Chapter 15

751 23 0
                                    

Chapter 15

Him

Magkakasama kaming tatlo sa mall nina JK ngayon kasama namin si Charles. Nagkasabay kasi ang lakad namin kaya naisipan ko na magsama-sama na kaming tatlo.

Kakatapos lang namin mag arcade ngayon, silang dalawa ang nag-enjoy lalo na sa basketball. I saw their happiness and enjoyment in their heart while playing basketball. Kaya ang ending taga cheer lang ako sakanila. I supported the both of them because I love them both but my love for them is different.

"Asus! Naka tsamba lang si Charles sa basketball kaya siya ang mataas na score"Wika ni JK habang nasa gitna nila ako, papunta kami ngayon sa isang restaurant.

Nasabi ko narin kay JK ang relasyon namin ni Charles. I receive his support that's why I am very happy.

Charles chuckled because of what JK said "Admit it, I'm the best player"pagmamayabang pa ni Charles habang naka-akbay sa akin, nakita ko ang pasimpleng pagtingin ni JK sa balikat ko pero kaagad niya rin itong iniwas.

"Sus! Pumalya lang ako ng isang shot"iwas na tingin na sabi ni JK. Charles chuckled.

"Where do you want to eat?"Baling sa akin ni Charles. Ngumiti ako sakaniya.

"Kahit saan"sabay na bigkas namin ni JK. JK laugh.

"Sabi sa'yo 'yan ang sasabihin niya"tawa pa ni JK pero may kung ano sa tawa niya ang hindi ko maipaliwanag kaya binalewala ko nalang iyon.

Sa isang restaurant kami kumain, halos magkakapreho kami ng taste kaya pare-pareho kami ng order. Masayang nagkukuwento si JK tungkol sa nangyayari sakaniya, madalas ay kami rin ni Charles ang nagkukuwento.

Habang nagkukuwentuhan kami, hindi ko napansin na may sauce pa pala sa gilid ng labi ko dahilan kaya tinanggal ni Charles ito. Habang tinatanggal ni Charles ang sauce ay nagkatitigan kami tiyaka ako ngumiti sakaniya. He smile too and kiss me on my forehead.

"CR lang"excuse ni JK dahilan ng paghihiwalay namin ni Charles. Tumango si Charles sakaniya, nakayukong umalis si JK mula sa lamesa namin.

"CR lang din ako"paalam ni Charles sa akin.

May kung ano ang nararamdaman pero pinagkibit-balikat ko nalang ito. Pagkatapos ng limang minuto ay bumalik na sila sa upuan. Masayang nagsalita si JK.

Hanggang sa natapos ang araw, si Charles na ang naghatid sa akin sa bahay. Hindi naman napansin ni mama na ibang kotse ang naghatid sa akin kaya hindi na siya nagtanong. Ang alam niya rin ay kasama ko si JK ngayong araw kaya siguro in-assume na niya na si JK lang ang kasama ko.

Hindi pa ako handa na sabihin kay mama na may boyfriend na ako, takot akong malaman kung ano ang magiging reaksiyon niya. Hindi parin ako pinakilala ni Charles sa pamilya niya, he invited me once but I rejected. Hindi ko alam pero labis ang kaba ko noon, marahil siguro magsimula nung bata ako walang may gusto sa akin kaya natatakot ako na baka hindi ako magustuhan ng parents ni Charles. Naikuwento niya na rin sa akin na namatay na ang mama niya.

Hindi rin nag-iba ang trato sa akin ni JK. Para sa akin wala rin naman masyadong nag-iba sa pagsasama namin. Pwera nalang kapag nakakalimutan kong may lakad kami na sumasabay sa lakad namin ni Charles. I am bless to have JK on my side, he is indeed an understanding best friend.

Hanggang sa naging handa na akong ipakilala si Charles kay mama. Ang kaso nga lang sa parehong araw na iyon, he dumped me. Iniwan niya ako na para bang wala kaming pinagsamahan. Iniwan niya ako na parang walang halagang laruan na pwedeng itapon at iwanan kung saan-saan. I beg him to stay! But JK is the one who stay on my side that time.

Bullets Of Pain [Serano Duology #1]Where stories live. Discover now