Chapter 16

698 22 0
                                    

Chapter 16

Hurt

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi sakin ni JK ngayon. Gulat na gulat ako sa pag-amin niya sa nararamdaman niya. Hindi ko alam na ang mga pinagkikibit-balikat ko noon ay ito ang dahilan. Hindi ko matanggap sa sarili ko noon na kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Pero ngayon, ngayon na nabigyan katotohanan lahat ng iniisip ko ay hindi ko matanggap.

"I'm sorry, JK" tanging sabi ko habang lumuluha ako. Magkakasunod din ang patak ng luha ang lumalandas sa pisngi niya.

"Don't be. Wala kang kasalanan, ako ang may kasalanan dahil minahal kita higit pa sa isang kaibigan, higit pa sa isang kapatid" what did I do to deserve this man? I don't deserve him! I don't deserve his kindness.

"Si-simula palang nung unang kita mo sa akin diba?" Tumango siya, pumikit ako ng mariin dahil sa sagot niya.

How can he endure the pain I gave him when i'm in a relationship with his best frend? The one who treated him as a brother? He's hurting while i'm happy, while i'm hurting, he is dying!

"As i'm always asking, as long as you're happy so am I" pinunasan niya ang luhang tumulo sakaniyang mata.

Pinaandar niya ulit ang sasakyan. Tahimik na kaming dalawa sa biyahe papuntang school. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung may tama pa ba kapag may sinabi ako sakaniya. Ayoko siyang nasasaktan, ayoko. Wala siyang ibang ginawa sa akin kung hindi kabutihan, wala siyang ginawang masama sa akin. He care for me more than he care for himself.

Tahimik niyang pinark ang kotse sa parking lot ng school. Hindi parin ako makakilos dala narin siguro ng gulat o dahil hindi ko alam kung paano ko susuklian ang binibigay niya sa akin na pagmamahal. Pero alam ko, alam ko na hindi ko kayang suklian ng pagmamahal katulad ng inaakala niya. Hanggang kapatid lang ang pagmamahal ko sakaniya at hindi ko na kaya pang magbigay ng higit pa roon.

Naiilang kong buksan ang pintuan ng kanyang kotse. Aalis na sana ako ng lumabas din siya sa kotse at nagsalita.

"I accept the fact that after my confession we, no longer the same as before" panimula niya. Unti-unting namuo ang luha sa aking mata, mabuti nalang at nakatalikod ako sakaniya.

"I am very thankful for the thirteen years with you, I am really" He pause. Unti-unting nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha. "I am happy whenever I saw your smile, even the reason behind it is not because of me" I heard his voice crack "Always remember that I got your back always. This is not a good bye, but see you soon"

Haharapin ko na sana siya para yakapin nang marinig ko ang pagsalita niya bilang pag-angal sa gagawin ko.

"No! Don't turn around, just walk away please" madiin ang hawak ko sa libro at shoulder bag ko sa sinabi niya.

Mariin akong pumikit kasabay ng pagpatak ng luha ko, huminga ako ng malalim para sa isang hakbang na gagawin ko. Swear! This is one of the hardest step I'll make.

Binilisan ko na ang paglakad ko nang makalimang hakbang ako papalayo sa kaniya. Walang sawang lumalandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Kahit na pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa campus ay wala na akong pakialam.

Binilisan ko lalo ang aking paghakbang kahit na maaga pa at hindi naman ako malelate, ayoko lang na gumawa pa ng eksena sa campus. Mas mabuti nang sa room nalang, at least iilan lang ang makakakita.

Did I let go the man who love me the most? The man who I love but as a brother.

Nagulat ako sa pagbunggo ko sa dibdib ng isang lalaki. Sa amoy palang niya ay kakilala ko na siya. Kilalang-kilala ko na ang amoy niya, hindi lang ang amoy kung hindi pati ang kaniyang pangangatawan.

Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat