Chapter 3

9.5K 495 26
                                    

Kiss

"Nak, mapula na naman ang labi mo. Naku, mas maganda ka lalo na kapag wala kang kolorete sa mukha," pambobola ni papa.

"Papa naman eh! Niloloko mo lang ako."

"Hindi kita niloloko anak. Sa'kin ka nanggaling kaya maganda ka. Semilya kita," sabi ni papa at tumawa.

"Papa! Susumbong kita kay mama."

"Biro lang naman," sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Kamukha ka ng mama mo at maganda 'yon kahit walang kolorete sa mukha. Mana ang kagandahan mo sa kaniya," aniya at napatulala na naman sa king saan na tila inaalala ang mukha ni mama.

"Mana din naman ako sabi ni mama noon. Mana ako sa kakulitan mo pa," sabi ko at sabay kaming tumawa.

"I miss your mom."

"Me too," sabi ko at yumakap sa kaniya.

Wala na kasi si mama dahil sa isang pangyayari. Matagal na panahon na 'yon ngunit mananatili parin ng ala ala sa'min ni papa si mama.

"Basta anak, hindi naman masama ang maglagay na kolorete sa mukha basta 'wag mong kalimutan na may natural kang kagandahan at mas maganda 'yon. Alam mo na kung ano 'yon," sabi at napangiti naman ako.

"Sige 'pa, una na ako," sabi ko at tumango naman siya.

***

"Hoy, hinabol ka daw ni Mr. Ssg mo," kutya sa'kin ni Nicole. Sinamaan ko naman s'iya ng tingin.

"Naghabulan sila ayieee!" Lalo akong na badtrip dahil sa gatong ni Janelle.

"Hinabol n'ya ako dahil tumakas ako nang mahuli n'ya akong naka liptint," sabi ko at nagulat ako nang sundutin ni Steph ang tagiliran ko.

"Ikaw ha, kaya ka siguro nagliliptint para habulin ni Mr. Ssg," panunukso ni Steph na ikinainis ko.

Napairap ako at hindi na lang sila pinansin. Pumasok kami sa room at don tumambay.

Buong klase ay wala akong naintindihan dahil nakatulog lamang ako. 'Buti na lang at hindi ako napagalitan. Pagkatapos ay lumabas na ako dala ang bag at hindi na muna sumabay sa mga kaibigan ko.

Pumunta akong Cr at nag ayos. Natulog lang ako ay ang gulo ka'gad ng buhok ko. Habang nagsusuklay ako ay napatihil ako dahil tinitigan ko ang sariling mukha ko.

"Maganda nga," sabi ko habang nakatingin sa sarili ko.

"Kahit walang lip and cheek tint ay maganda ako pero simple lang. Kahit may simple akong kagandahan ay hindi parin maiiwasan na mas mapapansin ang maganda talaga. The type of beauty that everybody's head will look at it." Napakagat ako sa labi ko at saka ko 'to nilagyan ng liptint. Hindi na ako naglagay ng cheek tint.

Naalala ko ang nakasulat sa notes ni mama nung highschool pa siya. Mga notes niya na tumatatak sa isip ko.

Napangiti lamang ako at tinapos ang pag aayos saka lumabas ng Cr.

Papunta ako ng Canteen nang makita ko ang isa kong kaklase na humaharurot sa pagtakbo papunta sa'kin. Narinig ko naman ang mga boses ng officers na himahabol sa kaniya.

"Tago! Dali! Tago!" sabi ni jelyn. 'Agad maman kaming pumunta sa Cr na pinanggalingan ko kanina ay nagtago.

"Hays, thank you jelyn. 'Buti hindi tayo nakita," sabi ko at binura ang liptint ko.

"Grabe yung mga SSG officers. Ang higpit e 'yung ibang babaeng officers nga e naka liptint din pero 'di hinuhuli!" inis na sabi niya.

"Syempre may kapit. 'Yung iba kaya sumali sa gan'yan para excuse sila."

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now