Chapter 6

8.3K 436 37
                                    

Chapter 6

*FOUNDATION DAY*

"KAINIS!" Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa itsura ko ngayon. Ang putla ko!

"Kung hindi ba naman nabasag liptitnt ko eh! Wala pa naman akong pera.. Huhu.."

Nagbihis na ako para makarating ka'gad sa school. Maaga pa ang parade.

Napansin ko na wala si Mr. Ssg kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at baka masira ang araw ko!

"Students, stay at your lines! Ang magulo ay paauwiin na dahil hindi namin kailangan sa foundation day ang mga magugulo!" sigaw ng Vice pres. Of Ssg's. Si Mr. Vice. Himala laging nale-late si Mr. Ssg ang president nila.

Nagsimula ang parade at nagsilakaran naman kami. Pagkatapos ay nag announce na magsisimula na ang program.

"Okay now! Students you can go to any booth you want!" Nagsitilian at nagtakbuhan naman ang iba.

"Hoy, tara pasok tayo sa horror booth," sabi ng mga kaibigan ko at tumango naman ako.

"Ang putla mo teh. Baka mas nakaktakot ka pa kaysa sa mga multo sa horror booth," asar ni Janelle.

"Oo nga."

"Tigilan n'yo'ko. Ayaw ko masira 'yubg araw ko," sabi ko at nanahimik naman na sila.

Pumila kami sa horror booth saka pumasok.

"AHHHHHH!!!!"

"HANLAAAAA 'WAG N'YO'KO IWAAN!"

"MAY NANHHIHILA NG PAA!"

"SHYEET!" Napasigaw na rin ako dahil may humawak sa kamay ko!

Ang init sa loob at hindi ako makakilos ng mabuti dahil siksikan at nagtutulakan sila!

"Huli ka!"

"WAAAAAAHHHH!!!" Napasigaw ako ng malakas dahil hinila ako at naiwan na ako ng ng kaibigan ko!!! Pumikit ako para hindi ko makita ang nakakatakot na mukha ng himila sa'kin.

"PLEASEE NAIWAN N'AKO NG MGA KAIBIGAN KO!!"

"HORROR BOOTH LANG 'TO HINDI JAIL BOOTH KAYA BITAWAN MO'KO!" Nagpupumiglas ako pero lalong humigpit ang hawak n'ya. Nagsimula ang mga sounds effect at lalo lang akong natakot.

"HUHUHU! NAIIHI NA'KO SA TAKOT PISTING YAWA KAAA!" Napadilat naman ako dahil sa hindi kumikibo ang may hawak sa'kin.

"Waaah!" Napapikit ulit ako dahil nakakatakot ang mukha n'ya. Ang lapit ng mukha ng lalaki, shyet! Pero..pero.. Kahit nakakatakot ay parang naga-gwapuhan pa ako!!

"Ang ingay mo." Napatigil ako sa pagrereklamo dahil sa boses na 'yon. Mr. Ssg!

"Hahaha. Naiihi pala ah. Sige ihi ka na, ako lang naman makakakita." Dumilat ako at naiitang nakangisi s'ya ng nakakaloko.

"Bwisit ka!" sabi ko at tumakbo na palabas nang bitawan n'ya kamay ko.

Waaah! Bakit gano'n? Ang-ang gwapo n'ya parin kahit naka horror make up s'ya!

Arghhh! Erase erase!

"Bwisit na 'yon. Kaya pala wala sa parade ay dahil nasa horror booth." Nakangusong inis na bulong ko.

Hinanap ko naman ang mg kaibigan ko na mga walang hiya at iniwan lang talaga ako.

"Kanina pa ako hanap ng hanap, mga bwisit. Pa'no ko sila mahahanap eh ang daming tao." Napakamot na lang ako sa ulo. Umupo ako sa isang bench para magpahinga.

Binuksan ko ang salamin at nakitang ang haggard ko! Inayos ayos ko ang buhok ko at naglagay ng pulbos.

"Shyet. Ang dry na ng lips ko. Wala kase 'yung liptint ko huhu." Kinagat kagat ko naman ang labi ko.

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now