Chapter 28

5K 292 20
                                    

Chapter 28

Napapangiti ako sa kada studyante na bumabati sa'kin. Parehas na napakinggan ang side naming dalawa. Naipahayag ko ang sa'kin.

Ang saya ko rin dahil napili rin kahit papano ang konsepto na naisip ko. Si mama ang dahilan kung bakit ko nasabi iyon. Siya talaga ang beauty queen ko.

Natanaw ko naman sa di kalayuan ang mga kaibigan ko. Masaya silang kumaway sa'kin at lumapit.

"Ang galing mo!"

"Taray ng pa qoute!"

"WAAAAAAH! How to be you po?"

Napatawa ako sa mga hirit nila. Supportive sila. Kahit pa nung nagdedebate ay todo sigaw sila kahit napapagalitan dahil nasasapwan ang sagot ng dalawang nagdedebate.

"Salamat sa suporta hahaha," nasabi ko na lang. Nagtawanan pa kami bago ako sikuhin ng mga kaibigan ko at inginuso si Mr. Ssg. Naka-pamulsa siyang naglakad papalapit sa'kin. Naka formal attire siya at bumabagay ito nang husto sa kaniya. Lalo siyang gumwapo.

Kainis!

Narinig ko ang bungisngisan ng mga kaibigan ko kaya inismiran ko sila.

"Oh siya, mauna na kami."

"Mukhang may date pa kayo eh," ani Nicole. Pinanlakihan ko sila ng mata at ito namang si Janelle ay ang lakas makatawa. Pagkatapos ko ulit silang irapan ay umalis na rin sila kahit tatawa-tawa pa.

Hinarap ko si Mr. Ssg at agad akong napaiwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Congrats," wika niya at bumuntong hininga pa ako bago tumingin sa kaniya.

"Thank you." Tipid akong ngumiti sa kaniya. Nakita ko kung saan siya napasulyap kaya agad ko iyong tinakpan.

Bastos!

Alam kong kahit maliit ang dalahing hinaharap ko ay may cleavage ako noh!

Ngumisi siya. "Wala namang makikita."

Napa-awang ang labi ko.

"Bastos!"

He just chuckled. Inilahat niya ang kaniyang braso na sumesenyas na lumingkis ako. Wala ng reklamo at lumingkis ako sa kaniyang braso.

"You're beautiful."

"Thanks."

Hindi ko pinapahalata sa kaniya kung gaano ako kinakabahan sa di malamang dahilan ngayon.

"Bakit kase naglalagay ka pa ng kolorete?" Maya-maya ay tanong ni Mr. Ssg. Heto na Naman siya. Ngumuso ako dahil sa sinabi ni Mr. Ssg.

Hindi ako kaputian

Hindi ako katangkaran

May pimples ako

Hindi rin ga'no katangos ilong ko

Nakakainis kilay ko

Hindi perpekto hugis ng mukha ko.

Hindi mahaba pilik mata ko

Hindi kasing ganda ng labi ng iba 'yung labi ko

"Bakit masama ba?" Lihim akong napakagat sa labi.

"Hindi naman pero mas maganda kapag wala, yung natural lang." Yan and laging sinasabi ng karamihan pero sa totoo lang ay kahit sila ay hindi ito napapahalagahan.

"Wag mo'ko lokohin. Hindi ako maganda kapag walang kolorete." Inirapan niya lamang ako. Tamo. Attitude.

"Sabihin na natin hindi ka kasing ganda ng mukha mong may kolorete kapag natural lang pero maganda ka." Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko lamang iyon. Bakit niya ba sinasabi ang mga iyon?

"Eh kase-"

"Bahala ka nga." Nagulat ako nang bigla siyang umalis. Tignan mo may topak na naman.

Hindi ko alam kung anong problem niya sa paglalagay ko ng kolorete sa mukha. Alam kong hindi lang dahil sa President of Ssg siya pero feeling ko tuloy naalibadbaran na siya sa mukha ko.

Tsaka duh. Pageant lang naman ang nangyari kanina kaya natural lang ang may kolorete ako 'no.

