Chapter 2

10.6K 559 18
                                    

Itali

"BAKA naman destiny kayo hahaha!" Napairap ako sa sinabi ni Nicole. Porket ba lagi si Mr. Ssg ang nakakahuli sa'kin ay destiny na? Hmp!

"Ews. Ayoko dun 'no! Ayoko sa masungit at 'kala mo gwapo eh nerd naman!" sabi ko at humagalpak naman sila.

Pansin ko kase ay laging nakasalamin si Mr. Ssg. Hindi ko alam kung malabo ba ang mata n'ya o porma lang pero bagay naman sa kan'ya. Hindi ko pa rin siya gusto 'no!

Kanina pa nila ako inaasar dahil kakahuli ko ulit kahapon. Mas gugustuhin ko pa ata si Mr. Vice dahil atleast s'ya ay mabait!

"Uyyy, dinideny n'ya pero iniisip n'ya! Ayiiie!" Pang-asar pa ni Janelle.

"Psh! Hindi ko iniisip si Mr. Ssg 'no!"

"Eh may sinabi ba kaming si Mr. Ssg?" sabi ni Steph.

"Ha! Sino ba ang kania pa ninyong sinasabi na dinideny ko? Si Mr. Ssg lang 'diba?" pambabara ko sa kaniya ngunit napatawa lang siya at iiling iling.

"Soooo, dinideny mo nga lang? Pero totoo?" ani Nicole. Napakamot naman ako sa ulo.

"Alam niyo? Wala kayong magawa sa buhay! Inaasar n'yo na naman ako sa hindi ko gusto!" sabi ko at humagalpak naman sila.

"Sus, masyado ka kase magreact. Pwede naman kase na simpleng pagtanggi lang e ikaw? Halos maglupasay ka na d'yan," sabi ni Janelle at lalo akong nainis.

"Psh, bahala kayo d'yan," sabi ko at iniwan sila.

Bakit ba kase nila pinipilit ang isang bagay na hindi pwede?

Waw, hugot ba 'yon?

Napailing na lang ako sa isa ko pang naisip. Hindi naman kase porket nagtatagpo ay itinadhana na 'diba? Tsaka hindi ko magugustuhan 'yon! Mas guhustuhin ko pa si Mr. Vice eh!

Hindi ko na lang inisip 'yon at dumaretso na sa building namin. Doon na lang ako sa room magpapalipas ng oras tutal ay madalas na maglibot ang mga Ssg officers.

"May liptint ka." Napatigil ako sa narinig ko at nakita ko si Mr. Vice. May kasama siyang iilang lalaking officers din at naka abang sila sa hagdan at tinitignan lahat ng dumadaan. Mapalalaki o babae. Ang iba ay  hinihiwalay nila sa tabi at sa tingin ko ay 'yun ang mga pasaway na istudyante na sa tingin ko rin ay mapapasama ako!

Oh! 'diba? Kahit si Mr. Vice lagi kaming nagtatagpo!

"Ikaw rin." Napakagat ako sa sinabi ni Mr. Vice at kumuha siya ng panibagong papel.

"Pangalan."

"Ha?"

"Pangalan. Pangalan mo." Tumingin s'ya sa'kin at 'yon na naman ang titig niyang nakakailang

"Ah..ahm.."

"Ang tagal."

"Pwedeng i-excuse mo muna ako?" sabi ko at nag-paawa ng mukha sa kan'ya.

"Bakit naman?" Kumunot ang noo niya.

"Kase..k-kase.." Isip isip! Anong dahilan?!

"Kase?" Tumaas naman ang kilay ni Mr. Vice.

"Kasemaydalawako!"

"Huh?" nagtatakang tanong niya. Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi kong dahilan.

"Anong sinabi mo?" tanong niya ulit. Hmp! Nakakainis naman!

"Kase may dalaw ako,"  sabi ko at lalong nagsalubong ang kilay n'ya.

Hindi niya ba alam ang ibig kong sabihin?

"Dalaw?" sabi niya. Napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi niya nga alam ang ibig kong sabihin!

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now