Chapter 18

694 20 0
                                    

Chapter 18

Still

Pagkatapos ng shift ko ay nagpahatid ako kay Charles sa bar. Sinabihan ko narin siya tungkol sa part time job ko na ito, nung una ay ayaw niyang pumayag pero wala siyang ibang choice kung hindi pumayag. Besides, this is just a temporary.

Nang makarating na kami, baba na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Hintayin na kita" kaagad ko siyang tiningnan ng masama.

"Huwag na. Alas tres pa ako matatapos. Umuwi kana para makapagpahinga ka at makatulog kana" wika ko sakaniya. Umiling siya sa sinabi ko.

"Paano ako makakatulog kung iisipin kita?" Napa roll eyes ako sa sinabi niya.

"Trust me, walang mangyayaring masama. And besides, nandiyan si kuya Chris, he treated me like his younger sister" I assure him, ilang gabi ng siyang napupuyat dahil sa akin tapos ito pa.

"Malayo ang bar sa bahay niyo" napasinghap ako dahil sa kakulitan niya.

"Clarence Charles Serano!" Naiinis na wika ko sakaniya. Alam niya kapag tinawag ko siya sa full name niya ay napipikon na ako.

"Hindi mo ako matatakot diyan, mas natatakot pa ako sa mangyayari kapag umalis ako rito" masungit na wika niya. Gusto kong sumigaw sa inis!

"Sure! Pero ngayong gabi lang ah?" Inis na sabi ko sakaniya. Umiling siya na may halong pang-aasar pa dahil sa sinabi ko.

"Nope. Sinong maghahatid sayo sa inyo? Wala." Tanging sabi niya sa akin "Sige na at baka malate kapa"

Padabog kong binuksan ang pintuan tiyaka binagsak ito ng sinarado ko. Nakakainis! Wala naman siyang gagawin dun bakit di pa siya umalis?

Sa likod ako pumasok, inayos ko ang itsura ko. Kung kanina ay naiinis ngayon ay maamo na. Sa likod din ako pinapapasok ni kuya Chris, doon daw kasi ang mga employee para hindi narin maagaw nang atensiyon ng mga customers.

"This is Natashia, ma'am" pagpapakilala sa akin ni kuya Chris. Mukhang manager namin, nakabihis narin ako ng uniporme.

"Hmm. I hope you will do good" nakangiting wika sa akin ng manager. Tumango ako bilang pag sang-ayon sakaniya.

Simpleng resto-bar lang ang pinagtatrabauhan ko. Syempre bar, may mga umiinom. Halos maraming umiinom. Siguro ay pagkatapos nila dito, sa club na sila dederetso.

Maayos naman ang naging unang araw ko sa bar ang tanging problema lang ay nakakapagod, wala naman sigurong trabaho na hindi nakakapagod. Isa't kalahating oras lang ang magiging tulog ko. Alam din ni mama ang trabaho ko at kung anong oras akong uuwi, pinag-iingat niya lang ako lalo na sa mga nakainom na.

Binuksan ko ang sasakyan ni Charles. Kaagad siyang ngumiti sa akin nang makapasok ako.

"Nakatulog kaba?" Tanong ko sakaniya. Tumango siya sinabi ko pagkatapos ay naghikab kunwari at nag-unat pa ng mga kamay niya. I'm not a fool. "You're not, stop acting like you did" masungit na wika ko sakaniya. He chuckled.

"Mga babae nga naman, nagtatanong pero kapag sinagot hindi naniniwala" umirap ako sa pang-aasar niya. Pinaandar na niya ang kotse.

"Alam na namin ang totoo, nagtatanong kami para makita kung nagsisinungaling ba kayo o hindi" sagot ko sa sinabi niya.

He chuckled. Nag open siya ng ibang topic kagaya nung meeting namin sa student council bukas. Napanguso ako ng maalala si JK. Hindi pa alam ni Charles na iniiwasan ako ni JK at ayaw ko rin ipaalam sakaniya. Ang alam niya lang ay umamin sa akin si JK.

Nang makarating na kami sa bahay hindi ako kaagad bumaba para magpasalamat kay Charles.

"Salamat pala at pasensiya na rin sa istorbo" nahihiyang wika ko sakaniya. Pati siya ay napupuyat dahil sa akin.

Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Where stories live. Discover now