After the event, nagsi-alisan na ang iba. Medyo marami pang natira. Hinanap ko naman si Mr. Ssg dahil may sasabihin pa ako. Ewan ko ba kase at umalis pa iyon.

Kanina pa ako palakad lakad pero wala parin siya. Napahinto ako nang marinig ang tinis ng mic.

"Mic test.mic test," My forehead creased. Boses ni Mr. Ssg 'yon ah? Lumingon ako sa likuran at nakita na nakatayo siya sa stage.

Napatingin pa ako sa gilid ko na may mga nagtatakbuhang mga lalaki. Pumwesto sila ng maayos sa harap ko. Ewan ko kung pumwesto sila sa harap ko o dahil nakaharang lang ako sa kanila. Maya-maya ay nagulat ako sa biglang pag tugtog ng music.

Teka...

"You're insecure.. Don't know what for.. You're turning heads when you walk through the door.. Don't need make-up to cover up.. Being the way that you are is enough.. Everyone else in the room can see it.. Everyone else but you-" Napatulala ako Kay Mr. Ssg na kumakanta. Ang ganda ng bosess niya at mukha atang lalo akong mag ka-crush sa kaniya. Nakangiti ito at naka tingin sa'kin? Sa paligin naman ay maraming babaeng kinikilig at nakatingin din sa kaniya. Tss.

"Baby, you light up my world like nobody else... The way that you flip your hair gets me overwhelmed.. But when you smile at the ground it ain't hard to tell.. You don't know, oh oh.. You don't know you're beautiful.." Gusto kong himatayin nang isa-isang nagbigay sa'kin ng bulaklak any mga lalaking sumasayaw.

Kinikiliiig akooo!

Nakita ko naman ang pagbaba ni Mr. Ssg sa stage at lumakad patungo sa gawi ko!

"If only you saw what I can see... You'll understand why I want you so desperately... Right now I'm looking at you and I can't believe... You don't know, oh oh... You don't know you're beautiful, oh oh... That's what makes you beautiful." Napakagat ako ng labi dahil pumwesto palibot ang mga lalaki habang sumasayaw parin. Si Mr. Ssg Naman ay naglakad sa gitna. Alam kong kaming dalawa any nasa gitna ngayon, WAAAAAAH!

"Na na na na na na na na na na!

Na na na na na na na na na na!

Na na na na na na na na na na!

Na na na na na na na na na na!

Na na na na na na na na na na!"

Umawang ang labi ko nang kumanta na rin ang mga lalaking sumasayaw ngunit wala ng tugtog at gamit lamang ang kanilang my kamay sa pagpalakpak.

"You don't have to put any make ups to make yourself bloom. You're glowing even without that thing. Anyway, if that's what you want, it's okay but let me tell you this. Yes, you put things on your face to make yourself more presentable but that doesn't mean that you're not presentable without that."

Nanlalaki ang mata ko dahil sinabi ni Mr. Ssg 'yon nang naka-mic habang papalapit sa'kin.

Nang makalapit na siya sa'kin ay ibinaba n'ya na ang mic at may kinuha mula sa likuran. Isang bulaklak. Inilahad niya sa'kin it at isinenyas na tanggapin ko ito kaya tinanggap ko. Napangiti ako bigla.

Lumapit siya sa'kin na kaunti na pang ang namamagitang distansya sa'ming dalawa.

I can feel my heart pounding fast. Medyo naiilang ako na ewan kinikilig. Mixed emotions.

The distance between us is enough to hear his little laugh.

"Maganda ka kapag may make up pero mas maganda ka kapag natural at ikaw lang, nakangiting sabi niya.

ARGHHH MR. SSG ANO BAAAAA!

_______

(What makes you beautiful song by One direction)

YOUR VOTE AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED!

DO COMMENT SO I WILL KNOW OF WHAT YOU THOUGHT IN THIS STORY!

IF YOU'RE READING THIS STORY THEN YOU'RE ONE OF MY VIELATS!

LALABS MY VIELATS!

-i c o l i t t l e m e ❤

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now