kung bakit ang hilig sa alak ng mga kabataan ngayon, para makalimot?

No, I tried to get drunk to forget my heart break but it's not really helping. Instead of forgetting it liquor will remind your happy moments together that will bring pain and will remind you the day he left you, that's why I don't believe that drinking liquor help you to forget but it will just bring pain and tears.

Oh crap! Anong oras naba at kung ano-ano na ang naisip ko magsimula nung bumili ang mga estudyante ng alak?

I sigh, maybe drinking that will help them to cry. Teenagers nowadays think that crying is a sign of weakness but it isn't. Crying is a sign of how strong you are.

Iiyak mo lang hanggang sa mawala na yung sakit.

Natapos ang pag-iisip ko ng pumasok na si Chelly, binati niya ako tiyaka dumeretso sa employee room para magpalit ng damit. Working student palang si Chelly at nasa high school palang, maaga rin kasi siyang naulila. Nakikitira lang siya sa tita niya.

Life is really hard, you need to be brave enough to live.

Panibagong umaga nanaman at inagahan ko ang pagpasok sa school dahil maypapa-print pa ako, may murang print-an kasi malapit sa school, dun nalang ako papa-print ng assignment. Buti nalang at may bukas pang computer shop kagabi para makagawa ako ng assignment, first period pa naman.

Habang hinihintay ko ang pinapaprint ko sa labas, nakita ko si JK na papalapit sa akin. Mukhang kakagaling palang sa sasakyan nila, oo nga pala Wednesday ngayon kaya hindi niya dala ang sasakyan niya, coding ngayon.

"Sabi ko naman sayo send mo nalang sakin sa gmail para ako na magprint. Baka malate kapa niyan," bungad niya sakin, kinukulit niya kasi ako kagabi na send ko nalang daw sakaniya para hindi na ako papasok ng maaga.

"Ayos lang naman, kaunti palang naman ang nagpaprint dahil masyado pang maaga, hindi naman ako malelate tiyaka anong ako lang ang malate? Ikaw rin, sinundan mo ako rito no!" Biro ko sakaniya, ayaw ko na kasi siyang abalahin pa dahil baka umabot sa mama niya at dumagdag lang ang galit niya sakin. Hindi kami magkasundo ng mama niya simula pa nung pinakilala ako ni JK sakanila na kalaro niya ako, bata pa kami noon at hindi na nagbago ang turing sakin ng mama niya simula nung una palang kaming nagkita.

Magkasama kami ni JK nag recess, nilibre na niya man ako. Ang sabi ko kasi sakaniya kanina hindi na ako magrerecess, magbabasa nalang ako ng libro but he insisted.

"Invite ka pala ni ate sa birthday niya," kahit na ayaw sakin ng mama ni JK, magkasundo naman kami ng ate niya, his dad is cool with me, mama niya lang talaga.

"Kailan gaganapin sa mismong birthday niya?" umiling si Jk at nilunok muna ang kanyang pagkain.

"Hindi, sa Sunday, free ka naman sa Sunday diba? Off mo sa store," kinagatan ko ang ham and cheese na sandwich tiyaka tumango.

Hindi ko nga lang alam kung tama ang desisyon kong sumama dahil ayaw sakin ng mama niya, baka magalit lang 'yon at kung ano pa sasabihin. Nang natapos na kaming nagrecess sabay na kaming pumunta sa susunod na klase namin, ganto din siguro ang gagawin ulit namin ni JK next sem, sabay mag enroll para magka-block, magkalapit lang din naman ang grades namin.

Nang mag lunch na nung una ay nagyaya pa si JK na kumain kami sa labas, pero syempre tumanggi ako dahil wala sa budget ko iyon. Pipilitin na niya sana ako na ilibre niya ulit ako nang may tumawag sakaniya at kailangan niyang umalis. Naintidihan ko naman iyon.

