Chapter 20

853 16 0
                                    

Chapter 20

Sunset

Mabilis lumipas ang araw. Lalo na foundation week ng university, syempre as part of students council sa department namin ay tumutulong kami sa kaayusan ng university.

Today is the last day of the foundation week, pero may kailangan kaming pasukan na major subject. Kahit na foundation week kasi, hindi man suspended ang regular class. Ang ibang minor subject ay nagsususpend pero ang major ay hindi. Buti nalang hanggang eight o'clock lang ang major namin na ito.

Sasabay na sana ako kay JK para makipagkita sa mga kasamahan namin dahil sa tree planting pero nauna na siya at mabilis na naglakad. Napasinghap ako dahil doon, nakatanggap din ako ng text kay Charles na hindi niya ako masusundo dahil kailangan ang mga president ng bawat department.

Nandito kami sa open space ng university, nandito narin ang iba't-ibang department na member ng student council. May mga nagchichikahan from same department, meron din sa mga magkakaibang department na magkakakilala, at meron din naman nagseselfie.

"Huy! Maki join karin, sila makakasama natin hanggang mamaya" siko sa akin ni Carlos, isa sa public information officer namin. Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya.

"Kasama rin ba natin sila sa resort nina Lawrence?" Tanong ko, wala naman sinabi si Charles na kasama sila sa getaway.

"Hindi. Sa tree planting lang, may sarili silang getaway" sagot sa akin ni Carlos. Tumango ako.

"Yun naman pala, kahit hindi na ako makipag close. Besides, hindi naman kailangan ng kausap kapag nagtatanim ng puno" sagot ko, napangiwi si Carlos dahil sa sinabi ko.

"Alam mo ikaw, kaya si JK lang ang kaibigan mo kasi ayaw mong magbukas sa ibang tao" nagkibit-balikat ako sa sinabi niya.

Habang tumatanda ako, nalaman ko na isa sa pinagkatiwalaan ng mga magulang ko ang pumatay sa kanila. So bakit ako magtitiwala kaagad sa mga taong hindi ko lubusang kilala? Bakit ako magbubukas sa mga taong hindi ganon ang taon nang aming pagsasama?

"Speaking of JK, look. Kasama niya si Samatha!" Sabay turo niya kina JK and Samantha na nag-uusap, nagtatawanan. "Bakit hindi kayo magkasama ngayon? May problema ba?" Nagkibit balikat ako sa tanong ni Carlos "Ay may problema nga!" Nag ngising aso si Carlos sa akin. Napairap ako dahil sa ginawa niya.

"Wala no. Baka may pinag-uusapan lang silang importante" sagot ko sakaniya para maiwas sa issue.

"Sus! Pag-uusapan na importante? Ano naman iyon? Tiyaka kung importante bakit tumatawa-tawa sila?" Bulong sa akin ni Carlos habang nakatingin kami sa gawi nina JK.

"Ano? May mag jowa na sa mga ka member natin?" Biglang sulpot ni Lawrence kasama si Justine.

"Sino?" Tanong pa ni Justine. Natawa si Carlos sa tanong ng dalawa.

"Tanungin niyo si Natashia" makahulugang wika ni Carlos sa dalawa dahilan ng pagbaling ng dalawa sa akin.

"Alam niyo, lalaki kayo pero ang chismoso niyo" masungit na sabi ko sa kanila. Natawa si Carlos sa sinabi ko.

"Someone is jealous!!" Pang-aasar pa ni Carlos na mukhang narinig ng iba kaya napatingin sa amim sina JK. Hindi man kasi ganon kalayo ang agwat namin at ganon kalakas ang boses ni Carlos. Pakanta niya pa itong sinabi.

"Who is jealous?" Napatalon ako sa gulat dahil sa baritonong boses ang biglang sumulpot. Napatingin kami sa likod at nakita si Charles kasama ang ibang presidents sa ibang department na dumeretso na ngayon sa kanilang mga members.

"I think it's Natashia" sagot ni Lawrence na naguguluhan.

"To whom?" Tanong ni Charles sa amin. Hindi ako makasagot dahil hindi pa nagpaprocess sa akin ang lahat.

Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon