Chapter 12

793 24 0
                                    

Chapter 12

Confession

Kinabukasan, alas diyes na akong nagising dahil ala-una na kami nakauwi ni Charles. Indeed, one of the best night of my life.

Bumaba ako sa double deck para makapaglinis, magluto at maglaba narin nang mapansin ko na nakahiga pa si Julie, nilalamig. Hindi siya pumasok ngayon, may pasok sila.

Nilapitan ko siya, pinasadahan ko ang kanyang noo gamit ang aking kamay. Mainit-init siya, bahagya ko siyan ginalaw para magising. Baka hindi pa siya umiinom ng gamot.

"Julie, Julie" tawag ko sakaniya. Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mata, halata sakaniya na masama ang pakiramdam niya.

"Uminom kana ba ng gamot? Kumain kana?" Tanong ko sakaniya. Tanging iling lang ang isinukli niya sa akin. Napasinghap ako.

"Teka lang magluluto lang akong lugaw" marahan siyang tumango at bumalik sa pagtulog.

Naghilamos muna ako tiyaka sinumulan ang pagluluto ng lugaw para kahit papano ay bumuti naman ang pakiramdam niya. Kumuha rin ako ng gamot kung saan yung jar na pinaglalagyan namin ng gamot.

Bago ipagpatuloy ang pagluluto may nakita akong note sa maliit lang na ref namin, sulat kamay ni mama. Maaga siyang umalis kanina at hindi na makakasabay ng agahan samin dahil inutusan siya ni aling Nena na mamalengke at magluto nang agahan nila. Kaya suguro hindi narin niya natingnan pa si Julie.

Pinagpatuloy ko na ang pagluto ko, nang matapos na ay nagsalin na ako sa isang mangkok tiyaka nilagay sa lamesa. Naglagay narin ako ng isang basong tubig katabi nung gamot na kinuha ko kanina. Pinuntahan ko na si Julie sa kwarto't niyaya ko na siyang kumain. Matamlay siyang sumunod sa akin tiyaka kumain at uminom ng kaniyang gamot.

"Pagkatapos mong kumain ay magpahinga kana, nasabihan mo na ba yung kaibigan mo na absent ka ngayon?" Tumango siya bilang sagot sa tanong ko "Gawa nalang ng excuse letter mamaya at bukas mo na ipasa" tumango siya sa akin, mukhang masama nga talaga ang pakiramdam niya.

Nang matapos kaming kumain, agahan na at tanghalian na ang kinain namin dahil late akong nagising. Naglaba narin ako ng kaunting damit dahil nakapaglaba naman ako nung sabado. Pagkatapos ay sinampay ko na ito.

Ganon lang ang nangyari sa araw na iyon, naitext ko rin si mama na masama ang pakiramdam ni Julie bago ako pumasok sa trabaho. Saktong paglabas ko ng bahay ay siyang pag-uwi ni mama kaya may kasama si Julie.

"May naghihintay sayo sa labas" walang emosyon na wika ni mama "May problema ba kayo ni JK? Pwera sa mama niyang matapobre?" Deretsong tanong ni mama sa akin.

"Wala naman po" magalang na sagot ko sakaniya.

"Eh wala naman pala kayong problema bakit iyang lalaki pa na iyan ang susundo sayo? Bakit hindi nalang si JK?" Tanong ni mama sakin, tiyaka ko tiningnan kung sino ang nasa labas ng maliit na gate namin. Natanaw ko kagad si Charles na maayos na nakatayo roon, mukhang nakapag-usap na sila ni mama.

"Pinagbawalan din po kasi si JK ni tita" sagot ko kay mama. "Bakit ayaw niyo po si Charles?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Nakita ko ang pasimpleng pag-irap ni mama sa tanong ko.

"Sasaktan ka lang niya," hindi ako makagalaw sa gulat dahil sa sinabi ni mama. Well ma, he already did but he's here again to fix what he had broken.

"Ma, hindi naman po siguro ganon" I defended him. Maybe because he's kind? Or maybe because i'm in love, again.

"Nararamdaman ko, Coleen!" Nagulat ako sa pagtawag sakin ni mama ng Coleen, madalang niya lang akong tawagin sa second name ko. Kapag nagtitimpi siya.

Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Where stories live. Discover now