Chapter 24

4.9K 285 12
                                    

Chapter 24

"Sige mauna na kayo," sabi ko sa mga kaibigan ko. Kinausap ko na rin kasi si Janelle na kung pwede eh siya muna pumalit sa pwesto ko. Pumayag naman siya.

Naglakad ako papuntang office para kunin ang ilang gamit kong iniwan do'n. After that I head out to CR. Nagre-touch muna ako. Napatingin pa ako sa lipbalm na binigay sa'kin ni Mr. Ssg bago ako napairap at ipinasok ulit ito sa loob ng bag.

Magli-liptint na lang ako.

Simula nung nainis ako sa ginawa ni Mr. Ssg at hindi na ako nag lipbalm. Naiinis kasi talaga ako. Yung tipong pakiramdam na nagtatampo ka pero walang sumusuyo. Nga naman, bakit niya ba ako susuyuin? Diba? Wala siyang pake.

"Oh hi." Napahinto ako. Si Mr. Vice na nakasalubong ko.

"Hello."

"Pupunta ka na ng practice?" tanong niya at tumango na lamang ako.

"Sama na'ko?" aniya at nangunot ang noo ko. Ngumiti na lamang ako at hindi ipinahalata ang pagkagulat. Baka kase ma-offend ko ulit siya na isipin niya na ayaw ko siyang kasama.

"Do'n din kase kami magkikita ng teammates ko. Tara." Sumunod ako sa kaniya. Saka ko lang na pansin na ang rude ko Kay Mr. Vice eh siya nga itong mabait sa'kin kesa kay Mr. Ssg.

Noong mga nakaraang araw o linggo kase eh tinulungan niya ako at iti-treat pa nga sana kaso tumanggi ako at sumama kay Mr. Ssg. Feel ko tuloy Wala akong utang na loob at labas. Kahit gano'n ang ginawa ko ay mabait parin siya sa'kin. Akala ko nga ay babalik sa dati ang trato niya sa'kin noong una naming pagkikita tho it's kinda weird. Masungit pero weird.

"Sige una na ako." Napatingin ako kay Mr. Vice.

"Ayon si Sean mo oh," aniya at nainis pa ako nang bahagya. Kumaway siya nang nakangiti sa'kin bago bago umalis at pumunta sa teammates niyang 'di kalayuan sa amin.

Napabuga ako ng hangin bago lingunin ang pinagpa-practice-an namin. Naramdaman ko na naman ang ibang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin namin ni Mr. Ssg. Nakatingin lang siya at maya-maya ay ngumiti at kumaway pa sa'kin.

Lakas ng loob neto ah. Bahala ka diyan.

Nagdire-diretso ako at nilampasan siya. Mabuti nang makalayo dahil naiinis ako sa kaniya. Ilang araw din kaseng walang paramdam. Alam kong busy siya. Sa school works at kay.. Vanessa.

"Oh start na tayo! Fall at line!" sigaw ng instructor at pumila naman kami.  I'm on third from the last kaya kitang kita ko si Mr. Ssg na nasa pang-apat mula sa harap ng pila ng boys. Katapat namin ang mga partner kaya alam kong nakatingin si Mr.  Ssg Kay Vanessa dahil nakatagilid ang ulo nito na nililingon ang katabi.

Wala pa ang partner ko kaya may bungi ang pila at dahil do'n ay nasisilayan ko si Mr. Vice na naka jersey na. Tumatawa ito at nakakamanghang bagay na bagay sa kaniya ang suot niya. Ngayon ko lang kasi siguro nakita siyang suot ang gano'n. Napabaling muli sa harap ang tingin ko nang marinig ko ang palakpak ng nagtuturo.

Pagkabaling ko sa harap ng tingin ay nagulat pa ako nang bahagya dahil nakatingin ai Mr. Ssg sa'kin. Nilingon niya pa ang tinitignan ko kanina bago sumulyap sa'kin at nangunot ang noo nito.

Napakagat na lamang ako ng labi. Heto at nag a-assume na naman! Bakit ba kase ganito ang pinapakita ni Mr. Ssg?

Alam kong crush ko na siya kaya siguro nabibigyan ko ng malisya ang mga ginagawa niya kahit tingin niya dito ay normal at pang kaibigan lang. Nakakainis kase na may nararamdaman akong iba pero magbabago iyon dahil pabago-bago din ang kilos niya. Like, sweet siya noong isang araw tapos ngayon parang wala Lang. Basta gano'n nakakainis.