Naglalakad ako sa may bandang garden ng university, walang nakaupo sa upuan kung saan hindi nasisinagan ng araw. Umupo ako roon, nilabas ko ang libro ko tiyaka nagbasa. Vacant kasi namin ngayon, wala akong magawa. Ayoko narin pumunta sa library dahil baka magkita pa kami nang taong iniiwasan ko. Hindi ko kasama ngayon si JK, tinawagan kasi siya ng mama niya, hindi ko na tinanong kung tungkol saan.

Ilang minutong payapa ang buhay ko hanggang sa may umupo sa tabi ko, napairap ako nang maaamoy ko ang pamilyar na pabango. Nilagay niya sa gitna namin ang isang tupperware na may lamang kanin at ulam, naglagay din siya ng bottled water.

"Masamang magpalipas ng gutom," wika niya tiyaka kinuha ang libro niya para rin magbasa.

Tingnan mo nga naman, hindi ako pumunta sa library para sana hindi ko na siya makita pero nandito siya ngayon sa tabi ko.

"Anong kailangan mo?" I ask without looking at him.

"I just need to be sure na kumakain ka, skipping meals is not good you know," pormal na wika niya. Mahigpit kong hinawakan ang libro ko sa inis.

"Kailan kaba nagkaroon ng pake sakin?" This time, I look at him, I saw how shock he is to my question. "Sa pagkakaalam ko simula nung iniwan mo ako, wala ka ng pake sakin," matapang na sabi ko sakaniya.

"Look, I didn't meant to left you. You know how much I lo-" I didn't let him to finish his words, in short I cut his words.

"Ayokong marinig ang salitang iyan mula sa iyo, kung ganyan ang tingin mo sa sasabihin mong salita, hindi ka marunong non," sarkastikong wika ko sakaniya.

"Tash, please believe me. Wa-wala akong maisip na paraan kung hindi ang-" again, I cut his words.

"Kung hindi ang iwan ako? Iwan ako ng wala man lang ni isang paliwanag? Ni tuldok nga wala man akong natanggap sayo? Ni isang salita wala akong natanggap sayo. Tapos pagkatapos ng dalawang taon, papakita ka sa harap ko na parang wala man lang nangyari? Papakita ka sa harap ko na parang hindi mo ako dinurog?" Hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas ng loob ko para sabihin sakaniya lahat ng hinanakit ko.

"I'm sorry," punong-puno nang pagsusumamo ang boses niya. I can see sincerity in his eyes. He is indeed sorry pero

"Anong magagawa ng sorry mo sa panahong iniisip ko kung anong mali sakin? Sa panahong iniisip ko kung ano bang nagawa kong mali para iwanan mo nalang ng ganun-ganun lang? Anong magagawa ng sorry mo? Mababalik ba nito yung hindi ko pagtulog kakaisip sa bakit na hindi ko masagot-sagot?" Right now, proud ako sa sarili ko dahil hindi tumulo ang mga luha ko.

"I did that for you, I want to protect you," I let a sarcastic laugh.

"Para sakin? Bakit? Sige nga at sabihin mo ngayon kung ano nga bang rason mo sa pag-iwan sakin?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko, mabuti nalang at walang estudyante ngayon ang nandito sa garden.

"I can't tell you the reason now," malungkot na wika niya. Natawa ako sa sagot niya sa akin.

"See? Sa loob ng dalawang taon, you are not ready yet?" Natatawang tanong ko, para na akong nababaliw dahil halatang napakapeke ng tawa ko. "Charles, if you are not ready to tell me what the heck your reason is, don't ever try to talk to me again," pakiusap ko sakaniya.

"I tried not to go near you, but I can't" tinaasan ko siya ng kilay "I already know that you are studying here, I tried not to approach you, for the past two months I'm watching you from afar. Kaya nung nalaman ko na kumakandidato ka bilang secretary? I filed my candidacy even though I don't really want to join student council but if that's the only reason to be with you, I just did. I file my candidacy because of you" Kita at ramdam ko ang sensiridad sa mga mata niya, sa boses niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin ngayon pero hindi pwede.

"Then try harder," I said before I leave him.


Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon