Chapter 25

1.2K 23 0
                                    

Hello, Roses! This is the last chapter of Bullets Of Pain! Watch out for the next Serano. Thank you guys for reading! You can connect with me through facebook: Demy Dcm! 


Chapter 25

Truth

I am alone with this cold and dark room. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito, sino ang mga kasama ko at sino ang may pakana ng lahat ng ito. Ang huling memorya ko ay nung naglalakad ako pauwi galing sa pinagtatrabauhan kong convenient store. Sinubukan kong umupo pero dama kong hapdi sa aking mga kamay dahil sa higpit na pagkakatali ng lubid. Hindi ko alam kung bakit ako ang naisipan kunin nang kung sino mang kumuha sakin, hindi kami mayaman, nagtatrabaho ako sa convenient store para may baon sa eskwelahan at ibang gastusin sa eskwela, isa lang din akong scholar sa university.

Bumukas ang pintuan, biglang nagkailaw at nakita ko ang dalawang lalaki at isang babae na naka all black. Lumapit sila sakin habang nakangisi ang babae na para bang nagtagumpay na siya sa kalaban.

"Siya ba?" Nakangising tanong ng babae sa mga kasama niya. Sa itsura ng babae ay parang kaedaran ko lamang siya.

"Siya nga." Sagot ng isang lalaki. Para akong nasa isang pelikula kung saan kaharap ko ang mga dumukot sa akin. Kaso hindi kagaya ng nasa pelikula, hindi ako nagsisigaw, nagtatanong o nagmamakaawa sa kanila dahil alam ko na masasaktan lang ako at hindi naman sila makikinig sa akin. So why would I waste my energy for that?

Sabay-sabay kaming napatingin ng biglang pumasok ang isang lalaki na sa hula ko ay matanda lang ng isa o dalawang taon sa amin ng babae.

"She's here, kuya." Mukhang kakagaling lang sa isang formal na event ang lalaki dahil naka white long-sleeve pa siya.

Nang nakalapit na sa akin ang lalaki, kumunot ang noo ko dahil pamilyar siya. Parang isa siya sa mga pabalik-balik sa convenient store na pinagtatrabauhan ko.

"Nasaan ang isa?" Tanong nang lalaki sa tingin ko ay mga tauhan nila.

"Hindi po namin nakuha, sir" nakayukong wika ng tauhan nila.

"Inutil!" Sigaw ng lalaki "Gusto kong makuha niyo rin ang babaeng iyon para magdusa silang magkapatid!"sigaw pa sakanila ng lalaki.

"Natashia Colleen Mandivar." Baritonong tawag sa akin ng lalaki nang bumaling na siya sa akin.

"Sino kayo?" Kalmadong tanong ko, napangiwi ang babae sa tanong ko.

"Akala ko pa naman hindi ka na magsasalita." May halong panunuyang wika niya.

"Anong kailangan niyo sa akin?" Kalmado parin ang boses ko kahit na kinakabahan ako, lalo na kapag nagagawi ang mata ko sa kanilang mga bulsa na may baril.

"Isang tao lang naman ang kailangan namin sayo. At kailangan mo rin," ngising wika sa akin ng lalaki. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi para iligtas ka rito kung hindi para malaman mo ang totoo."

"Totoo? Sino? Anong pinagsasabi niyo?" Litong tanong ko sakanila. Tumawa ang babae sa reaksiyon ko.

"Hindi ko alam kung mananatili kapang kalmado kapag nalaman mo na ang totoo at kapag nakita mo na ang nagsabi sayo ng totoo," tila naawang sabi sakin ng babae. "Kilala ka namin, mahigit pa sa pagkakilala sayo ng ibang tao. Kilala ka namin na isang kaibigan mo lang ang napagsabihan mo sa totoong pagkatao mo," napalunok ako sa sinabi niya. Walang nakakilala sa akin ng lubusan. Isang tao lang ang sinabihan ko. That was JK, my childhood boy best friend, paano naman nakilala ni JK ang mga taong ito?

"Ang tagal kong naghintay sa pagkakataon na ito, sa wakas may kahinaan narin ang taong iyon,"

In my conclusion, they were siblings, both good looking and both devil.

Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon