11: The Gift

118K 732 13
                                    

Chapter 11: The Gift

Gab's POV:

Humiga na si Mike sa kama nya habang ako naiwang nakatulala sa pinto, Hindi ko malaman kung anong gagawin ko, para akong estatwa nung mga oras na yun.Waah! Anong gagawin ko?

Tulog na kaya si Mike? Nakapikit na kasi sya e. Haaayy Mike mylabs napakagwapo mo talaga.

"Mike" Tawag ko sa mahinang boses, hindi sya gumalaw.

"Mikekim" Tawag ko pa, pero hindi pa din gumagalaw, tulog na nga ata sya. "Mr.Tan!!"

"Mantika matulog! Hmp!" No choice! Dito na nga lang ako matutulog sa sofa, hiniga ko na ang katawan ko at humarap sa kinahihigaan ng mylabs ko, tinitigan ko ang mukha nya.

"Goodnight Mike." Sabi ko ng nakangiti, habang unti unti ko ng pinipikit ang mata ko.

Aaaahhh! Hindi ako makatulog! Insomnia nanaman ba ‘to? O dahil gwapo lang talaga tong nasa harap ko?

Kasi naman Mike e! Bakit natulog ka na agad? Ayan tuloy pinagnanasaan ka ng mata ko! Ang gwapo gwapo gwapo mo talaga!

DUB DUB DUB DUB

O kitams? Pati puso ko sumasangayon!

10:00 pm na pero dilat pa din ako.

11:00 pm. Waaaaahhh!! I can't sleep!

12:00 MN na. Hindi pa din ako makatulog!

1:00 am. Ito na ata, makakatulog na ata ko..

1

2

3

zzz

~~

(=__=) Sabog. Ayan ang mukha ko ng magising ako.

Nagising akong nandito na ako sa kama ni mylabs, at sya ay nasa..

SOFA??!!

Bakit at paano sya napunta dun?! At ako naman? Paano ako nakapunta dito? Pero hindi naman ako tumayo kaninang madaling araw ah?

Hindi kaya binuhat nya ko? Tapos nilipat nya ko dito?

Hmp! Napaka feeler ko talaga! Malamang nag-sleep walk ako kaninang madaling araw tapos tumabi ako sakanya, tapos lumipat sya.

"Pero hindi naman ako nag i-sleep walk e!" Bulong ko. napangiti naman ako bigla.

"Siguro nga binuhat nya ako. Hihi" Kinikilig ako!

Hindi pa din ako tumatayo, hindi ko pa din kasi ma-absorb yung mga pangyayari e.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon