Chapter 17

5.5K 297 8
                                    

Chapter 17

Kinuha ko ang isang balde ng tubig at marahang binuhat papunta sa cr ng mga babae.

Maingat ko itong binuhat kahit mabigat. Nang makarating naman ako sa cr ng mga babae at agad akong nadismaya dahil nakasarado it at may nakalagay na closed sign.

Nakapagtataka dahil sinarado ang cr ng mga babae pero Napabuntong hininga ako at inisip ang sinabi ni Mr. Ssg.

"Dapat maglinis ka ng cr. Titignan ko kung naglinis ka nga. Kapag hindi ka naglinis e hindi ulit Tayo bati."

Ngumuso ako at napatingin sa gawi ng cr ng mga lalaki. Naramdaman ko ang pag-init ng tainga ko. Napangiwi ako.

Maglilinis ako sa cr ng mga lalaki?

Tsh! Wala din naman kase sinabi si Mr. Ssg kung cr lang ng babae lilinisin ko.

Wala akong nagawa at binuhat ang balde at mop. Nagpalinga-linga pa ako ng tingin kung may tao sa loob. Mahirap na baka masising namboboso.

Duh. Hindi ako mamboboso ng lalaki. Kadiri.

Nang masiguro ko ng walang tao ay pumasok ako sa loob para masimulan na ang paglilinis.

"Kainis naman kasi si Mr. Ssg!" sabi ko sabay mop sa isang side. Napapadiin ako sa pag ma-mop dahil sa inis.

"Sa dinami-daming pwedeng punishment ibigay eh maglinis pa ng cr!" Para akong tanga na kinakausap ang sarili.

Ano bang punishment gusto mo? Kiss?

Napahinto ako sa naisip ko. Hindi! Parang may iba pang kumokontrol sa isip ko. Lalo na't tila narinig ko ang boses ni Mr. Ssg!

Nababaliw na ata ako!

"Argh! ano ba Mr. Ssg-" Liningon ko ang pinto na bigla kong narinig na sumirado. Kinabahan ako at tumungo sa pinto.

Makailang beses kong ginalaw ang door knob pero nakalock! Sa labas! May nag lock sa labas!

"Tulong! Tulong!" sigaw ko. Bigla naman akong ginapang mg kaba.

Hindi ako takot mag isa sa isang kwarto. Natutulog ako sa kwarto ko nang mag-isa. Hindi rin naman ako takot sa dilim dahil laging nakapatay ang ilaw sa kwarto ko at sayang sa kuryente pero yung malalock ako, medyo madilim at sa cr pa! Ewan pero natatakot ako!

Naramdaman kong may tumulong luha mula sa  mga mata ko.

Mr. Ssg!

"Tulong! Na lock ako! Pabuksan naman! Please!" Kinalabog ko pa nang malakas ang pinto para may makarinig.

"Titignan ko kung naglinis ka nga."

Ginalaw-galaw ko ang door knob hanggang sa nabuhayan ako ng loob nang gumalaw ang knob mula sa labas. Bubuksan na!

Mr. Ssg!

Pawisan ako at medyo maluha luha ang mata. Nang unti-unting bumukas ang pinto ay agad ko itong sinalubong.

"Mr. Ssg-"

Napahinto ako nang hindi si Mr. Ssg ang nagbukas. Tatlong lalaking may nagtatakang itsura ngunit kalaunan ay ngumisi.

"Miss. Bakit nandito ka?" anang ng lalaking matangkad sa kanilang tatlo.

"Di mo ba alam cr ng mga lalaki 'to?" sabi nung medyo moreno.

"N-na lock ako-"

"May gusto ata." anang ng pangatlo na pandak. Nakakaloko naman silang nagtawanan at pumasok isa-isa kaya napa-atras ako.

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon