Chapter 8

879 29 0
                                    

Chapter 8

Why

Ngayon ang araw ng moving up namin, graduation naman mamaya nina Charles. Next school year, lilipat na ako sa school nila pero aalis naman siya. Nakaharap ako sa salamin na nasa kwarto namin habang minamake-up-an ako ni mama. I am the class valedictorian, all of my hard work were paid off. Proud din sakin si mama kahit na, I shrug my shoulder.

"Ayan, ayos na sayo ang light make up, maganda kanarin naman, kahit nga wala ka ng make up, ang ganda mo pa rin," papuri sakin ni mama pagkatapos akong lagyan ng lipstick. Nakaayos din ngayon si Julie, grade four palang siya, wala siyang kasama kaya isasama narin siya ni mama.

"Thank you po," nakangiting wika ko sakaniya. Ngumiti siya sakin, hinaplos-haplos ang buhok ko habang nakatingin kaming dalawa sa salamin.

"Kung nandito lang sana sina daddy mo, sobrang proud nila sayo," napangiti ako sa sinabi niya. I suddenly miss them. "Pagkatapos natin sa school mo, puntahan natin sila sa sementeryo," tumango ako kahit hindi sabihin ni mama iyon, pupuntahan namin sila.

Nilapitan ni mama si Julie, niyakap niya ito at hinarap sa akin.

"Ikaw ang susunod sa ate mo, Julie ah?" Ngiti ni mama sakaniya, ngumiti ako sa sinabi niya "Pero ayos lang kung hindi ganyan karaming awards sa ate mo, basta may matutunan ka at marunong kang rumespeto, ayos na ako" buti nalang maunawain si mama, iniiwasan niya kaming ikumpara ni Julie dahil hindi naman talaga maganda ang pinagkukumpara.

Nag-ayos na rin si mama tiyaka sabay-sabay na kaming nag-abang ng tricycle para pumunta sa school. Naka receive ako ng text galing kay Charles dahilan ng pag ngiti ko.

Charles:

Congratulations, my Tashy. You deserve it! I am so proud of you. I love you, my Tashy.

Agad ko rin siyang nireply-an. Sa pagkakaalam ko may pupuntahan sila, may bonding sila nina Setiel ngayon. Tatlo kasi silang magkakapatid at bago ang graduation mamasyal muna sila, kakain sa labas.

Me:

Thank you!! Ikaw rin naman, I am so proud of you!! Congratulations, I love you toooooooo.

Karamihan sa mga teenager ngayon nagpopost sa social media ng relationship goals kung saan couple shirt, couple phone, couple shoes o kung ano pang pagkapareha nilang gamit. Ang samin naman, pareho kaming valedictorian ngayon, we don't want flex it on social media because we choose to keep our relationship private but not secret.

Pagkarating namin sa school, binati kami ng mga teachers at naging teachers ko. Nagpa-thank you rin kami ni mama sakanila.

"Mandivar, Natashia Coleen G. With Highest Honors. Best in English, Best In Filipino, Best in Mathematics, Best in Science, Best in Araling Panlipunan, Best in Livelihood Education. Best In Music. Best in Arts. First place in pagsulat ng lathalain cluster level. First place in pagsulat ng lathalain division level. Second place in pagsulat ng lathalain regional level. First place in science essay contest division level. First place in debate contest cluster level. Once again, Mandivar, Natashia Coleen G, batch valedictorian"

Naiyak si mama habang sinasabit sa akin ang mga medals. Niyakap niya ako tiyaka hinalikan sa noo.

"Congratulations, anak, proud ako sayo" she said with a teary eyes. Ngumiti ako sakaniya at ngumiti kami sa camera.

Hanggang sa nagdeliver na ako ng speech, kung paano ako nagsimulang maging mag-aaral, sumali sa mga contest hanggang sa nagpasalamat ako sa Panginoon, sa mga guro, sa mga magulang ko at kay mama na siyang nagtaguyod sa pag-aaral ko. Naiyak ako sa part na nagpapasalamat na ako.

Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Where stories live. Discover now