Chapter 1

12.6K 668 26
                                    


Mr. SSG

"Alis na po ako!" sigaw ko bago umalis ng bahay.

Isang panibagong araw na naman at panibagong kalokohan. Napailing na lang ako sa naiisip ko. Magcu-cutting lang kami ng mga kaibigan ko dahil wala namang ga'nong gagawin sa room.

Yes, mahilig kaming magditch ng klase ng mga kaibigan ko. Nakakatamad kaseng pumasok sa klase dahil papagalitan ka lang naman ng teacher at iba pa. Nakakairita pakinggan araw araw. Call me what you want as if I care!

I'm on the last section but that doesn't mean na pariwara ako. I have a brain, well literally all people has but if you have a common sense then you know what I mean. It's just that mas gusto kong nasa last section ako dahil mas kaunti ang expectation. Unlike kapag nasa higest section ka ay maraming nag e-expect sa'yo.

"Girl, 'asa'n ka na? Male-late ka na! Naku baka pagsulatin ka ng mahabang essay!" I rolled my eyes before I hanged up the call.

"I'm sorry," sabi ko nang may nakabangga ako. Narinig ko pa ang oagsinghal nung nakabangga ko pero hindi ko na lang pinansin. Pumasok na ako sa gate at napasimangot dahil late na nga ako!

"Late students! Pumila kayo!" Napapikit ako sa narinig ko. Kinuha ko naman ang panyo ko sa bag at tinggal tanggal ang liptin at blush on ko.

Yeah, I know na bawal mag make up pero anong mamagawa ko? Gusto kong mag ayos. Gusto kong mag mukhang maganda at presintable.

Napaatras naman ako dahil iniisa isa na ang nasa pila.

"Aray!"

"Sorry sorry," sabi ko dahil nakabunggo na naman ako. Pupunta na sana ako sa likod nang may humawak sa kamay ko.

"Ay kalbo!" Napatingin naman ako sa may hawak ng kamay ko at.. Gwapo! Hindi kalbo!

Gosh! Gandang pambungad! Buo ka'gad araw ko! Ngingiti na sana ako nang napatingin ako sa right side ng uniform n'ya.

Nanlaki ang mata ko dahil may nakasulat d'on na..

'President of SSG'

Hindi na pala buo ang araw ko kun'di ay sira! President pala s'ya ng Ssg! Si Mr. Ssg! S'ya pala 'yung laging nanghuhuli sa'kin!

Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit humigpit ang hawak n'ya sa'kin. Napatingin naman ako sa kan'ya at nakatingin s'ya sa labi ko?

Bakit s'ya nakatingin sa labi ko?

"Tsk! Officers. Get this girl. May liptint." Napairap ako sa sinabi ni Mr. Ssg. Kaya pala nakatingin!

Lagi na lang ako nito hinuhuli. Tss. Nakalimutan ko pala tanggalin liptint ko. Tatanggalin ko na eh! Umepal lang s'ya.

Hinatak n'ya naman ako at parang bagay na tinulak sa iaang tabi.

'Antipatiko!'

Maya maya ay nakita kong pinaalis na ang mga late na walang kolorete sa mukha at naiwan lang ang may mga kolorete.

Isinuklay n'ya pa ang kan'yang kamay n'ya sa buhok bago nakapamaywang na humarap sa'min.

"Kayo! Palagi ko na lang kayo nakikita! Kayo at kayo rinang mga sumasaway sa rules!" Nagulat ako dahil sa medyo malalim n'yang boses!

Shocks! Huwag na nga magpapalinlang! Sinira n'ya araw mo.

"Edi pumikit ka," bulong ko. Dami pang sinasabi parepareho lang naman katulad parin nung nakaraan yung sermon n'ya.

Bakit ngayon ko lang nakita ang laging nanenermon? Siya pala 'yung laging sumisigaw kapag nahuhuli ang mga naka make up. Palibhasa ay nakakatulugan ko ang sermon n'ya. Si Mr. Ssg pala ang nanenermon.

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now