Chapter 13

704 21 0
                                    

Chapter 13

Best 

Tahimik akong nakaupo sa park nang village namin, tahimik ko ring pinapanood ang mga batang masayang naghahabulan, nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Ayaw akong kaibiganin ng mga bata dahil sinabi raw ng mga magulang nila na masama ang mga magulang ko, na masama narin ako. Nasa limang taong gulang na ako ngayon pero wala parin akong nagiging kaibigan ni-isa. Kahit na ako na ang unang mag-approach sakanila, hindi nila ako papansinin. 

Umalis si tita Julia, kaibigan nina mommy at daddy para bumili ng tinapay sa may bakeshop, malapit sa entrance ng village. Nakataas na magkadikit ang dalawang tuhod ko habang nakapatong ang dalawang kamay ko at ang baba ko. Nagmamasid sa mga bata. 

Kaagad kong nakita ang bagong pasok na batang lalaki sa parke kasama ang yaya niya, naka uniform kasi ang kasama niya at halos lahat ng mga bata dito ay may kasamang naka-uniform. Iniwas ko na ang tingin ko sakaniya, pinagpatuloy ang pagmamasid ko sa mga kaedad kong bata. 

I wish they want me to be their friend. 

Napatingin ako ng may umupo sa tabi ko, yung batang lalaking kakapasok lang sa parke. Nasa gilid niya ang yaya niya. Tiningnan niya ako tiyaka ngumiti sa akin. 

"Bakit mag-isa ka lang dito? Where are your friends?" Tanong niya sa akin, kumunot ang noo ko tiyaka tumingin sa paligid kung may kinakausap ba siya na iba liban sa akin, pero ako lang ang batang nasa tabi niya. 

"I don't have friends eh" malungkot na sabi ko sakaniya. Hindi rin siya pinagbawalan ng yaya niya sa pakikipag-usap sakin, karamihan din kasi sa mga bata ay pinagbabawalan ng mga yaya dahil baka mapagalitan sila sa kanilang mga amo. 

"You look pretty and nice, I don't know why my mother and other parents told us to stay away from you" nagulat ako sa pagiging deretso niyang magsalita. He shrug his shoulder after he said those words. 

Tiningnan kong mabuti ang mukha nang lalaki dahil baka nakikita ko na siya rito. Oo nga medyo pamilyar ang mukha niya. 

"I always look at you from afar, you're not bad like the kids who use to bully others" wika niya sa akin. Tiningnan ko ang yaya niya na naiiling nalang, walang magawa sa gusto ng alaga niya. 

"Ganon ba?" Tanging tanong ko sakaniya. Hindi rin ako marunong makipag-communicate sa iba, lalo na ngayon ko palang siya nakilala. Ano ba dapat ang sasabihin ko? 

"My name is Julius Kaizer, you are?" Ayon! Ayon dapat ang sasabihin ko, ang magpakilala at itanong ang pangalan niya. Muntik na akong mapa-face palm pero kaagad ko rin binaba ang kamay ko when I heard him chuckle. 

"Ahm. Natashia Coleen" sagot ko sakaniya nang nahihiya, baka akalain niya hindi nga ako masama pero may sakit ako sa pag-iisip. 

"You're so cute, Natnat" Nangingiti niyang compliment sa akin. 

"I'm sorry, I don't know how to communicate with other people kasi eh" I honestly said. Tumango siya sa akin. 

"I understand, you don't need to pressure yourself. Just be you" Napangiti ako sa sinabi niya. He seems matured compared to our age. Maybe because it runs on their blood but except from his mother. 

That was our first interaction with each other, naging magkaibigan kami after that. Nang makabalik si tita Julia ay masaya niya akong tinitingnan habang nakikipaglaro kay JK, sabi niya kasi tawagin ko siyang JK. I'm so happy that I found a new friend!! 

Nung nag six years old na kami, inimbita niya ako sakanila dahil ngayon ang birthday niya, matanda lang siya ng ilang buwan sa akin. Hawak niya ang pulso ko habang nakasunod samin ang yaya niya. Naiilang kong tiningnan ang paligid dahil ang daming bata at maraming tao. 

Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Where stories live. Discover now