Chapter 8

7.8K 368 16
                                    

Chapter 8

"HOY BATI NA TAYOO!"

"Oo nga!"

"Grabe magtampoo!"

"Nakuu, hindi ko kayo bati!" Sabi ko at tumakbo papalayo sa kanila. Matapos nilang hindi ako tubusin makikipagbati sila?

"Para rin naman sa'yo 'yon eh!"

"Oo nga! Sinabi lang din sa'min ni MR. SSG!" Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanila.

Nang nakita ko sila kahapon ay agad ko silang binulyawan dahil hinayaan lang nila akong makasama si Mr. Ssg at mabadtrip ng buong araw.

Hindi naman talaga totally na badtrip ako pero kasi si Mr. Ssg e! May time na natutuwa ako sa ginagawa n'ya at madalas naman ay naiinis ako. Daig ko pa ang buntis na naglilihi dahil naiinis ako kapag nakikita s'ya.

"Anong sinabi n'yo?" Sabi ko at lumapit sa kanila.

Nakita ko naman ang pagtakip ng kaibigan kong si Nicole ng kan'yang bibig.

Anong para sa'kin? Anong sinabi ni Mr. Ssg? See, pati mga kaibigan ko e kinukuntsaba n'ya para lang inisin ako!

Arghhh! Namumuro na sa'kin si Mr. Ssg!

"Tinatnong ko kayo. Anong sinabi ni Mr. Ssg." sabi ko at tinaasan sila ng kilay. Humalukipkip ako ng braso at pilit na kinalma ang sarili.

"Basta 'wag mo sasabihin kay mr. Ssg na sinabi namin sa'yo. Sabi n'ya 'wag ka daw tubusin para masolo ka daw n'ya." sabi ni Janelle. Napatanga pa ako nung una dahil sa sinabi n'ya pero.. Bakit? Bakit gusto n'ya akong masolo? Ahh! Gusto n'ya akong masolong inisin!

"AYIIEEEE! SO ANONG NANGYARI?" Kinikilig na tanong ni Stephanie. Pag iiba n'ya sa usapan. Sininghalan ko sila. Anong nangyari? Kung alam n'yo lang! Naghalo halo ang emosyon ko kahapon!

"Sabi din n'ya ay sa'yo ihagis 'yung bulalak pagkatapos ng kasal-kasalan ko pero umalis ka na. 'Wag ka mag alala s'ya naman ang sumalo!" Sabi ng kaibigan kong nagpakasal kahapon. Sana all.

Inirapan ko sila at nagsi-angalan naman sila.

"Pagiisipan ko kung makikipag bati ako." Sabi ko at umalis na. Hindi naman na sila sumunod at nangulit sa'kin.

Bakit naman gagawin ni Mr. Ssg 'yon 'diba? Sa tuwing may gagawing nakakainis o kakaiba para sa'kin si Mr. Ssg ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi pwede 'yon. Kanina ay sigurado na namumula ako dahil sa nalaman ko kaya umalis ka'gad ako.

Arghh! Mr. Ssg! Bakit mo'ko ginugulooo!

Hindi ko na lang inisip ang sinabi nila dahil baka lalo akong maguluhan. Pumunta ako sa klase ko at kahit doon ay hindi parin ako makaconcentrate dahil kahit anong gawin kong hindi pag-isip tungkol kay Mr. Ssg ay pumapasok parin aa isip ko!

Mabilis lang para sa'kin natapos ang klase at sa buong klase ay kaunti lang siguro ang napakinggan ko dahil sa lintik na Mr. Ssg. Na-i-imagine ko pa 'yung mga pagngisi n'ya na lalong nagpainis sa'kin!

Sa huli ay napagdesisyonan kong makausap si Mr. Ssg kaya nag-abang ako hanggang uwian para sana makausap ko ang mokong na si Mr. Ssg pero buong maghapon ay hindi ko s'ya nakita.

Ano kayang nangyari?

"Ate, ate. Wala po ba si Mr. Ssg?" Tanong ko sa isang officer.

"Mr. Ssg?" Napakagat naman ako ng labi dahil sa nasabi ko. Naalala ko nga pala! Ako lang ang tumatawag sa kan'ya ng gan'on! Bakit ba kase hindi ko alam ang pangalan n'ya?

"Ah-eh 'yung president po ng SSG." Sabi ko at napatango naman s'ya.

"Wala s'ya may sakit kase kaya hindi pumasok ngayon." An'ya at tumango ako. May sakit? Bakit kahapon ay wala naman.