"Next!" Agad na rumampa ang nasa harap ko. Naghanda naman ako dahil ako na ang susunod. Nang matapos ang una ay agad akong sinenyasan.

Rumampa ako nang natural at dahil feeling ko ay nakatingin sa'kin ang lahat kaya napapikit ako. Naisip ko rin kaseng nakatingin sa'kin si Mr. Ssg. Muli akong nagmulat ang bumuntong hininga.

Natalisod naman ako nang makitang nakatingin nga si Mr. Ssg! Kainis! Kahiya. Nakatingin siya tapos natalisod ako.

"Ay ano ba 'yan girl! Hindi naman kataasan ang takong pero natalisod," sabi nung nagtuturo at agad na kumulo ang dugo ko. Nagbungis-ngisan kase ang ibang babae. Napahiya ako at kasalanan ito ni Mr. Ssg!

"S-sorry."

"Oh siya gora!" aniya at nagtuloy naman akong naglakad.

Nawala ako lalo sa mood kaya gano'n na lamang ang inis ko na kahit partner kong walang kamuwang-muwang pero late ay napagbuntungan ko ng inis.

"Done! Next time ulit. Ilang araw na lang at contest niyo na. Good luck sa inyo!" ani ng instructor bago umalis. Nagpasalamat naman kaming lahat sa kaniya bago nagkaniya-kaniyang alis. Tinanguan ko pa ang partner ko para sa pamamaalam bago ko isukbit ang bag.

Dire-diretso akong maglakad. Ewan ko pero lakad takbo na ang ginagawa ko. Naalala ko na naman kanina ang pagkakataon na nakikita ko silang dalawa na nagtatawanan. Kung paano magposing si Ms. Secretary kay Mr. Ssg na akala mo pumupulupot na ahas.

Alam kong napapatingin si Mr. Ssg sa'kin pero lalo akong naiinis dahil nadi-distruct ako. Nagkakamali ako sa galaw ko gaya nung natalisod ako mula sa pagrampa.

"Hoy." Kumalabog ang dibdib ko. Kinabahan ako bigla. Narinig ko kase ang boses ni Mr. Ssg na papalapit sa'kin kaya mas binilisan ko ang lakad takbo.

"Hoy. Huminto ka nga," rinig ko pa. Mas binilisan ko ang lakad takbo ngunit napahinto rin nang humarang siya sa harap ko.

"Mr. Ssg!" Nagulat ako.

"Sabi ko hinto eh."

"Ah eh h-hindi ko narinig," sabi ko. Shyet. Bakit ako nabubulol?

"Tss," singhal niya. Lumabi ako. Siya pa itong may ganang mag ganiyan? Ha?!

"Bakit ba?" nagtaray ako bigla. Nagbago mood ko eh. Nakita ko naman ang pag awang ng labi niya. Nagsalubong ang kilay niya. Nagulat pa ako nang umupo siya at hawakan ang paa ko.

"Masakit ba?" Marahan niyang tanong. Tinutukoy ang pagkatalisod ko kanina. Napalayo naman ako.

"H-hindi. Nakakapaglakad na nga," sabi ko at tumayo naman siya mula sa pagkakaupo.

"Mag iingat ka kase," bakas sa boses nita ang pag-aalala. Argh.

"Oo alam ko naman iyon," sabi ko. Tumingin ka lang talaga nun.

"Ano ba kase pangalan mo?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Bakit?"

"Ang hirap mong tawagin kapag lumalayo ka sa'kin eh." Napairap ako sa sinabi niya.

"Ayoko nga."

"Sige ka tatawagin kitang 'Mine." Nakangisi niyang sabi. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.

"Edi tawagin mo."

"Gusto mo talagang tawagin kita ng 'Mine' noh?" Lalo siyang ngumisi.

"Aba'y-"

"De wala. Gusto mo ng mine."

"Aria! Aria ang pangalan ko!" Napasigaw ako sa inis. Nahiya din pagkatapos dahil napatingin ang iba. He just chuckled.

"Ano? Aria ko?"

"Bwisit." inis akong iniwan siya. Narinig ko pa ang tawa niya.

"Bye Aria ko!" aniya at nainis ako. Ngunit sa kabilang banda ay napangiti ako.

Arghhh Aria Dhay Moleinarez! Nababaliw ka na rin.

_______

YOUR VOTE AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED!

DO COMMENT SO I WILL KNOW OF WHAT YOU THOUGHT IN THIS STORY!

IF YOU'RE READING THIS STORY THEN YOU'RE ONE OF MY VIELATS!

LALABS MY VIELATS!

-i c o l i t t l e m e ❤

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now