Chapter 9

7.5K 380 28
                                    

Chapter 9

"Pa?" Tumungo ako sa kusina at nkita oo naman na nagluluto s'ya. Napangiti ako dahil kahit may katandaan na ang papa ko ay hindi parin nawawala ang kakisigan n'ya. I wonder what it feels if my mom is still here.

Yes, my mom is dead. She died when I was at the young age. Noong bata pa ako ay lagi ko s'yang hinahanap dahil ang hirap para sa'kin ang mawalan ng ina sa gano'ng edad ko but my dad never fail to love me. He never fail to make me feel me that I'm loved. He was like my mother too. Nagpapaka ina din s'ya sa'kin dahil hindi n'ya nakalimutan na ipaalala sa'kin kung gaano ako ka mahal ni mama at lagi n'yang sinasabi na binabantayan n'ya kami.

"Oh anak, maupo ka na d'yan at ihahanda ko na 'tong hapunn natin," an'ya at umupo naman ako.

Nag usap kami sa mga bagay bagay at katulad ng nakasanayan ay hindi nawawala ang kasiyahan sa'min.

Nakahiga na ako ngayon sa kama at napaisip sa kanina.

"Nak, maysasabihin ako." Napatingin ako kay papa.

"Sa'yo na 'yung parang pulang tinta na nakalagay sa maliit na bote?" Tumango ako ka'gad. Sa tingin ko ay tinutukoy ni papa 'yung bagong bili ko na liptint.

"Bakit pa?"

"Nabasag ko e."

Muntik na akong bilaukan. Nanlaki ang mga mata ko ngunit ay ibinalik ko rin sa dati. Napangiwi ako.

"Pero may natira pa naman kaya nilagay ko sa kaulad ng isang lalagyanan non na walang laman." Napangiti naman ako.

"Si papa talaga."

"Bakit ka pa kase naglalagay ng gano'n 'nak?"

"Para mas lalong gumanda 'pa," sabi ko at napatawa s'ya ng mahina.

"Eh hindi mo na kailangan maging maganda pa 'nak. Ang ganda mo kaya." aniya at napangiti ulit ako.

"Alam ko 'pa. Gusto ko lang mas lalong gumanda."

"Bakit? May pinapagandahan ka ba?" Napakunot ako ng noo sa sinabi ni papa pero nagulat din ako sa sarili ko at pumasok bugla sa isip ko si Mr. Ssg!

No way!

"Ha? Hi-wala 'pa ah! Ako? Maganda nga ako pa pero gusto ko lang mas magmukhang presentable kaya naglalagay ako no'n." sabi ko.

"Hindi ba makakasama sa labi mo 'yung pulang tinta na 'yon? Pati 'yung mga ibang kolorete mo? Baka mapano mukha mo n'yan." ani Papa. He's so careful about me.

"Hindi naman papa." sabi ko.

"Good. Anyway, kahit ano namang itsura mo e mahal parin kita dahil ikaw ang prinsesa ko." Kinilig ako kaunti sa sinabi ni papa. Ang sweet n'ya lagi sa'kin.

"At si mama ang reyna mo," I said then we both laughed after.

I'm so lucky to have a father like him. Napangiti muna ako bago ipinikit ang mga mata para matulog.

Kinabukasan ay maaga ako nagising para pumasok sa school. As usual kahit anong aga ko sa paggising ay male-late parin ako.

"Sige pwede ka na pumasok." Sabi nung humarang sa'kin matapos ko tanggalin ang liptint sa labi ko.

Wala si Mr. Ssg. Dati-rati ay tuwang tuwa ako dahil wala 'yung bwisit na manghuhuli sa'kin pero ngayon parang may iba. Nalulungkot ba ako? No. Baka nasanay lang ako na s'ya ang nanghuhuli at nangiinis sa'kin.

"Hi." Napatingin naman ako kay Mr. Vice.

"H-hello."

"Wala kang liptint ngayon sa labi ah." Sabi n'ya at bahagya akong nainis. Hindi ko alam kung bakit pero kaso si Mr. Ssg lang ang nagsasabi sa'kin non.

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now