"Get well soon." Nagulat din ako sa sarili ko dahil napabulong ako at nasabi ko ang mga salitang 'yon.

Pagkatapos n'ya gawin sa'kin 'yon e aabsent s'ya? May sakit? Baka kahapon pa pero talagang may gana pa s'ya mang inis!

"Argh. Makauwi na nga. Hays wala si Mr. Ssg." Sabi ko at lumabas ng gate.

Habang naglalakad ako ay nararamdaman kong may nakasunod sa'kin. Lumingon ako at naka motor ito!

Huwaaaaa! Baka may binabalak 'to!

Nang naramdaman kong palapit ng palapit ang nakamotor ay tumakbo na'ko ngunit naharangan ako bigla!

"WAHH! WALA PO AKONG PERA! HINDI RIN PO AKO SEXY! MAALAT PO AKO HINDI PO AKO MASARAP!" Sigaw ko dahil sa sobrang kaba!

"HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA!" Napaangat ako ng tingin at tama ako! Si Mr. Ssg!

Teka? Nakamotor s'ya? Marunong s'ya? Pwede na ba s'yang magmotor?

Napatulala naman ako sa itsura n'ya. Ang astig ng pormahan ah. Naka black jacket at jeans s'ya. Kita naman ang kan'ya white t-shirt dahil nakababa ng kaunti ang zipper ng kan'yang jacket.

Lalo akong natulala sa itsura n'ya na tumatawa. Ang cute tignan. Nakahawak pa s'ya sa t'yan n'ya na tila mamamatay na.

"Wooh! Dami ng tawa ko do'n ah. Tama ka hindi ka naman mukhang masarap." Napairap ako at tumayo na.

"Tse! 'Diba wala ka? Bakit nandito ka ngayon? Nambu-bwisit ka na naman!"

"Sus. Just say you missed me." An'ya at 'yan na naman ang ngisi n'yang nakakaloko!"

"Hindi kita na miss!" Sabi ko at bumaba naman s'ya sa motor at isinabit ang helmet sa kan'yang braso.

"Okay. Ako na lang mag sasabi. I miss you." An'ya at ngumiti naman. Halatang hindi n'ya kinaya ang itsura ko dahil napatulala ako sa sinabi n'ya kaya tumawa ulit s'ya.

"A-ano?"

"Wala. Bingi ka sabi ko."

"Ewan ko sa'yo." Sabi ko at akmang aalis ay pinigilan n'ya ako.

"Ihatid na kita." Sabi n'ya.

Anong nakain nito at naging mabait? Tama may sakit s'ya.

Idinikit ko ang palad sa kan'yang noo at leeg. Medyo mainit. May sinat.

"Anong ginagawa mo?" Nakakunot n'yang tanong.

"May sakit ka nga. Ang bait mo bigla eh." Sabi ko at napaiwas naman s'ya ng tingin.

"Tsk!" At tinabig ang kamay ko.

"Edi 'wag kung ayaw mo."

"May sinabi ako?"

"Tsk!" Singhal n'ya na naman at nagulat ako dahil may kunuha s'ya sa motor n'ya na paper flowers at may dinukot din s'ya sa bulsa.

"Here. Nakalimutan kong ibigay sa'yo kahapon." Inilahad n'ya ang bulaklak at lipbalm? Ulit? Lipbalm na naman?

"Lipbalm ulit?" Sabi ko at kinuha n'ya naman ang kamay ko at nilagay ang binibigay ang dala n'ya.

"Nahulog mo 'yan kahapon. Takbo kase ng takbo eh."

"Para saan 'tong bulaklak?" Napangisi naman s'ya.

"Basta itago mo." An'ya at sumakay na sa motor.

"Sabi mo ihahatid mo'ko?"

Lumingon naman s'ya at napailing.

"Nagbago na isip ko." Sabi n'ya at nilagay ang helmet bago humarurot..

EEEH? ANTIPATIKO! NAG AYANG IHATID AKO TAPOS IIWAN DIN! LAGI NA LANG.

ITO BA YUNG BULAKLAK KAHAPON SA KASAL KASALAN?!?!

_______

YOUR VOTE AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED!

DO COMMENT SO I WILL KNOW OF WHAT YOU THOUGHT IN THIS STORY!

IF YOU'RE READING THIS STORY THEN YOU'RE ONE OF MY VIELATS!

LALABS MY VIELATS!

-i c o l i t t l e m e ❤

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now