Prologue

16.5K 550 76
                                    

"Tsk! Officers. Get this girl. May liptint." Napairap ako sa sinabi ni Mr. Ssg.

Lagi na lang ako nito hinuhuli. Tss. Nakalimutan ko na naman tanggalin liptint ko.

"Kayo! Palagi ko na lang kayo nakikita! Kayo at kayo rin ang mga sumasuway sa rules!"

"Edi pumikit ka," bulong ko. 'Dami pang sinasabi pare-pareho lang naman katulad parin nung nakaraan 'yung sermon n'ya.

"Anong sinabi mo?" Nagulat ako dahil narinig n'ya pa 'yung sinabi ko. Lakas ng pandinig!

"Paki ulit nga 'yung sinabi mo?" Umigting naman ang panga n'ya. Pakshet!

"W-wala," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"Hindi ba kayo mabubuhay kung walang liptint d'yan sa mga labi n'yo? Kaya kayo hindi nagugustuhan ng mga crush n'yo kase mga mukha na kayong clown!" sigaw n'ya at marami namang nag react kasama na ako d'on.

Wow lang ha. Nag liptint lang, Clown na?

"Yung mga pisnge n'yo na parang sinampal! Mga mukha n'yo na parang blineach! At mga labi n'yo na nagpuputukan sa pula na parang kinagat!" inis na sabi n'ya.

"Ingit ka lang e," bulong ko ulit.

Nakita kong napalingon naman s'ya. Narinig na naman ng laki tenga na 'to.

"Dalhin sila sa office at ilista ang mga pangalan para mabigyan ng punishment."

Tumayo kami at pumila para pumunta sa office. Napatigil ako sa paglalakad dahil hinarangan n'ya ko.

"And you, Ako magbibigay ng punishment sa'yo. Pag nakita ko pang mapula 'yang labi mo na parang kinagat ay ako na ang kakagat d'yan. 'Wag mo'ko subukan, babae," aniya at pinunasan ang labi ko bago s'ya umalis.

Pakeneng!?! Kakagatin n'ya?! WUUUUUUT?!

______________

WARNING!

EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS!

This story is work of fiction. Names, Characters, Places, Events and incedents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual living person, living or dead and actual events are purely coincidental.

Any part in this story shouldn't be distributed, published, reproduced, transmitted or exploited by anyone in any form or means without the author's permission!

~icolittleme ( ^__^ )

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now