Chapter 23

5K 266 5
                                    

Chapter 23

"Kamusta ang tulog?" Bumungad agad sa'kin si Mr. Ssg pagkapila ko sa school.

Napapangiti ako dahil sa bungad niya. Binigay ko naman ang lahat upang huwag ipahalata ito nang todo. Bakit kase siya pabigla-bigla ng ganito? Pero kung a-aminin ko rin kase ay para sa kaniya ay normal na lang ito di tulad sa'kin. Parang laging bago kahit lagi niya naman itong ginagawa sa'kin.

"Ayos naman. Good morning," wika ko at napangiti siya. Parang ang sarap sa pakiramdam na napangiti ko din siya.

"Sorry sa istorbo kagabi," marahan niyang sabi.

Nag iwas ako ng tingin. "Hindi naman hahaha."

"Ano nga pala sasabihin mo dapat kagabi?" Nahuli ko ang mata niya na nakatitig sa'kin. Sabay kaming napayuko.

"Kamusta lang."

"Ha?"

"I mean kung ayos ka nakauwi. Tungkol din sa pageant."

"Ah.." Naubusan ako ng salita dahil aa narinig ko kaninang sabi niya. Heto na naman kase ako ang nag a-assume.

"Sige baka malate ka sa klase mo. Una ka na. Kita na lang sa uwian." wika niya at ginulo pa ang buhok ko bago nakangiting kumaway sa'kin habang ako'y papalayo.

Napailing-iling naman ako. Ang ganda ng araw ko ngayon ah.

Madaling lumipas ang oras dahil hindi naman ako masyadong nakinig. Kagaya nga ng napag-usapan ay pumunta ako ng canteen dahil don din naman kami madalas magkita ni Mr. Ssg kapag may sasabihin siya o may ipapagawang paper works including Events for school.

Bumili muna ako ng drinks at nagjintay sa dating table na pinag-uupuan namin.

Ang saya ko lang dahil napili na ako bilang representative at tinutulungan pa ako ni Mr. Ssg. Para tuloy ako na ang mananalo dahil aa pagsuporta niya.

Napangiti naman ako sa naramdaman kong may umupo sa harap ko. Agad akong nag-angat ng tingin at binigyan ng pinakamatamis na ngiti ko. Nadismaya pagkatapos dahil hindi si Mr. Ssg ito.

Bakit siya?

"Mr. Vice.." ngumiti ito sa'kin.

"Hi. Long time no see," aniya at binigyan ko lang ito ng tipid na ngiti.

"Hindi daw siya makakapunta," dagdag niya pa. Nangunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Ah eh partner niya kase si Vanessa," sabi niya at tila bumagsak ang balikat ko.

" Si Ms. Secretary," pinilit kong hindi maipahalata ang pagkadismaya.

"Oo, siya kase ang napiling representative. Nalaman ko rin na ikaw ang representative ng section niyo. Good luck," marahan niyang sabi. Nakatingin lang din siya sa'kin. Malumanay na tingin.

"Ah haha..salamat. Akala ko nga eh ikaw ang partner ni Vanessa." Napahinto pa ako saglit dahil nabanggit ko ang pangalan ni Ms. Secretary.

"Ay napalitan kase. Nagvolunteer si Sean na siya ang magiging partner ni Vanessa," wika niya at bahagyang lumikot ang mata. Nakaramdam naman ako ng kaunting inis.

I felt something pinched my heart. Bakit nagvolunteer?

Akala ko pa naman eh ako ang tinutulungan niya. Hindi ko naman siya dapat ipagdamot pero nakakainis lang.

"Ah ganon ba."

"Yes. Tsaka pinapasabi niya pala na syempre ay ikaw ang magrerepresenta ng section niyo ay hindi ka na mag a- assist sa event pero may maipapalit ka ba? I mean nagkulang sa ibang officers kase yung iba eh hindi talaga responsible." Napatango na lamang ako sa sinabi niya.

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now